Alex
Akala ko ay hahayaan na lang ako ni Agata na sa lapag matulog. Basta hindi ko na kasi namalayan pa kung ano ang nangyari na kagabi.
Basta pag lapat pa lang ng likod ko sa sahig kagabi ay nakatulog na ako. Sabi ko nga ay antok na antok na talaga ako.
Kaya ito pag gising ko ay parang may mabigat na naka dantay sa hita ko ay bewang. Pero hinayaan ko na lang yun.
Pero shit lang bakit ang bango naman yata ng unan ko ngayon na yakap yakap ko. Tapos medyo mainit din ang ibinibigay nito sa akin sa aking katawan.
Kaya naman mas lalo ko pang inilapit sa akin ang unan at mas hinigpitan pa ang pag kakayakap dito. Ang comfortable kasi sa pakiramdam e.
Maya lang ay mas lalo naman na nag sumiksik sa aking dibdib ang unan ko kaya naman mas hinila ko ito sa akin
Pero bigla na lang ako natigilan ng maalala ko na bakit gumagalaw ang unan? Bakit sumisiksik lalo sa akin at kailan pa ito gumagalaw? Potek na yan huwag nilang sabihin sa akin na may multo na kaagad dito na siyang nag pagalaw sa unan ko???
Mabilis na nag dilat ako ng mata upang tiyakin na walang multo at upang makita na rin kung bakit gumalaw ito pero shit lang isang babae ang aking yakap yakap at naka siksik ngayon sa dibdib ko habang naka unan pa sa braso ko.
Tangina lang. Bakit may babae dito???? Maya lang ay nag flashback sa akin ang nangyari kagabi at siniguro ko muna na si Agata itong yakap ko ngayon at naka hinga naman ako ng maluwag ng malaman na siya nga ito.
Kaya naman pala ang bango bango nito e at ang comfortable ng pakiramdam ko siya naman pala ang nasa mga bisig ko ngayon.
As much as I want to hold her in my arms ay hindi pwede. Ayaw ko na magising ito na nasa ganito kaming sitwasyon. Baka magalit na lang ito bigla sa akin at masapok ako ng wala sa oras.
Kaya naman dahan dahan na inalis ko ang pag kakayakap nito sa bewang ko at pati na rin ang pag kaka unan niya sa braso ko na medyo ngalay na ngayon.
Pero ang nakaka ano lang e habang inaalis ko ang pag kakayakap nito sa akin ay mas lalo lang naman nitong hinigpitan yun.
Kaya walang magawa kung Hindi ang hintayin na lang ito na mag bago ng pwesto. Pero tangina kanina pa ako nag hihintay na mag bago ito ng pwesto ay wala pa rin.
Inulit ko na lang uli na unti untiin ang pag tanggal sa yakap niya at wala pa rin naman akong magawa. Ayaw talaga ako nito pakawalan.
Naiisip ko lang ay paano ako napunta dito sa kama? Tanda ko kasi na lumipat ako sa lapag nung inilagay ako nito sa kama e. Pero bakit nandito ako ngayon?
Alangan naman na lumipat ulit ako dito hindi ko lang matandaan? Hayst problema ito malaki kapag nagising na ang isang ito.
Teka anong oras na ba? May lakad pa ako e. Asan na ba ang phone ko na yun at baka kanina pa nag te text or tumatawag sa akin itong si Kourtney.
Patay talaga ako sa isang yun kapag late na akong naka punta sa usapan namin. Pero hindi pa naman tumunog ang alarm ko kaya malamang na maaga pa siguro.
Nang sa wakas ay nag palit ito ng pwesto ay sinamantala ko na ang pag kakataon at mabilis na akong umalis ng kama. Bago pa ako nito maabutan na nandito. Baka kung ano pa ang isipin nito sa akin eh. Mahirap na.
Agad ko naman ng hinanap ang aking phone at balak ko na tignan kung anong oras na.
Nakita ko ito sa may table. Paano kaya ito napunta dito? Ang alam ko ay nasa bulsa ko lang ito kagabi at hindi ko na natanggal pa kasi nga ay nalasing na ako.
Kahit na masakit ang ulo ko s hangover ay kailangan na pilitin ko ang aking sarili.
Kung bakit ba naman kasi napa sarap ang inum ko kagabi yan tuloy kung ano ano na lang ang aking pinaggagawa.
Tinignan ko kung anong oras na. Pero putek na yan nakapatay ito. Mukhang na lobat na yata. Pero naka full charge ito bago ako umalis sa bahay kahapon ah. Hayst ano ba naman yan pati phone ko di marunong makisabay sa akin.
Mabilis na kinuha ko naman sa drawer ang charger at nag charge. Nang sa tingin ko ay okay ng e open ay nag open na ako ng phone.
Halos man lumo naman ako ng makita ko kung anong oras na. Mag 11 na ng umaga. Tae na yan halos 2 hours na akong late sa usapan namin ni Kourtney at sobrang nakakahiya na dito.
Maya lang ay sunod sunod na ang dating ng message sa akin. At halos si Kourtney na ang nag message ng mga yun.
Mabilis naman na tinawagan ko ito. Grabi hiyang hiya na ako sa kanya sa totoo lang.
Ako itong nag aya sa kanya para sa friendship namin pero ako ang di sisipot. Tangina lang talaga ka Alex. Kapal ng mukha mo men.
Maya lang ay sinagot na nito ang call ko. "tangina mo Alex kanina pa ako dito mcdo hanggang ngayon wala ka pa. Kanina pa din ako pinag titinginan ng mga tao dito. Bwisit ka!!!" Inis na inis na sigaw nito sa akin.
Huwag niyang sabihin na hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya sa may mcdo kung saan ang usapan namin na mag kikita nito?
Halos pulang pula naman na ang mukha ko sa kahihiyan dito. Napahilamos na lang ako ng mukha at tinanggap lahat ng galit at mura nito sa akin.
Kasalanan ko din naman kung bakit galit na galit ito ngayon. Tapos hanggang ngayon ay nandoon pa rin siya.
"Sorry na please, kagigising ko lang sa totoo lang. Sorry talaga. Wait wag kang aalis dyan at papasundo na lang kita dyan at dito na lang muna tayo sa condo ko. Pasensya na talaga Kourtney. Promise babawi ako sayo. Wait mo na lang yung driver ko at papa sundo kita dyan."
"Hayst ano pa nga ba ang magagawa ko. Pero bumawi ka sa akin ha. Paki sabi sa driver mo na dalian niya at nag mu mukha na akong tanga dito kanina pa." Sagot naman nito sa akin.
"Pasensya na talaga ha. Oo babawi ako sa susunod. Ipag luluto na lang kita total malapit naman na Ang tanghalian e. Sige na at ng matawagan ko na ang driver ko. Bye." Paalam ko dito saka ako tumawag sa bahay upang sunduin nito sa mcdo si Kourtney.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Dragostesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...