Alex
Mabilis naman na pinigilan ko ito sa kanyang balak na gawin. Kainis talaga itong si Ms. Sungit walang pinapalampas eh.
"Tika nga lang muna saglit. Pwede ba bitiwan mo ang kamay ko Ms. Sungit." Medyo inis na sabi ko naman dito.
Mabuti na nga lang at kami lang dalawa nito sa may paselyo na ito. Kung hindi ay gagawa talaga kami ng eksena nito dahil na rin sa kagagawan niya.
Ginawa pa ako nitong babaeng bayaran. Mamaya siya ang bayaran ko dyan para manahimik na lang sya dyan eh.
"Ano ba ang problema mo sa akin. Natural na nandito ako kasi invited ako kaya wag kang ano dyan." May inis na sagot ko dito.
Hindi naman naniniwala na tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Na para bang hindi maka paniwala na ang isang katulad ko ay ma invite na kaagad sa mga ganitong gatherings .
Well wala akong magagawa doon dahil nga sa unang una hindi naman ako ang organizer nito at pangalawa ay bakit naman ang hindi diba?
Kahit naman mukhang may gatas pa ako sa labi sabi nga ni ate Agata ay batang bata pa naman kasi ako. 18 yrs old pa lang naman po kasi ako kaya hindi ko naman siya basta ma sisi kung mag duda ito sa sinabi ko.
"Bakit naman nila ikaw e invite eh isa ka lang naman crew sa isang coffee shop." Pan lilibak nito sa pagkatao ko.
Hindi ko naman mapigilan na hindi matawa sa sinabi nito. Oo nga pala isang crew ang tingin nito sa akin kasi nga naman ay nasa counter ako at ako pa ang nag asikaso ng order nito ng una ko siyang makita.
"Sorry not Sorry pero mali ka ng hinala Miss kasi hindi lang naman kasi ako basta crew sa coffee shop na yun. Kung hindi ako din ang may ari nun at lahat ng branch niya kaya I think hindi naman sila nag kamali na e invite ako dito. At isa pa ay ako din pala ang representative ng parents ko. Dahil nga sa wala sila dito sa Pilipinas at nasa ibang bansa sila para sa business trip nila. Siguro naman ay okay na yun sayo no. Baka naman pwede ay bitawan mo na ako kasi kanina pa ako ihing ihi. Kaya please lang and sorry nga pala ulit sa nagawa ko nung sa Mall. Promise hindi ko sinasadya yun. Nataranta langako talaga." Paliwanag ko naman dito.
Maya lang ay binitiwan na rin nito ang kamay ko pero halatang halata dito na hindi siya maka paniwala sa mga sinabi ko sa kanya.
Bahala siya dyan. Basta ako nag explain na dito. Nasa kanya na yan kung maniwala man siya o hindi.
At yun nga ay tuluyan na akong umalis sa harapan niya para mag cr. Mabilis lang naman ako natapos dahil wala naman halos tao na nandito sa cr.
Lumabas naman na ako at patungo na sana sa dati kong pwesto ng bigla na lang akong hilahin ng kung sino.
Mabilis naman na tinignan ko kung sino ang pangahas na basta na lang humila sa akin. At si Ms. Sungit ang aking nalingunan. Ano na naman ba ang kailangan sa akin ng babae na ito?
Huwag niyang sabihin na hindi pa siya satisfied sa mga sinabi ko sa kanya at baka gusto pa nitong e double check kung totoo nga ang sinabi ko sa kanya.
Mag sasalita na sana ako dito para magtanongng bigla na lang siyang mag salita.
"Pwede na ikaw na lang ang partner ko ngayon? Wala kasi akong partner at mag isa lang ako pumunta dito eh. Ayaw ko pa nga sana kaya lang ay kailangan ko. Dahil nag ha hanap ako ng mga investors sa company namin. Mukhang wala ka rin kasama kaya kung pwede lang sana." Mabait na tanong nito sa akin.
Medyo nagulat naman ako dahil doon. Hindi ko ini expect na magiging mabait ito bigla sa akin. Sabagay ay may hinihiling ito eh. Tsaka wala naman problema sa akin na kasama ko siya basta huwag lang niya ako su sungitan dahil hindi ko sure kung hindi ko siya palatulan .
"Sure why not. Total naman ay mag isa ko din lang naman eh. Balak ko na nga sana umuwe na lang at ang boring naman kasi dito." Naka ngiti na sagot ko naman dito.
Mabilis naman na bigla na lang itong kumapit sa aking braso kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang alalayan ito habangnag lalakad kami.
Nang makarating na kami sa may table ay ipinag hila ko naman ito ng upuan saka pa lang ako umupo.
Nag thank you naman ito sa akin na nginitian ko lang naman. Gentlewoman kaya ako. Lalo na sa mga babaeng mababait.
Nang maka upo na ako ay nag kwentuhan naman na kami nito. Maya lang ay nag ask na siya sa akin ng mga personal questions.
"Ang bata mo naman para makapag patayo kaagad ng ganun kalaki na business Alex." Hindi pa rin maka paniwala na tanong nito sa akin.
Oo nga pala nakapag pakilala na kami sa isat isa nito.
"Ganito kasi yun. 16 palang ako ng mag try ako mag venture ng isang coffee shop. Ang ginamit ko na puhunan ko noon ay ang ipon ko. Yung mga yun ay mga bigay din sa akin ng parents ko, sa mga tito at tita ko at maging sa grandparents ko. Lahat ng mga binibigay nila sa akin ay naka savings sa bangko kaya nung mag simula ako ay withdraw ko lahat ito. Sinama ko na rin na sinimulan ang bar at restaurant ko. Tinitignan ko kasi kung alin sa tatlo na business kong ito ang kikita at yun nga. Lahat naman silang tatlo ay goods ang pasok ng kita kaya yun nag unti unti ay nakapag dagdag ako ng branch nila at nung bago matapos ang taon ay nag apply na ako ng loan sa bangko ng almost half billion para sa pag papa expand ko sa mga negosyo ko. Then the rest ito na at malapit ko na rin mabayaran ang loan ko." Medyo proud sa sarili na kwento ko dito.
Hindi naman ito maka paniwala na naka tingin lang sa akin ngayon at medyo awang pa ang kanyang bibig.
Mamaya nyan mapasukan siya dyan ng insekto bahala sya dyan. Maya ay parang na hamig na rin nito ang kanyang sarili at naka tingin sa akin ng hindi pa rin makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...