Alex
Nandito na kami ngayon sa sala at nanonood. Napapagitnaan nga pala nila akong dalawa.
Di ko nga maintindihan ang trip ng mga ito. Parang nag papaligsahan pa sila sa pag dikit sa akin. Gusto ko na nga na umalis at lumipat na lang sa pang isahang upuan ay hindi ko naman magawa at pareho na naka kapit sa mga bisig ko itong dalawa. Na para bang kapag binitiwan nila yun ay mawawala ako.
Maya lang ay tumunog ang phone ko kaya naman agad na kinuha ko sa table yun na abot lang naman kahit hindi ako tumayo.
Nakita ko na ang personal secretary ko ang tumatawag kaya naman nag excuse muna ako sa mga ito bago sagutin yung call.
Lumayo na muna ako sa kanila. "Hello Belinda, bakit napatawag ka?" Tanong ko kaagad dito pagka sagot ko palang ng tawag.
"Alex remind ko lang sayo na may dinner meeting ka mamaya. Baka kasi makalimutan mo e." Paalala naman nito sa akin.
Ay oo nga pala may dinner meeting ako mamaya regarding doon sa balak kong pag venture exportation ng mga luxury cars. Napansin ko kasi na maganda na business yun e.
"Salamat at ipinaalala mo. Nakalimutan ko na nga e. Maaga ka na lang umuwe ngayon at hindi na ako makakapunta pa dyan sa office at may ginagawa ako." Nasabi ko na lang sa kanya at tuluyan ng pinatay ang tawag.
Pag balik ko sa sala ay naka tingin na sa akin ng masama ang dalawa. Kaya nangunot na ang noo ko. Bakit? Ano ang kasalanan ko at ganyan sila maka tingin sa akin?
"Sino yung tumawag sayo? Belinda ang pangalan?" Tanong kaagad ng mga ito sa akin.
Kahit na sana pwede ko naman na hindi sagutin ang tanong nila ay sinagot ko na lang. "Ah si Belinda yun. Ang sexytary ko. Hehehe" nag bibiro na sagot ko sa mga ito. Para naman gumaan sana ang atmosphere dito sa condo ko at hindi yung parang ang bigat bigat.
Pero imbis na gumaan ang paligid ay sabay pang dumilim ang mukha ng dalawang ito at sinamaan pa ako nv tingin.
Nakita ko pang bumuka ang bibig nilang dalawa kaya lang ay hindi ko naman alam kung ano ang sinabi ng mga ito.
Bahala nga sila dyan ang labo nilang kausap. Mukhang nahawa na rin si Kourtney sa ugali ni Agata. Hayst dapat talaga ay hindi nag sasama ang dalawa na ito at may nakukuha si Kourtney na hindi magandang ugali kay Agata e.
Naupo na lang muli ako at sa pang isahang upuan na lang ang pinili ko. Mas maganda na dito na lang ako kaysa pagitnaan na naman nila ako tapos kung ano ano ang gagawin sa akin.
Tsaka naiilang ako na katabi si Agata. Hindi kasi ako sanay kapag ganyan na naka dikit lang siya sa akin. Nawawala ako sa aking sarili.
Mag hahapon na ng tuluyan ng mag paalam sa akin si Kourtney na aalis na daw siya. Medyo nalungkot ng ako kasi nga ay alam ko na disappointed ito kasi nga ay hindi kami nakapag gala.
Di bali babawi ako dito. Total may contact naman na ako sa kanya at alam ko naman kung saan ang office nito kaya e su surprised ko na lang ito.
Agad naman na akong tumayo sa kina uupuan ko upang ihatid na ito sa may pinto. Balak ko pa nga na ihatid ito sa baba e. Kaya lang sinabi niya na huwag na. Tsaka nag hi hintay na rin daw yung driver niya sa baba.
Hindi naman na ako nag pumilit pa. Mas nauna pang umuwe sa kanila itong si Kourtney. Itong si Agata Hindi ko alam kung ano ang trip nito sa buhay at hanggang ngayon ay nandito pa din ito.
Alam ko na sobrang busy nitong tao. At alam ko din na kanina pa may tumatawag dito at ang ginagawa lang nito ay kina cancel lang nito ang tawag.
Bakit kasi hindi na lang siya umalis na rin at yung tumambay dito sa akin ang gusto niyang gawin. Nakakapanibago na talaga ito sa totoo lang.
Ayaw ko lang mag tanong e. Pero kung ako lang ay kanina ko pa siya gusto na umalis. Sabi ko nga ay ayaw ko na malapit lang ito sa akin at palagi kong nakikita. Paano ako maka move on kung pahara hara siya dyan diba.
Akala ko ay wala pa rin itong balak na umalis. Pero nagulat na lang ako ng mag paalam na rin ito sa akin. Na agad ko naman ng tinanguan.
Pero hindi ko na siya hinatid pa sa may pinto. Bahala siya na dyan ah. Malaki naman na siya tsaka di kami friends nito no.
Dating man liligaw lang ako pero hindi na ngayon no.
Pero bago ito umalis ay nag bilin muna siya na doon ako kumain mamayang dinner sa unit nito at mag luluto daw siya.
Tumango na lang ako dito kahit na wala naman akong balak na gawin yun. May dinner meeting kaya ako mamaya. Tsaka ayaw ko ng pumunta pa sa unit nito no. Naiisip ko lang yung tagpo ng halikan nila ng jowa niya.
Tsaka mamaya nandoon na naman ang jowa nito. Magiging third wheel lang ako sa kanilang dalawa na Hindi ko naman pinangarap na mangyari sa akin.
Natulog na muna ako at medyo masakit pa rin ang ulo ko sa totoo lang. Kung wala nga lang si Agata at Kourtney kanina ay malamang na natulog lang ako mag hapon ngayon.
Nang magising ako ay mag 6 na ng gabi. Tumayo na rin naman ako sa kama ko at nag ayos na rin ng sarili ko.
Nang masiguro ko na okay na ako umalis na ako ng unit ko. Sakto pag labas ko ay siya din na lumabas si Agata.
Agad naman na kumunot ang noo nito ng mapansin ako nito.
"May lakad ka?" Tanong kaagad nito sa akin.
"Oo e. May ka dinner ako ngayon. Sige alis na po ako ate Agata." Paalam ko naman dito .
Halos nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla na lang may humawak sa braso ko.
Nalingunan ko naman na madilim na mukha ni Agata. Ano na naman ba ito? Hayst ma la late na ako nito e.
"Bakit po?" Nag tataka na tanongko dito
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...