Alex
Matapos nitong lumayo sa akin ng bahagya ay doon pa lang ako naka hinga ng maluwag.
"Saan po ba tayo pupunta kasi Ate Agata?" Tanong ko sa kanya kapag daka.
Hindi naman ako sinagot nito. Bagkos ay nag open ito ng bottle water saka iniabot sa akin.
"Oh uminom ka muna. Baka mamaya ay himatayin ka na naman dyan." Sabi niya saka binuhay na muli ang makina.
Hayst Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Parang tanga lang ako na nag tanong sa taong pepe kainis.
Siya kaya ang ganyanin ko din. Huwag ko din kaya sagutin ang mga tanong nito sa akin. Nang marandaman naman niya ang feeling ng hindi sinasagot ang tanong mo.
Humalukipkip na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. Bahala ka nga dyan. Nakaka sagad kana ng pasensya. Kuhang kuha mo ang inis ko.
Ibang sagad pa naman sana ang gustong gawin dito pero ngayon ay pasensya na muna ang sinasagad ko sa kanya. Tangina lang na buhay ito.
Maya lang ay huminto na kami sa isang may kalakihan na building. Siguro dito siya nag o office. Sa isip isip ko.
Agad naman na inabot nito ang susi niya doon sa guard na lumapit ng makita ang kotse ni Agata. .
Hindi pa rin naman ako bumababa hanggng ngayon. Wala naman siyang sinasabi e. Tsaka naiinis ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Matapos niya akong takutin kanina at nahimatay na nga ako tapos hindi man lang ako kausapin nito ng matino at wala man lang ako narinig na sorry mula sa kanya ha. Nakakainis talaga.
Maya lang ay nakita ko naka kunot na naman ang noo nitong si Agata na naka tingin sa banda ko. Pero di pa rin ako kumikilos. Tampo ako sayo. Bahala ka dyan sa buhay mo.
Mukhang hindi na ito nakatiis na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumababa dito sa kotse at naka tingin na rin ngayon ng may pag tataka su Manong guard sa akin.
Pabalibag na binuksan nito ang pinto sa tapat ko. "Kanina pa kita hinihintay na bumaba ah. Ano ka tanga ha Alex!??" Sigaw nito sa akin at mukhang inis na inis na siya talaga.
Kapal ng mukha siya pa itong may gana na mainis dyan. Ako nga kung tutuusin angry dapat mainis dito e. Feeling naman niya jowa niya ako at makapag selos dyan ay wagas.
Dahil sinagat na nga nito ang pasensya ko ay mabilis na lumabas na ako ng kotse at nag mamadali na nag lakad hindi papasok sa building kung hindi ay tinahak ko na ang daan palabas dito.
Uuwe na ako. Tangina lang. Ako pa ang ta tanga tangahin niyang ganyan. Ano ba ang karapatan nito na ganituhin ako ha? Bahala na siya dyan. Wala akong pakialam kung magalit pa ito sa akin. Pakialam ko. Sumusobra na siya sa pag ga ganyan niya sa akin.
Akala ba niya Hindi ko nahahalata na puro selos lang ang lahat ng ito. Fuck sa concerned na pinag sasabi nito. Duh hindi ako pinanganak kahapon para Hindi malaman lahat ng reason sa mga pinag gagawa niyang ito.
Mabilis na pumara ako ng taxi na nakita ko pero bago pa ako makasakay doon ay mabilis nang may kamay na humawak sa braso ko.
At alam ko na kaagag kung kanino ang kamay na mahigpit na naka hawak sa akin ngayon.
Pero matigas ako. Nakaka sagad na kasi talaga e. "Bitaw" mababa ang boses na sabi ko dito.
Pero parang wala itong narinig sa sinabi ko sa kanya.
"Tara na sa loob. Please Alex huwag ka ng mag matigas pa. Tara na." Pag pipilit naman nito sa akin.
May please pa siyang nalalaman pero halata mo naman na labas sa ilong nito ang pakiusap niya na yan. Kaya hindi tama ng ginagawa niyang ito sa akin.
Kailangan na mag matigas ako sa kanya ngayon. Para naman malaman niya na hindi sa lahat ng oras ay kaya niya akong mapa sunod.
Hindi sa lahat ng oras ay matatakot niya ako ng ganyan. Top ako kaya dapat astig ako. Ako dapat ang masusunod at hindi siya.
"Isa Alex kapag nag matigas kapa baka gusto mo na mahimatay ka na ulit pero sa ospital na ang gising mo. Huwag mong sagarin ang pasensya ko ha. Kunting kunti ka na lang sa akin na bwisit ka. Kanina kapa sa coffee shop!!!" Sigaw na nito sa akin.
Mas lalo lang na humigpit ang pag kakahawak niya sa braso ko. Ngayon sure na ako na may balak talaga ito na balian ako at hindi lang yun. Mukhang matutuloy na Ang pag sapak nito sa akin dahil sa inis niya.
Bigla tuloy naka ramdam na ako ng panlalamig dahil doon. Maisip ko pa lang kung ano na ang itsura ko after ako nitong masapak ay parang ayaw ko ng isipin pa.
Tangina dapat astig ako e. Kasi ako ang top sa aming dalawa. Pero putangina naman kasi e. Bakit kasi kailangan niya na kausapin ako ng ganito.
Kahit na mag paka astig pa ako sa kanyang harapan ngayon ay mukhang wala din lang mangyayari dahil iisa lang ang kahihinatnan ko nito sa ospital kapag hindi pa ako sumunod sa kanyang gusto.
Kaya kahit labag sa loob ko ay mabilis na hinila ko na ito pabalik sa building at halos kaladkarin ko na siya papasok sa loob nito.
Ang bagal kasi niya mag lakad e. Kanina ko pa nga gusto na pumasoksa loob bakit ba kasi nandito ako sa labas? Kainis na paa ito e. May sariling isip na mag lakad. Tuloy ako ngayon ang malalagot.
"Ang bagal mo naman mag lakad Ate Agata" sabi ko pa sa kanya.
Nakita ko naman ang pag taas ng isang kilay niot dahil sa sinabi ko sa kanya. .
"Tumigil ka Alex at ako ay napupuno na sa iyo kaya tigil tigilan mo ako." Sagot naman nito sa akin.
At nauna na ngang nag lakad ito sa akin.
Nandito na kami ngayon sa kanyang office at basta na lang ako nito pina upo sa couch na nandito sa office niya habang lumabas na itong muli at mukhang may inuutos sa kanyang secretary.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Storie d'amoresi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...