Chapter 8

1.9K 81 4
                                    

Agata

Halos isang buwan na rin na nanliligaw sa akin si Jack at ngayon nga ay balak ko na itong sagutin. Dahil may nararamdaman naman ako sa kanya at mutual naman ang feelings naming sa isat isa eh bakit papatagalin pa diba.

Hindi ko na rin pinag aksayahan pa na sabihin kay Alex ang about kay Jack dahil wala naman akong pakialam sa isang yun.

Ang batang ubod ng kulit na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na nanliligaw sa akin at parang wala yata sa vocabulary nito ang salitang hiya at pag suko.

Pero ako. Sukong suko na sa kakulitan niya. Sobrang napapahiya na ako sa mga pinag gagawa nito. Siguro naman kapag nalaman nito na may boyfriend na ako ay titigilan na rin ako nito sa wakas.

Sana lang talaga. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para lang tumigil na ito. Ayaw ko din na mag pang abot silang dalawa ni Jack dahil alam ko ang ugali ni Alex na may pagka bastos at ayaw ko na magka bastusan pa silang dalawa ni Jack.

Dahil sure naman ako na papatulan din siya nito eh. Kawawa lang ito kay Jack.

Maya lang ay tumayo na ako upang e ready na ang table namin. Yap nag luto ako ng mga favorite ni Jack at gusto ko na maging memorable ang araw na ito sa aming dalawa.

Talagang itinaon ko na may field trip itong si Alex kaya sure na wala ito ngayon kaya solong solo namin. I Jack ang araw na ito.

Yap nag ayos din ako ng kunti sa condo ko. Para naman maganda at very romantic ang ambience dito.

Nang maayos ko na ang table ay mabilis na akong pumasoksa room ko upang maligo na at mag ayos na rin ng aking sarili.

Nang matapos akong maligo ay dahan dahan na isinuot ko na ang dress ko at nag make up na rin tuloy ako. Sanay naman ako na mag suot ng mga ganito eh. Medyo hindi ko nga lang ipinapakita kay Alex dahil alam ko na ma manyakin lang ako ng batang yun.

Nang makita ko na magandang maganda na ako ay saka lumabas na ako ng room ko. Sakto naman na may nag doorbell kaya mabilis na binuksan ko na ang pinto at doon nga ay nasa labas ng pinto ang gwapong gwapo na si Jack.

Na ngayon ay naka formla attire din na katulad ko. Nakita ko naman kung paano gumala ang mga mata nito sa kabuuan ko at nandoon ang matindi niyang pag hanga na hindi naitago ng mga mata nito.

Muntik ko na nga sabihin na paki tiklop ang bibig at baka pasukin ng langaw dahil nga sa bahagya na naka awang ito dala ng pagka gulat at pag hanga niya.

Mabilis naman na pinapasok ko na ito sa loob at baka may maka kita pa sa amin at maibalita kaagad kay Alex ito ay mabulilyaso pa ang araw namin na ito ni Jack.

"Pasok ka Jack." Pag aaya ko dito.

Mabilis naman na pumasok ito bago iniabot sa akin ang kanyang dala.

"Para sa iyo nga pala. Magandang binibini." Nakangiti na sabi nito sa akin.

Mabilis na inabot ko naman ang bouquet ng roses and box of chocolate dito.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga like ang Rose pero dahil si Jack ang nag bigay nito ay naka ngiti ko pa yung kinuha mula dito.

Ito lang ang pag kakaiba nilang dalawa ni Alex eh. Si Alex kasi ay alam na alam na nito ang mga favorite ko ang mga like at dislikes ko. Kaya naman puro mga gusto ko lang ang binibigay nito sa akin.

Si Jack naman ay kung ano na lang din ang ma e bigay nito. Hindi nag research ng mga gusto ko. Pero wala naman akong reklamo doon dahil nga sa gusto ko ang nag bigay at yun ang pinaka mahalaga.

Pinaupo ko muna ito sa sofa at nag paalam dito na ihahanda ko lang ang table namin.

Agad na inayos ko naman na yun kahit kanina ko pa naman naayos. Nag double check lang Naman ako eh alam nyo na special kasi ang gabi na ito eh.

Nang sa tingin ko ay okay na ay tinawag ko na si Jack para kumain na kami. Habang kumakain kami ay naging extra sweet naman ito sa akin na mas lalo ko naman na ikinatuwa.

Syempre kilig ang lola nyo no. Hehehe

Maya lang ay bigla na lang nitong hinawakan ang kamay ko. Kaya naman nakangiti na napatingin ako dito.

"Agata baby, will you be my girlfriend?" Walang ligoy ligoy na sabi nito sa akin habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko.

Mas lalo lang naman na lumaki ang ngiti ko dito. Hayst this is it. At dahil balak ko na nga siyang sagutin ngayon ay hindi na rin ako nag paligoy ligoy pa at mabilis na ngumiti dito.

"Oo Jack, sinasagot na kita. Girlfriend mo na ako ngayon." Nakangiti na sagot ko naman sa kanya.

Mabilis naman na tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin sabay kabig sa akin upang yakapin ako ng mahigpit na ginantihan ko din naman ng mahigpit na yakap dito.

Maya lang ay kinabig na ako nito at hinalikan ng mariin na ginantihan ko din naman. Pinangarap ko na mahalikan ako ng taong mahal ko. At yun nga ay nangyayari na ngayon.

Kaya naman wala akong pag lagyan ng kaligayahan ko ngayon. Pero ang inaasahan ko na dapat ma feel ko sa halikan namin na ito ni Jack ay yun bang parang ti tigil ang takbo ng oras. Yun para bang nag e slow motion ang lahat at para bang may mga gamo gamo sa aking stomach. At para bang may pa fireworks pa sa paligid mo. Ganun ang mga inaasahan ko.

Pero parang natural lang ngayon at para lang akong humalik sa pamangkin ko. Wala akong naramdaman na kakaiba sa akin. Although masaya ako pero hanggang doon lang wala yung kilig ba na tinatawag.

Ah siguro nabigla lang ako kaya ganun. Baka ganun nga tapos sa susunod na kiss namin at napag handaan ko na ay lalabas na yung mga ganun. Tama baka nabigla nga lang ako.

Mag hihiwalay na sana kami ng halikan ni Jack ng bigla na lang may bumagsak na kung ano kaya naman naputol ang halikan namin at napatingin kami sa bagay na yun.

At doon kitang kita ko ang nagkalat na cup cake sa lapag habang si Alex ay tulala lang na nakatingin sa amin ngayon.

Maya lang ay tumalikod na ito para umalis sana pero bumalik ulit at pinulot nito ang mga nagkalat na cup cake at saka itinapon sa malapit na basurahan Kasama na ang tulips na dala dala din nito.

"Sorry po sa isturbo." Nasabi na lang niya bago tuluyan ng umalis ito sa unit ko.

Halos hindi naman ako naka kilos kaagad dahil sa nangyari. Pero parang ang bigat lang sa pakiramdam na alam ko na sobrang nasaktan ko ngayon si Alex.

Kitang kita ko yun sa mga mata nito na hindi naitago ng bigla na lang tumulo ang luha niya bago pa ito naka talikod sa akin.

Yung urge na gustong gusto ko siyang sundan upang mag explain dito. Pero ano ang ipapaliwanag ko sa kanya?

Tama din naman ang nangyari. Siguro naman ngayon ay ti tigilan na niya ako sa mga kahibangan na pinag gagawa niya. Sa isip isip ko.

Maya lang ay nag salita na si Jack sa aking tabi.

"Sino siya baby? Bakit nakakapasok yun dito sa condo mo.?" Nag tataka na tanong sa akin ni Jack.

"Ah si Alex yun. Nakatira dyan sa tapat kong unit. Sanay na yan na pumapasok dito." Matamlay na sagot ko naman dito.

Parang bigla na lang ako nawalan ng gana at gusto ko na muna ngayon na mapag isa.

Ipinag patuloy naman na namin ang aming pagkain pero hindi katulad kanina na masiglang masigla pa ako. Ngayon ay parang ramdam na rin nito ang kawalan ko ng gana na.

Maya lang ay nagpa alam na rin ito sa akin

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon