Chapter 2

2.6K 87 4
                                    

Alex

Nang matapos ako makapag luto ay nag pahinga muna ako saglit. Maya na lang ako pu punta kay baby cakes ko at baka tulog pa rin yun ngayon.

Kinuha ko muna ang aking laptop at may mga tatapusin muna akong activities sa school. Syempre kahit naman maaga akong lumandi ay hindi ko pinapabayaan ang aking pag aaral no.

Nakakahiya naman kung puro 3 or singko ang grades ko no. Baka bigla na lang ako pauwiin sa bahay ng parents ko. Di mas lalo na akong mahihirapan na manligaw nito.

May consent naman ng parents ko ang pinag gagawa kong ito no. Alam nila na head over heels ako sa aking baby cakes madalas nga na sinasabi nila sa akin na dalhin ko na nga daw sa bahay ito eh.

Paano ko naman siya madadala kung ganito naman na Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinasagot nito.

Sa totoo nga lang ay hindi pa ako kahit minsan nito pinag bi bigyan na e date sya. Kaya sinusulit ko na lang na dito sa kanyang condo manligaw eh.

Wala na siyang magagawa pa. Ako pa eh hindi uso sa akin ang salitang pag suko. Para lang yun sa mga mahihinang nilalang.

Mabilis ko lang naman natapos ang mga activities ko kaya naman ang mga business ko na coffee shop, bar, at restaurant naman ang aking hinarap.

Medyo Hindi ko kasi naharap ito ng mga ilang linggo na. Dahil nga sa mas nag concentrate ako sa study ko at katatapos lang ng med term namin.

So far so good naman ang mga negosyo ko at wala naman akong nakita na hindi maganda na report sa akin ng mga managers ko dahil tumataas naman ang revenue ng mga business ko kaya malamang nito ay may incentives na naman sa akin lahat ng employees ko.

Ganito naman ako sa mga employees ko eh. Basta maganda ang pasok ng pera sa negosyo ay hindi pwede na ako lang ang makikinabang dapat sila din.

Kaya nga walang mga tamad na empleyado ko eh at lahat sila magagalang. Subok ko na rin ang katapatan ng mga ito sa akin. Sana all tapat. Hahaha

Nang matapos ko na mag read sa mga reports ay sinara ko na ang laptop ko at nag unat unat muna saglit.

Maya lang ay tumayo na ako at pumunta na ng kusina. Medyo mainit pa naman ang niluto ko kaya nag sandok na lang ako at inilagay yun sa mangkok.

Da dalhan ko na ng foods angaking baby cakes. Baka kasi gising na yun ngayon at nagugutom na siya. Tamang tama diba ang dating ko.

Baka malay nyo naman ay bigla na lang ako sagutin nito dahil sa tuwa sa akin. Pero sana Hindi lang dahil sa tuwa. Sana mahalin na rin ako nito.

Nang makapag sandok na ako ay mabilis na akong lumabas sa aking condo at dumiritso na sa unit ni baby cakes.

Pag pasok ko sa condo nya ay bukas na ang kwarto nito. Sabi na eh gising na ito.

Mabilis na dumiritso na ako sa kusina nito at doon nga ay nakita ko ito na umiinom ng tubig at nakatalikod sa akin.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mapa lunok mg makita ko ang ayos nito.

Naka sports bra lang kasi siya at naka maikling short kaya naman kitang kita ko ang ka sexyhan nito.

Kitang kita ko ang firm nitong mga muscle na at ang maliit nitong bewang. Isama nyo pa ang behind nito na ang tambok na parang ang sarap pisilin.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon