Chapter 63

1.9K 69 8
                                    

Agata


Nandito na ako ngayon sa isang tv station at ito nga kausap na kami ng isang kilalang tv personality at nag e interview sa amin ni Jake.

"Ang tanong nga pala ng taong bayan kailan ang talagang exact date ng kasal nyo at bakit parang nag mamadali yata na pakasal na kayong dalawa. Kasi hindi naman sa nakikialam kami ha. Pero ito kasi ang top list na tanong ng mga tao." Hindi na makapag antay na tanong kaagad sa amin ni Jake.

Sa sagot na sana si Jake pero pinigilan ko na ito. Sabi ko nga ay gusto ko ng itama ang lahat ng nangyari at ayaw ko na bigyan pa ito ng hope na pakakasal ako sa kanya dahil ehem may asawa na akong tao.

"Bago ko nga po pala sagutin ang lahat ng yan ay gusto kong sabihin na unang una ay hindi na matutuloy pa ang kasal namin ni Jake dahil ngayon palang ay break na kami. Oo break na kami dahil may asawa na po akong tao hindi ako pwedeng basta basta mag pakasal at wala din naman po akong Plano na ipawalang bisa iyon kaya hinding hindi na po matutuloy ito." Diri diritso na sagot ko dito.

"Ikalawa po ay sa totoo lang napilitan lang ako na mag yes sa kanya nung inaya niya ako ng kasal kasi nga ay naka live po kami.Tsaka nandoon din ang kanyang family. Ang balak ko po talaga ng araw na yun ay makipag break na sa kanya dahil alam ko sa aking sarili na hindi pag mamahal ang nararamdaman ko sa kanya kung hindi pag hanga lamang po. Pero ayaw ko na lukuhin ang sarili ko pati na siya at ang aking asawa. Kaya ngayon sa live na ito sinasabi ko na ako ay may asawa na po at hindi na rin po matutuloy ang kasal. Patawad Jake pero pinilit ko ang sarili ko na mahalin ka. Pero wala e. Siya talaga ang mahal ko si Alex na asawa ko na ngayon. Alam ko na hindi mo ako basta basta mapapatawad. Pero humihingi pa rin ako ng sorry sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa iyo. At ayaw ko ng dagdagan pa yun."

"Humihingi din ako ng sorry sa family mo maging sa family ng asawa ko kasi nasaktan ko ang damdamin ng anak nila kaya nga itinatama ko na ngayon ang lahat. At kay Tita nga pala na Mom ni Alex. Tita sorry po sa lahat ng hindi maganda na nasabi ko sa iyo. Pasensya na po talaga. Sadyang mahal ko lang si Alex at nag selos lang naman po ako nun kaya nasabi ko po ang mga bagay na yun. Pasensya na po talaga. Sana po ay bigyan nyo pa ako ng another chance para makilala po natin ang isat isa." Ipinag tapat ko na ang lahat at wala na akong pakialam pa kung ano pa ang sabihin ng iba.

Alam ko na trending Malala na naman ang nangyari ngayon. Nang tignan ko naman ang itsura ng interviewer ay naka tanga lang ito sa akin at parang hindi pa ma process sa kanyang utak ang mga pinag sasabi ko.

Wala e. Kailangan na sabihin ko na ang lahat upang maging maayos na.

Nang si Jake naman ang tignan ko na nasa aking tabi lang ay napaka sama ng tingin nito sa akin na para bang gusto na ako nitong tirisin dahil sa galit sa akin.

"Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin ang lahat ha Agata? Kailangan pa talaga na e live mo upang mapahiya lang ako ha!" Galit na galit na bulong nito sa akin.

"Patawad pero ito lang alam kong paraan upang matapos na ang lahat ng ito e. Alam na alam mo na makikipag hiwalay na ako sayo nung after ng fight mo pero ano ang ginawa mo? Pero alam ko na sobrang mali at malaki ang kasalanan na nagawa ko sayo kaya nga humihingi pa rin ako sayo ng tawad." Sagot ko naman dito.

Alam ko rin sa aking sarili na hindi maganda ang nagawa ko dito lalo na nga at napa hiya pa ito ngayon. Pero kasi gusto ko ng tapusin ang lahat lahat e.

Maya lang ay bigla na lang itong tumayo at walang paalam na umalis na sa set. Mag papaalam na rin sana ako pero nag salita na kaagad ang interviewer.

"Wow ang intense nun Ms. Agata." Nasabi na lang ng interviewer sa akin.

"May nais pa po ba kayong sabihin sa ating mga manonood.?"

"Gusto ko lang sana na bigyan ng babala ang lahat na huwag nyo ng landiin pa ang asawa ko kung ayaw nyo na maka tikim ng kamao ko. At isa pa nga pala ay magre retired na ako as MMA fighter dahil nais ko na lang asikasuhin ang family ko. At ikaw Kourtney tigil tigilan mo na si Alex dahil asawa ko na siya." Sabi ko naman at tuluyan ng nag paalam sa mga ito.

Gusto ko ng umuwe na kaagad at miss na miss ko na kaagad ang asawa ko na ngayon nga ay nandyan lang sa may parking lot at nag hi hintay sa akin

Gusto pa nga sana na samahan ako nito dito sa studio kaya lang ay pina iwan ko na siya. Baka kasi kung ano pa ang mangyari at pag balingan pa ito ng galit ni Jake.

Balak ko din na padalhan ito ng kotse si Jake. Isang Lamborghini alam ko kasi na dream nito na magkaroon ng ganun. Parang peace offering ko na lang sa kanya. Kahit ano pa ang sabihin ay malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Dahil sa kagagahan ko.

Pag labas ko ng studio ay ang mga ibang staff ay mga naka tingin sa akin pero mga nginitian ko lang naman ang mga ito.

Wala naman akong pakialam sa kanila no. Nag madali na akong sumakay sa elevator upang maka baba na ako ng parking lot at mapuntahan ko na ang mahal ko na asawa. .

Hayst okay na ang kay Jake sana lang ay huwag itong gumawa ng hindi maganda na pareho namin na ikapapahamak.

Sa mother in law ko na lang ang problema ko ngayon. Sana din lang ay magawan ko ng paraan na maging okay din kami nito.

Nang makababa na ako sa parking ay mabilis na akong pumasok sa loob ng at agad na sinalubong ako ng yakap ni Alex.

"Grabi love ang ginawa mo doon sa set. Ang lakas ng loob mo. Hayst medyo naaawa lang ako kay Jake pero proud ako sayo kasi nakaya mo lahat sabihin ang mga bagay na yun. Di bali kapag lumamig na ang issue ay personal na hihingi tayo ng tawad kay Jake. Ayaw ko din na may galit sa atin habang tayo ay masaya." Masuyo na sabi sa akin ni Alex habang naka yakap ito ng mahihpit sa akin.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon