Chapter 38

2K 94 3
                                    

Alex


"Please Alex mag usap tayo huwag ka muna umalis. Hindi pa naman ako tapos mag salita ay umalis kana kaagad. Please pakinggan mo muna akong matapos mag salita." Pakiusap sa akin ng taong mahigpit na naka back hug sa akin ngayon  

Hindi naman na ko kumilos pa. Pero wala na rin ako lakas pa para pakinggan pa at tapusin kung ano pang masa sakit na salita na gusto nitong sabihin pa sa akin.

Tama na rin yung mga narinig ko sa kanya. Wala na rin naman mababago pa e. Suma total ay doon din lang naman sa wala talaga akong pag asa sa kanya ang wakas nito. So bakit kailangan ko pang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko ngayon diba.

Kaya naman mabilis na hinawakan ko ang kamay nitong naka pulupot sa bewang ko at pilit na inaalis na iyon.

Wala na akong time na pakinggan pa kung anuman ang sa sabihin pa niya. Tama na please baka hindi ko na makaya pa kung dagdagan mo pa ang pag hihirap ng puso ko ngayon.

Pero mas lalo lang na hinigpitan nito ang pag kakayakap niya sa akin. Para tuloy feeling ko ay nasa isang fighting scene kami nito kung saan ay na lock na nito ang pagkakayakap sa akin. Kaya wala talaga akong kawala sa kanya.

"Makinig ka nga muna kasi sa sasabihin ko at hindi pa ako tapos!!!" Galit ng sigaw nito sa akin.

Mukhang naubos na naman po ang kanyang pasensya. Hayst kailan ba ito hindi naubusan ng pasensya pagdating sa akin?

Ito nga at dinadaan na naman niya ako sa kanyang pag sigaw na ganyan na akala mo ay matatakot pa ako. Oo matagal na akong takot sa kanya kapag ganyan siya pero hindi na sa mga oras na ito.

Mas nasa saktan ako kaysa ang takot sa kanya. "Alam ko na rin naman kasi ang mga sa sabihin mo pa e. Ayan na nga at ang linaw pa sa tubig kanal ang sinabi mong hindi mo ako gusto. Talaga bang may lahi kayong sadista para saktan pa ako ng husto? Bakit di mo na lang ako pakawalan at ng maka alis na ako dito at ng hindi na tayo magkita pang muli. Ayaw mo pa nun mawawala na ang always na lang nag papasakit ng ulo mo." Sagot ko naman dito.

"Arghhh Alex naman kasi e. Bakit alam mo na ba ang ang kasunod na sa sabihin ko sana sayo ay hindi kita gusto kasi mahal kita na bwisit ka. Mahal na mahal na kita at hindi ko alam kung kailan ko yun naramdaman at kung kailan yun nangyari. Basta ang alam ko nag se selos ako sa lahat ng may gusto na lumapit sayo. Sa lahat ng pinag uukulan mo ng attention dahil ang gusto ko ay ako lang sa akin ka lang at hindi sa iba. Sa akin ka lang natutulala kapag nakikita mo ako. Sa akin ka lang ngumingiti at hindi sa iba. Kaya ang lahat ng ito at nagagawa ko sa iyo. Hindi lang dahil sa concerned ako. Oo concerned ako na baka tuluyan ng mawala ang feelings mo sa akin at baka mabaling na ito sa iba kapag hindi pa ako kumilos. Kaya nga nagagawa ko ang mga bagay na ito e. Dahil natatakot ako na baka tuluyan ka ng mawala sa akin dahil mahal kitang bwisit ka!!!" Galit na sigaw nito sa akin.

Ako naman ito hindi malaman kung ano ang magiging reaction sa biglaan na pag confess nito ng kanyang feelings about me.

Tangina. Ganito pala ang feeling ng masabihan na mahal ka ng taong mahal na mahal mo. Sobrang saya ko pero hindi pwede na maging kami nito ngayon. Dapat maging single muna siya. Kaya walang loving loving muna. Top ako kaya dapat ako ang nag de desisyon ng tama. Kahit na mas bata ako sa kanya ay ayaw ko na may masasagasaan akong ibang tao.

Maya lang ay inalis ko na ng tuluyan ang pag kakayakap niya sa akin at humarap dito.

Seryoso pa rin ako. Kahit na gustong gusto ko na sana na sakupin muli ang mapupula nitong labi na ang lambot lambot na ang sarap.

"Mahal mo ako pero hindi ako ang sinagot mo. Paano ako maniniwala dyan sa sinasabi mo sa akin?" Seryoso na tanong ko dito.

Agad naman na nag salubong ang kilay nito sa sinabi ko sa kanya. Mukhang hindi yata nito nagustuhan yun. Hindi ko rin naman gusto na alangan ay dalawa kaming jowa nito.

"Kinukwesyon mo ba ang pag tatapat ko na ito sa iyo ha Ale? Ano tingin mo sa akin nan ti trip lang? Tanga ka ba talaga para maisip mo ang bagay na yan ha. Sa tingin mo mag ki kilos ako ng ganito at ibababa ang aking sarili na mag confess sa iyo tapos pag hihinalaan mo lang na nan ti trip ako!!" Galit na sagot naman nito sa akin.

"Nag tanong lang ako. Pero kung talagang mahal mo nga ako ay gumawa ka ng paraan para maging tayo. Kasi ako pagud na mag hintay sayo. Matagal na. At para nga pala sa kaalaman mo wala kang karapatan sa akin na pag bawalan ako sa mga gusto kong gawin, e da date ko ang sino mang gusto ko at manliligaw ako sa taong single at walang sabit. Kaya kung mahal mo ako ay gumawa ka ng paraan. Dahil hindi kita hi hintayin." Sabi ko dito.

Tama naman ako e. Wala siyang karapatan sa akin. Tsaka di naman na ako nanliligaw sa kanya ah. Masyado lang siyang assuming.

Ikaw ngayon ang mag habol kong talagang mahal mo ako. Hindi pwede na porket nag confess kana ng ganyan sa akin ay tayo na kaagad.

Sabi ko nga ay hindi ako yung klase ng tao na e grab na lang basta ang isang bagay na hindi pinag i isipan.

Nakita ko na biglang dumilim ang awra nito sa sinabi ko. "Anong sabi mo na man liligaw ka ng iba? Na makikipag date ka sa iba!!!? Subukan mo lang talaga. Ngayon pa na napatunayan ko na na mahal na mahal kita kaya wala kang ibang magagawa pa kung Hindi ang mahalin na rin ako. Oo balak ko na talaga na makipag break kay Jake. Kaya nga nasa coffee shop kami nito e pero tangina mo kasi e. Bakit doon kapa nag la landi na bwisit ka. Tuloy hindi natuloy ang pakikipag break ko sa kanya. Pero kahit hindi pa tayo ay off limits kana. Kasi akin kana!!!" Galit na sabi nito sa akin.

*At dahil panalo ang Lakers kaya naman sinipag mag update kahit wala sana akong balak 😁*

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon