Chapter 6

1.9K 73 0
                                    

Alex

Napapahiya na tuluyan na akong umalis sa counter at baka mamaya ay maka encounter na naman ako ng katulad ni Ms. Sungit ay parang lalo lang akong magiging kahiya hiya sa mga staff ko.

Nang makapasok na ako sa office ko ay naka tanga lang naman ako sa kawalan at hindi malaman kung ano ang gagawin ko. Tapos ko naman na kasi ang mga paperwork's ko kaya naman wala na rin akong gagawin pa dito sa office ko.

Hayst maya lang ay kinuha ko na ang dala kong gamit at tumayo na ako. Mag ma mall na lang ako. Kaysa ang naka tunganga lang ako dito.

Mag sho shopping na lang ako. Medyo kailangan ko na rin kasi bumili ng mga new clothes ko at balak ko din manood ng sine.

Showing na rin kasi yung matagal ko ng inaabangan na movie eh. Hindi ko naman mayaya na manood kaming dalawa ni Agata at baka masigawan lang na naman ako nun

Ang best friend ko naman na si Mesty ay umuwe sa kanila sa Batangas. Sinasama nga ako nun eh kaya lang tumanggi ako kasi nga darating ang baby cakes ko.

Nang makalabas na ako ng office ko ay nasalubong ang manager ko at nag bilin na lang ako dito na mag order sila ng meryenda nila dito ibawas na lang kako sa binta ng shop at e note na pang niya sa report.

Nag paalam na rin ako dito at sa mga staff ko at tuluyan na akong lumabas ng coffee shop.

Sumakay na ako sa kotse ko at dumiritso na sa pinaka malapit na Mall. Sanay naman ako na pasayahin mag isa ang aking sarili. Ikaw ba naman maging solong anak eh.

Pagdating ko sa mall ay dumiritso na ako sa isang shop kung saan favorite ko ang mga design ng mga damit nila dito.

Ako ang klase ng tao na Hindi naman maarte at magarbo sa katawan. Kung magustuhan ko ang tela nito at design ay bibilhin ko kaagad kahit na nasa mumurahin na store lang ito.

Hindi naman ako mahilig sa mga mamahalin eh. Minsan kasi kahit na hindi naman kagandahan tapos ang mahal pa. Parang ung name na lang ng damit ang binayaran mo eh.

Medyo marami rami na rin ang mga napili ko at balak ko na sanangmag bayad sa counter ng hindi sinasadya ay may naka bangga ako at mabilis na humagis ang bitbit nitongmga damit.

Ako naman ay mabilis na niyakap ko ang babae na yun upang hindi ito tuluyan na makipag lips to lips sa sahig.

Maya lang ay nag sink in sa akin ng maamoy ko ang pabango nito na parang naamoy ko na ito eh. Yung nakaka relax sa pakiramdam kaya ang sarap nitong amoyin.

Idagdag mo pa ang malambot nitong katawan na damang dama ko ngayon. Kasi nga ay mahigpit na yakap yakap ko ito para hindi ito matumba.

Maya lang ay bigla na lang akong tinulak ng babae at parang diring diri ito at gusto agad na malayo ako sa pagkakahawak ko sa kanya.

Kaya Naman dahan dahan na tinignan ko ito at ganun na lang ang gulat ko ng mapag sino ko ang babae na naka bungguan ko.

Kaya naman pala parang familiar sa akin ang amoy niya. Si Ms. Sungit pala na ang sama ng tingin sa akin ngayon na para bang gusto na ako nitong ibaon ng buhay.

"Sinusundan mo ba ako na manyakis ka ha!??" Nag aakusa na sigaw nito sa akin.

Bigla naman nangunot ang noo ko dahil sa binibintang nito ngayon. Bakit ko naman siyasu sundan. Malay ko lang ba na nandito din siya no Tsaka bakit ko naman siya susundan? Sa sungit niyang yan tapos tinawag pa niya akong manyak. Duh hindi ko gagawin yun no.

At dahil busy ako sa pakikipag usap sa aking sarili ay hindi ko namalayan na bigla na lang tumaas ang palad nito at bigla ko na lang din naramdaman ang pag sakit ng aking pisngi.

Shit lang talaga na sampal na pala ko nito ng hindi ko namamalayan. Tangina lang talaga ang sakit nun. Kargador ba ang babae na ito at ang bigat ng kanyang kamay. Aba kung mag sa sampalan siguro silang dalawa ni Agata ay may laban ito dito.

Masama na tinignan ko naman ito. Aba anong karapatan niya na basta na lang ako sampalin ha? Kung ang mga magulang ko nga hindi man lang ako pinag bubuhatan ng kamay ngmga ito.

Tapos ang Ms. Sungit na ito na kanina ko lang nakita ay sinampal na ako nito kaagad. Pag nalaman ito ng mommy ko ay baka kung ano pa ang gawin ni Mom dito. Ayaw na ayaw pa naman nito na nasa saktan ako.

"Huwag mo akong ma tignan tignan ng ganyan na manyakis ka ha. Baka dukutin ko yang mata mo!!" Inis na turan pa nito.

"Eh bakit kaba kasi bigla na lang na nanampal dyan ha? Ikaw na nga lang ang tinulungan na Hindi tuluyan na matumba dyan sa lapag tapos ganyan pa ang igaganti mo sa akin?? Imbis na mag pasalamat ka na lang." Galit na sumbat ko naman dito.

Aba hindi lang siya ang marunong magalit no. Ako din marunong lalo na pag na sasagad na ang pasensya ko. At ubos na ubos na ang pasensya ko dito sa masungit at mapanakit na ito.

"Hoy ikaw na manyakis ka huwag mo ako masigaw sigawan ha. Paano na hindi kita ma sa sampal dyan eh minamanyak mo na naman ako. Naka tulala ka nga lang dyan eh. At isa pa ay alam ko na sinadya mo na banggain ako para lang maka chansing sa akin. Bistado kana dami mo pang palusot." Galit na sagot naman nito sa akin.

Napapikit na lang ako ng aking mata dahil sa inis ko dito my god bakit ba parang inilalapit ako dito ni god? Talagang tini test nito yata ang patient ko eh.

Pero hindi ako nagpatalo dahil alam ko na wala naman akong ginagawa na masama sa kanya at puro pam bi bintang lang naman ang alam nito.

"Kapal mo naman. Bakit naman kita su sundan aber? Hindi ka naman maganda para pag tuunan ko ng pansin. Naka tulala ako kasi iniisip ko kung bakit parang ang malas ko naman at ang pangit mo na naman na mukha ang nakita ko. Kapal mo ha. Hindi kana nga kagandahan ang sungit sungit mo pa." Hindi na naka tiis na sagot ko dito.

Wala eh naubos na talag ang pasensya ko sa kanya. Ang kapal kasi ng mukha. Pero syempre nag sinungaling na lang ako doon sa part na pangit siya dahil kitang kita naman ang evidence na ang ganda nitong talaga.

Nakaka tulala pa nga eh. Pero Hindi ko aaminin sa kanya ang bagay na yun. Magka matayan na pero hindi ko aaminin dito na maganda talaga siya.

Bigla naman dumilim ang mukha nito na para bang sa sabog na ito sa galit dahil sa akin. Kaya naman bigla na lang ako naka ramdam ng takot dito.

Mas maganda siguro na mag exit na ako bago pa mas lumala ang sutwasyon. Pero bago pa ako maka alis ay bigla na lang ako hinawakan nito ng napaka higpit at parang doon nito binubuhos ang lahat ng init at galit nito sa akin.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon