Chapter 27

1.9K 70 0
                                    

Alex



"Sino ang ka dinner date mo at naka pustura kapa ng ganyan?" masama ang tingin na tanong nito sa akin.

Hanggang ngayon ay naka kapit pa rin ito sa braso ko at mukhang wala yata akong balak na bitawan pa nito. Take note ang higpit ha.

"Yung ka deal ko sa exportation ang kakausapin ko. Kaya pwede ba ay bitiw na ate Agata at ma la late na ako." Inis na sagot ko sa kanya.

Bakit ba kasi ganyan na naman yan at parang dinaig pa ang jowa ko kung makapag tanong sa akin. Tsaka ano ba kasi ang pakialam niya kung makipag dinner date man ako halimbawa? Karapatan ko yun dahil isa akong single na tao at hindi ko naman siya kaano ano para mag tanong ng mga ganyan na bagay sa akin.

Kung ang parents ko nga ay okay lang sa kanila na makipag date ako sa taong gusto ko kasi nasa hustong gulang na daw ako at isa pa ay malaki ang tiwala nila sa akin na kayang kaya ko na daw buhayin kung halimbawa man na maka buntis ako.

Mas gusto na nga nila na maka buntis na ako para may apo na daw sila e. Kasi naman halos hindi daw nila ako masyadong natutukan nung bata pa ako kasi nga sa sobrang busy nila sa business namin.

Kaya ngayon ay sabik sila na may maalagaan ng bata. Tsaka kapag may asawa na daw ako ay ibibigay na nila sa akin ang negosyo nila para makapag pahinga na rin daw sila.

As if naman na gusto ko pang manahin ang negosyo nila e yung mga negosyo ko nga ay halos hindi ko na masyado pang maharap kasi sumasabay pa yung sa pag aaral ko. Ang laki kaya ng na ku consume na oras ko sa pag aaral. Kaya naman hindi ko masyado matutukan ang business ko.

Mabuti na nga lang at may mga tauhan ako na mapag kakatiwalaan ko at mabuti na lang nandyan si Belinda na siya na halos ang namamahala ng lahat.

Kaya naman ang laki ng sahod nito sa akin e. Halos triple ng mga sinasahod ng mga personal secretary ng mga CEO sa malalaking company.

Pasasalamat ko na rin yun sa kanyang galing at husay sa trabaho at higit sa lahat ay alam ko na mapag kakatiwalaan ko siya.

"Siguruhin mo lang na about sa business ang dinner date mo na yan at hindi date talaga." Seryoso na sabi naman niya at unti unti ng binitawan ang aking braso na hawak nito.

Nangunot naman ang aking noo dahil sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin doon? Parang ayaw pa yata nito na makipag date ako sa iba. Aba hindi naman pwede yun no. Ano siya dadaigin pa niya ang mga magulang ko kung makapag higpit sa akin?

Pero dahil gusto ko na talagang umalis na ay tinanguan ko na lang ang sinabi nito sa akin. para naman pakawalan na ako nito. Mukha kasi na kapag sinalungat ko pa ang gusto niya ay malamang na hindi na ako maka alis pa sa building na ito.

Nang makasakay na ako ng elevator ay doon pa lang ako naka hinga ng maluwag.

Ano na ba ang nangyayari kay Agata? Nagkaroon lang ng boyfriend ay parang ako naman ang gusto nitong higpitan. Hello hindi ako ang kanyang sinagot ha. Gusto ko lang sana na e remind sa kanya na hindi ako ang jowa nito na dapat niyang higpitan.

Baka lang kasi ay nalilito ito. Duh ang layo naman ng mukha ko sa jowa nitong fighter din na katulad niya. Halos wala nga akong mga muscles e. Pero baby abs meron. Hehehe

Hayst bakit ba iniisip ko pa ito? Dapat hindi ko na pinag aksayahan pa ng oras na isipin pa si Agata. Dapat ang isipin ko ay ang magiging usapan namin mamaya ng ka business meeting ko.

Sana lang ay maging successful ang pakikipag usap ko dito kasi gustong gusto ko talaga mag export ng mga luxury cars.

Alam ko na sobrang laki ng puhunan sa ganun pero kasi malaki din ang kikitain ko. Kasi halos iilan pa lang ang accredited na nasa ganung business line.

Maya lang ay nakarating na rin ako sa restaurant kung saan ay dito ang usapan namin. Agad naman na nag ask ako kung dumating na ba si Mr. Kurusaki.

Wala pa daw kaya naman nag bilin na lang ako na pag dumating na ito ay e guide siya sa table ko. Nang maka upo na ako ay humingi na lang muna ako ng tubig. Kasi mamaya na lang ako mag o order ng pagkain pag nandito na si Mr. Kurusaki.

Nag cr na muna naman ako upang e check na rin ang ayos ko na makuntento na ako ay lumabas na rin ako sa cr at naupo na muli sa table at nag hintay na lang.

Inilabas ko na muna ang phone ko at mag lalaro na muna ako habang nag hi hintay dito. Medyo napa aga lang kasi ang dating ko kaya naman wala pa ang ka business meeting ko.

Nasa gitna na ako ng pag lalaro ng bigla na lang may nag salita sa aking gilid. Kaya naman pinatay ko na kaagad ang phone ko at mabilis na lumingon sa may gilid ko.

Bigla naman akong napa kunot ng noo ng makita ko si Kourtney na nasa gilid ko at malaki na naman ang ngiti nito sa akin.

Ano naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito? Napansin niya yata na nag tataka ako kung bakit nandito siya at bigla na rin lang ito naupo sa harapan ko.

"Alex ako nga pala ang representative ni Mr. Kurusaki. Ako na lang daw ang kumausap sa iyo at kung mag kasundo daw tayo ay payag na rin siya. By the way si Mr. Kurusaki pala ay Tito ko asawa siya ng kapatid ni Mommy at Family Business nila Mom ang exportation kaya naman hawak ko din yun." Paliwanag naman nito sa akin.

Doon pa lang naman ako nalinawan dahil sa sinabi nito. Hayst kung alam ko lang na siya pala ang makakausap ko ay sana pinuntahan ko na lang siya sa kanila at doon na lang kami nag usap. Hindi pa sana siya naabala pag punta dito.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon