Chapter 44

1.7K 74 2
                                    

Alex


"Kailangan mo ng mga yan kasi ikaw na ang personal assistant ko. Mula sa araw na ito. Remember sinabi ko sa iyo na sa akin kana mag work. Kaya nga ipinamili na kita ng ganyan e. Ayaw ko na babalik kapa sa coffee shop na yun at makikipag landian sa kung sino sino." Maldita na sagot nito sa akin.

"Hindi mo naman na kailangan na bilhan pa ako ng ganyan e. Pwede naman na ako na lang bumili ng sa akin. Tsaka itong ATM bakit may ganito pa? May pera naman akong sarili kaya di ko na kailangan pa ito." Sagot ko naman dito.

"Hayst di mo talaga iniintindi ang sinasabi ko sa iyo e. Ang sabi ko diba personal assistant na kita. Natural na sa sahuran na kita. Kaya binibigay ko sa iyo yang ATM na yan ay advance na ng ng sahod mo. Alam ko din naman na kaya ka nag wo work doon dahil nabibitin ka sa allowance mo. Kaya yan binigyan na kita para Hindi kana mag isip pa na mag trabaho pa kung saan saan." Sagot nito sa akin at bigla na lang kinuha ang aking kamay at inilagay doon yung ATM na kanina pa nito inaabot sa akin.

Napipilitan na kinuha ko na lang yun sa kanya. Bahala siya dyan. Di ko naman babawasan kahit singko pa ang laman nito. Kayang kaya ko naman gastusan ang sarili ko.

Tsaka joke ko lang naman sa kanya yung kinukulang ako sa allowance ko e. Sobra sobra nga ang binibigay sa aking allowance ng parents ko sa totoo lang.

Kasi kahit na may mga negosyo na ako at sariling pera ay nag bibigay pa rin sila mg allowance ko pati na rin sa pag aaral ko ay sa kanila pa nanggagaling.

Katwiran ng mga ito ay parents ko sila kaya dapat lang na gawin nila ang ganoong bagay at ang pera ko ay ipunin ko lang daw para sa future ko at ng magiging family ko. Kaya kung tutuusin ay sobra sobra ang pera ko. Siya na lang naman ang kulang sa akin sa totoo lang. Hehehe

"May fifty million na laman yan. Ngayon kung nakukulangan ka pa ay mag sabi ka lang sa akin at mag ta transfer ako kaagad dyan. Yan ang sahod mo sa kalahating buwan at after nun aymag sa sahud ka ulit for the next half of the month." Parang wala lang na sabi nito sa akin.

Halos di naman ako makapaniwala na naka tingin lang dito dahil sa sinabi nito. Ano!!? One hundred million ang ibig niyang sahurin ko sa loob ng isang buwan at ginawa pang kinsinas at katapusan daw ang sahud ko

My gulay, dinaig ko pa ang personal secretary ko kung sa sagud din lang ang pag uusapan. tangina pinag luluko ba ako nitong si Agata?

Nang Hindi na ako makapag pigil pa ay nag salita na ako dito. Hindi naman yata makatarungan na ganun masyado kalaki ang sa sahurin ko sa kanya sa loob lang ngisang buwan.

Bakit ako na ba ang gagawin niyang CEOsa company niya at kaya ganyan na Lang kung pasahurin niya ako. Pero kahit na gawin pa niya akong CEO nito ay malaki pa rin talaga. Napaka unbelievable niya talagang tao.

"Hindi ko matatanggap ito Agata. Tsaka kahit hindi mo na ako bayaran pa ay payag naman ako na maging personal assistant mo e. Pero hindi naman sa ganito." Naiiling na sagot ko dito sabay abot ng ATM na hawak ko sa kanya.

Pero sinamaan naman ako kaagd nito ng tingin na para bang hindi nito nagustuhan ang aking sinabi sa kanya.

"Pag binigay ko na ay hindi ko na kinukuha pa ulit at tsaka ano ang gusto mo ha. Yung doon ka sa coffee shop para marami kang chix na makita? Para marami kang malalandi na ganun ba yun Alexandria!!!?" Galit na baling nito sa akin.

Napapikit naman ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nawawala sa isip niya yung pag bibiru ko dito na   maraming chix doon sa coffee shop kaya gusto ko doon mag work. Kahit na nilinaw ko na dito na hindi naman yun totoo at joke lamang naman ang lahat.

Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ng dumakdak na naman ito. " Sa tingin mo ay makakapayag pa ako na bumalik ka doon. Kahit anong mangyari ay hinding Hindi kana makakatungtong pa sa lugar na yun Alex. Itaga mo yan sa bato kahit na sa mga matatandang hindi nag pa panty sa gabi." Galit na dagdag pa niya.

Bakit ba mga ganito na pinagsasabi ng matandang ito. Kulang yata ito sa dilig e. Madiligan nga baka sakali na mabawasan ang kamalditahan niyang taglay.

"Hayst bakit ba kasi yan ang nasa isip mo? Ang sabi ko lang po ang laki sobra ng gusto mo ipa sahud sa akin. Bakit pakiramdam ko ay gusto mo na gawin kitang sugar mommy? Ang gusto ko lang naman ay gawin kitang sugar baby ko. Kasi kahit matanda kana. Baby pa rin kita." Naka ngiti ng sagot ko dito.

Tangina kinikilig ako sa sarili kong banat. Bwisit.

Nakita ko na mabilis naman namula ang mukha nito. Parang nakipag sampalan pa ito dahil sa pagka pula nun. Shit kinikilig din si tanda.

Dapat ganyan kiligin ka. Pero sa akin lang dapat. Kasi sa akin kana e. Need ko lang mag wait na maging single ka kasi a angkinin na kaagad kita pag naging single kana. Mahirap na at baka maunahan pa ng iba.

"Ah basta sayo na yan. Yung gusto ko ang masusunod at wala ka ng magagawa pa kung Hindi ang sundin ang mga gusto ko. Mahal mo naman ako diba. So sumunod ka sa utos ng iyong kumander at sa utos ng baby mo." Kagat labi na sabi nito sabay talikod sa akin pagkasabi niya sa huling sentences nito.

Wala na naman akong nagawa. Wala e ginamitan na tayo ng ipinag babawal na tiknik. Kaya ang magagawa ko na lang ay ang kunin at sundin ang mga sinabi niya.

"Aalis na rin ako at pu punta na sa unit ko. Mamayang hapunan pumunta ka sa unit ko at doon ka kumain ah. Mag luluto ako. Ayaw ko na ma lalate ka. Sharp seven dapat nandoon kana.at isa pa nga pala ayaw ko na may la landiin ka pang iba maliban sa akin. Kaya yang Kourtney na yan ay iwasan mo na habang maaga pa at habang kaya ko pang mag pigil. Dahil once na hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay pasensya na lang siya kung sa hospital na siya magising." Babala nito saka tuluyan na itong umalis sa unit ko.

Habol tanaw naman ako dito at hindi maka paniwala na naka tingin lang dito hanggang sa tuluyan na itong makalabas sa unit ko.




Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon