Alex
Pagkaalis ng secretary ni Agata ay agad na ako nitong binalingan na para bang may nagawa na naman akong kasalanan dito. Wagas kasi maka tingin e.
"Ano na naman na ngitian yun ha Alex? As in sa harap ko pa talaga makikipag flirt ka sa babaeng yun ha. Sa harap ko pa talaga!!! Hindi pa nga tayo pero nambababae kana kaagad." Galit na sumbat nito sa akin.
Nag tataka naman na naka tingin lang ako dito. Ano na naman ang binibintang nito sa akin? Sino naman ang nilandi at kangitian ko na pinag sasabi nito?
Hayst mukhang di na naman po siya naka inum ng kanyang gamot kaya ganyan siya. Ang galing talaga mambintang pa nito. Akala mo ay totoo din e.
Yung secretary lang naman niya dito ang pumasok at nag dala ng meryenda alangan na nag selos pa siya doon. Para ngumiti lang ako kasi na appreciate ko yung ginawa niya. Tapos itong madumi ang utak na Agata na ito ay kung saan na naman po nakarating ang kanyang pag iisip. Hayst.
Pero tumaas lang ang kilay ko dito. Kasasabi ko lang sa kanya na bawal pa siyang mag selos dahil wala pa naman kami nito kaya bahala siya dyan.
"Ano hindi ka man lang ba mag e explain sa akin ng ginawa mong kaharutan na bwisit ka ha?!!"
"Bakit ka ba kasi nagagalit dyan ha??? Ngumiti lang ako doon sa tao dahil nag pasalamat lang ako sa dinala niyang meryenda dito o. Alangan na e snob ko yung tao. Ang kapal naman ng mukha ko kung gawin ko sa kanya yun. Tsaka wala naman ibig sabihin yun e. Dahil kahit na ganyan ka ay ikaw pa din naman e. Alam mo naman ang bagay na yun." Paliwanag ko na lang sa kanya.
Okay mas maganda na mag explain na lang dito kaysa ang makipag talo pa sa kanya dahil hindi yan titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niyang marinig kaya pag bigyan na lang ito.
Nakita ko naman ang pag ingos nito sa akin. Pero bago pa siya maka talikod sa akin ay nakita ko na rin ang pag silay ng ngiti nito. Mukhang kinilig pa ang gaga.
"Hmmp kumain ka na nga lang dyan. Dami mo pang sinasabi." Masungit na sagot naman niya at ipinag patuloy na muli nito ang kanyang ginagawa.
Naiiling na lang ako dahil sa ina akto nito. Hindi pa lang kasi aminin na kinikilig ito halata naman sa kanya eh.
"Mamaya mo na ituloy yang ginagawa mo. Dito kana lang muna mag meryenda tayo." Pag aaya ko naman sa kanya.
Alangan naman kasi na ako lang ang kumain diba. Ang kapal naman ng mukha ko na nun. Tapos siya ito nag ta trabaho doon.
"Mauna kana at malapit ko na rin naman na matapos ito e." Sagot naman niya sa akin na naka subsob na naman ang mukha sa mga papeles na inaaral nito.
Hayst bigla tuloy nawalan ako ng gana na kumain. Kaya hindi ko na lang ginalaw pa yun at tumayo na lang at tumanaw sa may ibaba.
Kitang kita kasi mula dito sa office niya ang mga nag lalakihan din na building at mga kotse na nasa daan na parang mga langgam na lang sa paningin ko ngayon.
Maya lang ay may naramdaman na akong tao na naka tabi mula sa kinatatayuan ko. At kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko na si Agata ito.
Alangan naman multo e ang aga pa naman. Pero kung multo na kasing sexy at ganda nito baka makipag kwentuhan na muna ako sa kanya. ..
"Bakit hindi kapa mag meryenda doon? Alam ko naman na nagugutom kana " malumanay na tanong nito sa akin ngayon.
Naka tingin pa rin naman ako hanggang ngayon sa may ibaba at hindi pa rin ito nililingon ngayon. Tampo lang ako. Kasi naman feeling ko mas mahalaga pa yung ginagawa niya kanina kaysa ang maka sabay ako na mag meryenda. Akala ko ba ay mahal niya ako? Sa simple na pag aaya ko lang sa kanya ay di pa niya ako mapag bigyan.
Oo na parang nag iisip na naman ako at nag a act na parang bata e bakit ba yun ang nararamdaman ko ngayon e. Bakit bawal ba yun? Hindi naman a. ..
"Nawalan na ako ng gana. Sige na tapusin mo na yung ginagawa mo doon ng maka uwe na tayo." Malamig na sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko pa rin siya pinapansin ngayon. Medyo mataas ang pride ko ngayon. Syempre alam ko kasi na mahal ako nito kaya gusto ko lang mag pa bebe bakit ba.
"Mamaya ko na lang e tutuloy yun. Bigla akong nagutom e. Tsaka gusto ko kasi na maka sabay ka na mag meryenda kaya halika na." Malambing ng pag aaya nito sa akin.
Napa kagat labi naman ako ng wala sa oras dahil sa ginagawa nito. Oo na kilig much lang si me. Marunong din naman pala mag lambing ang isang ito.
Akala ko kasi ay puro tuyo na lang ang na nanalatay sa katawan nito. Kaya hindi na ako nag pa bebe pa at sumunod na dito ng hawakan niya ang kamay ko at e giya ako paupo sa may sofa at tumabi pa ito sa akin.
Maya lang ay kumuha ito ng isang slice at inabot yun sa akin. Na agad ko naman na tinanggap mula dito.
"Salamat." Kimi na sabi ko sa kanya.
Potek bakit parang ang pabebe ko yata sa pag thank you ko sa kanya? Dapat astig ako. Kasi ako ang top tangina naman oh.
Nalambing lang ng kunti biglang parang naging bot ang datingan Alex ah. Kung wala ka lang malaking talong sa gitna ay masasabi ko na talaga na literal na bot ka.
Dapat itaas mo ang pagiging top natin pre. Hindi yung nag a ack ka ng ganyan. Nakakahiya. Gusto na kitang tanggalin sa samahan ng mga top sarap e.
Nakita ko na kukuha na sana ito ng para sa kanya kaya mabilis na akong kumilos at ako na ang nag abot ng para dito. Pati na rin yung drinks ay inilagay ko na rin sa tapat niya.
Nang may nakita ako na lumampas na sauce sa gilid ng labi niya ay agad na pinahid ko yun ng thumb ko at agad na dinala yun sa bibig ko. Hayst sarap talaga ng kitsup. Hahaha
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...