Chapter 33

1.8K 117 6
                                    

Alex



Agad naman nangunot ang noo ni Agata ng marinig ang sinagot sa kanya ni Ms. Melissa. Hindi ba nito nagustuhan na sumangayon na nga yung isa sa gusto niyang mangyari kahit na napaka impossible ng mga pinag sasabi nito.

"Ang sabi ko ay ngayon na as in ngayon na hindi na siya mag ta trabaho pa dito at tatapusin pa ang kanyang duty. Baka gusto mo bayaran ko na lang ang isang araw niyang ito upang Hindi na siya mag trabaho pa. Hindi ko hahayaan na manatili pa ito dito kahit na ilang minuto pa. Kaya nga e uuwe ko na siya kaagad e." Masungit na sabi nito kay Ms. Melissa.

Humihingi naman ng saklolo na tumingin sa akin si Ms Melissa. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Eh bakit ba hindi na lang kasi ito makahintay na matapos ang kunwari ay shift ko dito at kailangan talaga na ma e alis na daw niya ako kaagad sa lugar na ito.

Bakit ano ba ang mangyayari kung halimbawa man na mag stay pa ako dito? Duh para naman may gagawin kami nito kung makapag salita ito na hindi ako pwede mag tagal dito kahit ilang minuto.

Hayst alam ko na maldita siya at pag ginusto niya ay kailangan na makuha nito. Pero ano ba kasi talaga ang main reason nito at ginagawa niya ang bagay na ito.

Kahit gulong gulo na ako sa nangyayari na ito ay tumango na lang akong muli dito. Sundin na lang ang gusto niya ng wala ng marami pang pag uusap at gulo.

Mukha na kasi itong mananapak na ewan e. Hayst bakit kasi di na lang siya mag kape doon at umalis sila ng jowa niya. Nakaka sira lang sila ng araw e.

Imbis na maging productive ako ngayon ano ang nangyari? Ito ginugolo na naman niya ako. Kung hindi lang talaga kita mahal. Pasalamat ka at hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin kita kaya sinusunod ko na lang yang mga pinag gagawa mo sa akin na parang gawain lang ng taong may sira sa utak.

"Sige po, kayo po ang bahala kung hindi na ituloy pa ni Alex ang kanyang duty ngayong araw na ito. Pero pwede po ba na maka usap ko muan siya saglit sa office ko at para maibigay ko na rin po ang kanyang sahod para sa mga araw na na e pasok niya." Pag sangayon naman nito kay Agata.

Mukhang ayaw pa nga sana nitong pumayag na kaming dalawa lang ni Ms. Melissa ang mag usap kung hindi lang tinalikuran na ito ni Ms. Melissa at pumasok na sa loob ng office nito pero bago yun ay sinabi nito sa akin

"Please follow me Alex." Utos nito sa akin.

Natuwa naman ako kasi gumawa ito ng paraan para makapag usap kami nito na kami lang dalawa. Hayst ang gulo naman kasi ni Agata e.

"Bilisan mo lang dyan ha. Pag nag tagal kapa pa pasukin kita dyan sa loob." Bilin naman sa akin nitong amasona pero sobrang ganda na si Agata.

"Depende po yan kung matapos kaagad kami mag usap ni Ms. Melissa." Sagot ko naman sa kanya.

Aba totoo naman yung sinabi ko ah. Bahala na nga siya dyan. Kanina pa ako punong puno na sa kamalditahan nito sa totoo lang.

Malapit lapit na talaga nito akong sagarin. Alam mo yung kuhang kuha nito ang inis ko. Hayst bwisit.

"Basta dalian mo makipag usap para matapos na kaagad at hindi ko na matagalan pa na nandito ka. Huwag mong sagarin ang pasensya ko na bwisit ka. Matagal ka ng namumuro sa akin." Galit na sagot naman niya.

Tangina ako pa ang nakakainis pala ngayon. Sa ginagawa kaya niyang yan hindi kaya siya nakakainis? Bakit kasi napaka pakialamera naman na yata nito ngayong mga nakalipas na araw na ito. Hindi ko na talaga ma gets ito.

Sumusunod na nga lang ako sa kanya kasi nga ayaw ko ng gulo kasi naman parang magwawala na ito sa galit kapag kausap ako e.

Hindi nga pala usap ang ginagawa niya sa akin. Puro galit at pananakot na sobrang effective naman sa akin. Eh sino ba namankasi hindi matatakot sa kanya na para bang kakainin kana niya ng buo.

Hindi ko naman na ito sinagot pa at tinalikuran na lang siya basta. Nonsense din lang ang makipag talo pa dito kung mga ganito ang rason niya. Maiinis ka na lang talaga.

Pag pasok ko sa loob ng office ni Ms. Melissa ay agad na itong tumayo sa kanyang upuan upang ako ang paupuin nito pero nag senyas lang ako dito na manatili na lang siya doon. Total naman ay hindi na rin lang ako mag tatagal pa at baka nga tutohanin pa nitong si Agata na wa wasakin niya ang pinto kapag nag tagal pa ako dito sa loob.

"Pag pasensyahan mo na lang yun Ms. Melissa. Ako ay aalis na rin lang naman. Kung may problema man dito ay tawagan mo ako kaagad ha. Yung mga paperworks ko nga pala sa table ko ay baka pwede na paki padala na lang yun sa unit ko at hindi na rin naman ako makakabalik pa doon. Baka mamaya ay bigla na lang mag wala yung isa kapag nag tagal pa ako dito. Basta yung bilin ko ha. Kapag may problema tawag ka lang kaagad sa akin okay. Ako ay hindi na rin naman mag tatagal pa at aalis na rin ako." Sabi ko sa manager ko.

"Sige po Ma'am Alex. Ako na po ang bahala dito. Nagulat lang ako kasi naman nakakatakot si Ma'am para na ngang papatay kanina e. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mga isasagot ko sa kanya. Kaya sinangayonan ko na lang lahat ng sinabi nito para di na siya magalit pa." Sagot naman niya sa akin.

"Kaya nga e. Ayaw ko pa nga sana na umalis kasi medyo madalang na lang ako maka bisita dito pero anong magagawa ko baka kung ano pa ang gawin nun dito kaya pumayag na lang ako sa gusto niya. Basta yung bilin ko ha. Sige at ako ay aalis na." Paalam ko sa kanya at tuluyan na ngang lumabas sa office nito.

Nakita ko naman na naka halukipkip itong si Agata sa labas ng pinto pag labas ko. As in hindi siya umalis dyan at hinintay pa talaga ako???

*At dahil masipag ako kaya nag update ako. Hahaha Kaya sana sipagan nyo rin mag vote para naman sipagin din mag update si Feeling otor. Hahaha*

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon