Chapter 49

1.6K 78 3
                                    

Alex


Inis naman na tinabig nito ang kamay ko na tumatapik tapik sa balikat nito. Mukhang sa akin pa yata nito gustong ibuhos ang inis na kanyang nararamdaman ah. Wala naman akong ginawa dito e. Hayst mga babae nga naman talaga hindi mo maintindihan ang ugali. Kainis.

Kung wala lang akong pinag daraanan ngayon ay baka hindi ko palampasin ang pag ma maldita nito sa akin ngayon. Pero hindi ko na lang ito pinansin at uminum na rin ako ng alak.

Halos wala pa kaming isang oras na nandito sa bar ay halos maubos na namin ang isang bote. Kaya naman mukhang bangingi na kaming dalawa nito. Mas lalo na ako na halos hindi na rin maka gulapay pa. Samantalang ito ay kanina pa panay ang irap sa akin

Hanggang ngayon kasi ay inis na inis pa rin siya na hindi ko maintindihan kung bakit. Nag kwento lang naman ako ng problem ko sa kanya e. Maging siya may sinasabi din sa akin pero nag bigay lang naman ako dito ng nasa loob ko e. Tapos ngayon hindi pa rin siya maka move on doon. Ibang klase talaga.

Kahit na medyo umiikot na ang paningin ko ay tinawag ko ang staff na panay ang tingin sa amin kanina pa. Nag hi hintay lang yata ito ng e utos ko sa kanya e.

Mabilis naman na lumapit ito pagka tawag ko sa kanya. " Merlin pwede ba na paki linis yung isang room sa taas at dito na muna kami matutulog nitong kasama ko. Hindi ko na kaya mag drive at nahihilo na ako." Utos ko dito.

Mabilis naman na tumango ito sa utos ko at nag paalam na ito na aalis na siya na tinanguan ko lang naman. Saka ko binalingan muli itong si Kourtney na papikit pikit na rin ang kanyang mga mata.

Nang tignan ko naman ang oras ay mag eleven pa lang pala. Ang aga pa kung tutuusin. Pero wala e. Mabilis lang kasi talaga akong malasing. Hindi naman kasi ako sanay na uminom ng alak sa totoo lang. Dahil hindi ko talaga gusto ang lasa nito.

Maya lang ay tinanong ko na itong si Kourtney. Mukhang bangag na kasi ang gaga.

"Okay ka lang ba Kourtney?" Nag aalala na tanong ko dito.

Tinignan naman ako ng mapungay na nitong mga mata. "Bakit ang manhid manhid mo ha??? Nasa harapan mo na nga hindi mo pa makita. Ano ang gusto mo reypen kita para malaman mo na ikaw ang tinutukoy ko ha.!!" Sigaw nito sa akin.

Habang halos magkanda buhol buhol na Ang pag sa salita nito. Pero naintindihan ko pa rin naman kahit paano.

Mukhang nagkamali lang ng pinag sa sabihan itong si Kourtney ah. Mukhang napag kamalan pa ako na yung taong gusto nito. Iba din pala ang babae na ito. Akalain mo yun na ito pa pala ang may balak na mang rape doon sa taong gusto niya. Iba din talaga. Hayst, Hindi mo na talaga masasabi ang panahon ngayon.

Pagka ganda gandang babae ay may balak pa palang mang rape ng gaga. Hindi makapag hintay na ligawan siya ng taong gusto niya. Sabagay kung ang sabi nga naman nito ay napaka manhid ng taong iyon.

Pero kahit na. Hindi pa rin maganda na gumawa ka ng hindi magandang bagay para lang magustuhan ka ng taong mahal mo.

Ligawan mo kung gusto mong mapa sa iyo siya. Pero kung wala talagang gusto yung tao sa iyo na gaya ng nangyari sa akin ay mag move on na lang. Dahil sabi nga ay hindi naman napipilit ang pag mamahal. Dahil kusa itong nararamdaman.

"Lasing ka lang Kourtney kaya nasasabi mo ang bagay na yan. Tamo at pati ako ay napagkamalan mo pa yung taong gusto mo." Naiiling na nasabi ko na lang sa kanya.

Nang tignan ko naman ito kasi hindi man lang siya nag comment sa sinabi ko ay ang sama na ng tingin nito sa akin na para bang may ginawa akong hindi na naman nito nagustuhan.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" Medyo alanganin na tanong ko dito.

Hindi naman ito nag salita. Bagkos ay lumipat ito ng pwesto at nabigla na lang ako ng bigla na lang itong umupo sa aking kandungan at walang babala na nangunyapit ang mga braso nito sa balikat ko.

Mukha tuloy na may ginagawa kaming milagro nitong si Kourtney. Medyo inalais ko naman ang braso nito na naka kunyapit sa leeg ko.

"Kourtney, alis ka dyan at baka kung ano pa ang isipin ng makakakita sa atin. Mamaya ay may makakita na kakilala mo tapos ma chismis pa tayo. Sa akin okay lang kasi wala naman magagalit. Ewan ko sa iyo. Lalo na nga at ganyan na may nagugustuhan kana pala. Baka ma bad shot ka pa sa taong gusto mo na yun." Sabi ko dito habang pilit na inaalis ang kanyang braso sa leeg ko.

Pero mukhang mas lalo lang itong nainis sa sinabi ko sa kanya. Kaya naman mas lalo lang nitong inilapit ang kanyang sarili sa akin.

Mas lalo lang akong nabigla ng bigla na lang niya akong hinalikan sa labi at dahil sa pagka gulat ay hindi ako nakapag react kaagad sa ginawa nito na pang hahalik sa akin.

Halos ilang sigundo pa ang lumipas bago pa lang ako naka react dito. Mabilis na naitulak ko ito pero dahil mahigpit nga pala itong naka yakap sa leeg ko ay halos hindi din nailayo ito sa akin.

Maya lang ay kusa na rin tumigil ito sa pag halik sa akin. Kaya naman doon ko pa lang ito tuluyan na nailayo sa akin.

"Anong ibig sabihin nito Kourtney?" Naguguluhan na tanong ko kaagad dito.

My god huwag nitong sabihin sa akin na may gusto siya sa akin at ako yung taong manhid na tinutukoy niya. ayaw ko sana mag assume na baka ako nga yun. Alam nyo naman na lasing ito baka napagkamali lang naman niyang ako yung tao na yun. Lasing nga kasi diba ito.

Tsaka si Kourtney ito. Hindi naman ito ka rainbow namin para masabi ko na baka nga ako yung tao na tinutukoy niya.

Ano ba namang buhay ito o. Hindi ko na alam kung ano ang mas uunahin kong isipin. Ang broken kong puso o ang biglaan na pag bibigay sa akin nitong si Kourtney ng mga mix signal na ang hirap din maintindihan.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon