Alex
Halos isang buwan na rin na hindi na ako pumupunta pa sa condo ko. Naging busy na rin kasi ako sa school at tsaka sa mga bagong ipinapatayo kong mga branches ng mga negosyo ko.
Kaya naman hindi ko na rin masyado pang naaalala si Agata. Napa ganda na rin yung hindi ko pag stay doon kaya hindi ko siya masyado naaalala ngayon.
Sa tingin ko naman ay kaya ko na siyangharapin ngayon kung sakali man na magka harap kaming dalawa. Kahit naman na nasaktan ako ay hangad ko pa rin sa kanila ng boyfriend nito na maging maayos ang relationship nila.
Ngayon ay nandito ako sa room ko dito sa bahay at nag aayos ng aking sarili. May dadaluhan kasi akong party na kung saan ay na doon halos lahat ng mga pwede na maging investors sa negosyo ko pati na rin ng parents ko.
Wala nga pala sila nasa business trip at ilang buwan sila doon. Kaya nga kahit wala akong ka hilig hilig sa mga party na ganyan ay kailangan ko na dumalo. Para na rin bilang representative ng company namin.
Matapos na makapag ayos na ako ay bumaba na ako. Tamang tama lang naman ang ayos ko ngayon. Hindi ko kailangan na magpaka bongga at hindi naman pagandahan ang labanan doon eh.
Pag baba ko ay agad na akong pumunta sa kotse ko. Wala naman akong dalang partner ko at wala din naman ako na madadala.
Hindi din available itong si Mesty at baka mamaya ay puro pag aaya pauwe lang ang gawin nun sa akin. mainis lang ako dito.
Maya lang ay nag drive na ako papunta sa venue sa isang sikat na sikat na hotel.
Pinag iisipan ko nga din kung mag va venture din ba ako ng hotel bilang additional sa business ko. Kaya lang ay wala pa akong masyadong knowledge about doon.
Pero marami ng lumalapit sa akin na mga malalaking company na mag invest daw ako sa hotel nila. Lalo pa nga at nag e expand pa ang mga ito.
Kaya nga pag wala ako masyadong ginagawa ay pinag aaralan ko talaga na maigi ang nga proposal ng mga ito eh.
Ayaw ko naman na mag stay lang ako sa business ko. Gusto ko na sumubok pa ng sumubok ng iba. Pero pag dating sa pag ibig gusto ko ay isa lang.
Pero kailangan ko na rin yatang sumubok na ng iba. Saka na pag alam ko na nakapag move on na talaga ako sa kanya. Dahil ayaw ko na maging bias sa taong ipapalit ko dito.
Ang gusto ko ay buong buo na maibibigay ko sa kanya ang puso ko. Dahil ayaw kong maging unfair dito.
Hayst bakit ba napunta ako sa ganun?
Nang makarating na ako sa venue ay mabilis na akong pumasok sa loob. Halos hindi pa nga sana ako papasukin kung hindi ko lang ipinakita sa mga ito ang invitation eh.
Akala yata nila ay gate crashers ako at mag hahanap lang ako dito ng mayaman na pwede mag tawid para sa kahirapan ko.
Alam ko naman kasi sa bata ko ba naman kasing ito sino ang maniniwala na dadalo ako sa ganito na puro mga matatanda lang ang halos nandito.
Mas iisipin pa syempre ng mga kaidad ko na pumunta na lang sa party ng mga kabataan na katulad ko kung saan ay maingay at ang gulo gulo.
Nagulat pa nga ng ipakita ko ang invitation eh. Sa akin mismo naka pangalan yun. Iba pa ang sa parents ko. Syempre para sa mga nag organized ng event na ito ay isa na rin ako sa successful na businesswoman no.
Nang makapasok na ako sa loob ay bumungad sa akin ang mga matatanda na nga na ngayon ay busy sa pakikipag usap sa mga kumpare at mga kakilala ng mga ito
Kaya naman nag hanap na lang ako ng pwede kong pag pwestuhan. Ayaw ko man makaramdam na parang outcast ako dito ay parang ganun na nga.
Maya lang ay may lumapit na sa aking waiter at nag aalok ng alak. Kinuha ko naman yun at inilapag na lang sa table ko. Ako lang mag isa ang naka upo dito.
Mamaya na lang siguro ako kukuha ng pagkain. Total naman ay buffet ito kaya bahala ka kumuha ng foods mo. Hayst sana pala sinama ko na lang dito si Mesty para kahit paano ay may kasama ako dito sa table ko. Hindi yung para akong tanga dito.
Maya lang ay tumayo na ako upang mag cr. Naiihi na kasi ako eh.
Paliko na sana ako sa paselyo ng may maka bangga ako. Hayst ano ba naman yan mabilis na hinawakan ko ang naka bangga ko upang hindi ito tuluyan na matumba.
Ramdam ko naman ang lambot ng katawan nito pati na rin ang mabango nitong amoy.
Pero medyo natigilan ako ng maamoy ko ang pabango nito. Para kasing naamoy ko na yun eh. Ah baka nagkataon lang na same ng perfume nito yung naamoy ko noon. Ah tama baka same lang.
Nang maitayo ko na ito ng maayos at tingin dito ay bigla na lang parang umurong ang dila ako.
Shit si Ms. Sungit ang naka banggaan ko na ngayon ay mukhang nakilala na rin ako at masama na ang tingin nito sa akin.
Alam ko na may kasalanan pa ako dito. At tinakasan ko siya noon pero matagal na yun eh. Tsaka malay ko lang na mag sa sanga pa ang landas namin nito.
Medyo dumalang na nga ang pag punta ko sa branch ng coffee shop ko kung saan ko ito unang nakilala baka lang kasi malay nyo naman na ina abangan pala ako nito.
Pero sadyang napaka liit talaga ng mundo dahil dito pa talaga sa event na ito kami mag kita ni Ms. Sungit.
Patay ka talaga Alex bakit kasi kung ano ano pa ang ginawa mo dito nokn. Tuloy ngayon hindi mo alam kung ano ang gagawin.
Maya lang ay nag salita na muli ito. "Anong ginagawa mo sa party na ito? Gate crasher ka no. E su sumbong talaga kita sa guard dyan sa labas." Sabi nito sa akin. Sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palabas.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...