Chapter 9

2K 85 7
                                    

Alex


Mabilis na akong umalis sa condo ni Agata. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nag halo halo na ang sakit, panghihinayang sa aking sarili kung bakit nag paka tanga ako dito ng sobra.

Yung sobrang nag invest ako ng feelings sa kanya pero wala din pala akong mapapala.

Oo alam ko na wala itong kasalanan sa akin. Dahil hindi ko naman hawak ang kanyang damdamin at isa pa ay always nitong sinasabi na wala akong mapapala dito kaya tigilan ko na siya.

Ako lang naman itong makulit eh. Ang persistent na man ligaw. Sayang ang mga panahon na ginugol ko.

Pero kahit ganun ay wala akong dapat sisihin dahil alam ko na ginawa ko talaga ang lahat.

Sadyang Hindi lang kami nito para sa isat isa. Kaya mula sa araw na ito give up na ako. Titigilan ko na siya. Sarili ko na lang muna ang mamahalin ko.

Kailangan ko muna buoin ang sarili ko. Baka sakali na nandyan lang pala sa tabi tabi ang nakalaan sa akin Hindi ko lang napapansin kasi masyado naka focus dito ang lahat ng attention ko.

Tigmak ang luha na bumalik na ako sa unit ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko upang kahit sana papaano ay maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nang makapasok na ako sa unit ko ay napa higa na lang ako sa aking kama. Habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.

Masakit lang kasi talaga eh. Yung pinangarap ko na siya na ang gusto ko makasama habang buhay at maging ina ng mga anak ko.

Pero may iba pa lang plano sa buhay niya at hindi ako kasali doon. Mahal na mahal ko ito eh. Hindi naman ako mag ta tyaga sa kanya ng mahigit dalawang taon kung hindi ko ito mahal at hindi ako seryoso sa kanya.

Hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako. Nagising na lang ako sa pag tunog ng phone ko. Tumatawag na naman ang friend ko na si Mesty.

Pero hinayaan ko na lang na tumunog yun. Nag silent na lang ako ng phone ko. Wala ako sa mood ngayon na makipag bulahan at makinig sa chismiss nito.

Baka din kasi bigla na lang ako umiyak dito mag alala pa ito sa akin at maya nyan bigla pa niyang sugurin si Agata kahit wala naman itong kasalanan sa kanya.

Naka ilang try pa ito bg tawag at sumuko na rin ng hindi ko ito sinagot.

Bumangon na rin naman ako ng tuluyan. Medyo hapon naman na kaya uuwe na lang muna ako sa bahay mas maganda na pan samantala ay doon muna ako.

Ayaw ko pang makita sa ngayon ito. Baka mamaya ay kasama pa nito ang boyfriend niya.

Oo alam ko na boyfriend na niya ang lalaki na yun. Alangan naman mag tukaan lang silang dalawa na wala silang label?

Hindi naman ito klase ng babae na basta basta na lang mag papahalik sa kung sino kung hindi naman sila nito.

Naligo na muna ako bago ko dinala mga important things ko at nilagay lahat yun sa bag pack ko. Hindi ko kasi alam kung kailan ako babalik sa condo ko na ito.

Kaya naman dinala ko na ang mga mahahalaga ko na gamit ang mga damit ko naman ay mayroon ako sa bahay kaya di na kailangan pa.

May papupuntahin na lang ako nag mag lilinis pansamantala ng unit ko at least once a week upang maging malinis pa rin naman ito.

Nang ma sure ko na okay naman na ang lahat ay tuluyan na akong lumabas sa unit ko. Hindi na rin ako nag aksaya pa ang oras na tignan ang katapat ko na unit ni Agata.

Baka lalo lang kasi na sumakit ang puso ko. Mabilis na sumakay na ako ng elevator at sakto pag pasok ko nun ay sakto naman na nagmamadali si Agata na lumabas ng unit nito patakbo sa elevator.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Mabuti na lang at may kasabay kami dito sa elevator mabilis na pumasok naman ito sa loob at mukhang hingal na hingal pa ito.

Nag pagilid na lang naman ako at hindi na inabala pa ang aking sarili na tignan pa ito. Naka yuko lang ako habang hinihintay na makarating sa parking lot ang elevator.

Alam ko at ramdam ko naman na naka tingin ito sa akin ngayon pero tinigasan ko na ang aking leeg na huwag itong lingunin pa.

Hanggang sa mag open na nga ito sa parking kaya nag mamadali na akong lumabas ng elevator at hindi na ito nilingon pa.

Bahala na siya dyan. Sabi ko nga sa aking sarili ay titigilan ko na ito. Tama na ang masaktan na ako ng todo pero minsanan lang ang sakit.

Hindi naman ako martyr na tao na mananatili pa rin na mamahalin siya kung alam ko na may mahal naman na itong iba.

Tanga din ako kung halimbawa man na sabihin nito sa akin na pwede naman kaming maging mag kaibigan nito.

Dahil kahit anong dahilan pa nyan ay masa saktan at masa saktan pa rin ako.

Nang makarating na ako sa aking kotse ay papasok na sana ako sa loob nito ng may bigla na lang humawak sa aking braso.

"Sandali lang Alex. Pwede ba tayong mag usap?" May pakiusap na tanong sa akin ni Agata.

Hindi ko naman maiwasan na mapa pikit dahil sa ginawa nito. Tanga ako kung sa sabihin ko na walang effect ang pag hawak niyang ito sa akin.

Mas lalo lang ako nasa saktan ngayon dahil alam ko sa sarili ko na kahit gaano pa kasarap sa pakiramdam ang mahawakan nito ay malinaw na malinaw pa rin na hindi ako mahal nito.

Tinatagan ko na muna ang aking loob bago humarap dito. Pero mabilis ko din na inalis ang kanyang kamay sa braso ko.

"Ano po yun Ate Agata?" Malamig na tanong ko dito.

Oo tinawag ko na rin siya na ate Agata dahil yun naman ang gusto nitong e tawag ko sa kanya noon pa eh. Sabi nga niya madalas na igalang ko naman daw siya e.

Nakita ko na parang nabigla naman ito sa sinabi ko. Hindi ko lang alam kung sa part na tinawag ko siyang ate or ang pagiging cold ko na sa kanya ngayon?

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon