Chapter 66

1.9K 78 4
                                    

Agata


Matapos na mag bonding namin ni Mommy Andrea ay umuwe na rin ako. Medyo bitin nga lang ang pag iikot namin sa mall kasi nga ay usapan na may dinner mamaya sa kanila.

Hindi ko na din ipinaalam pa kay Alex na okay na kami ng Mommy nito. Gusto ko kasi na e surprised siya.

Kanina pa nga ito panay ang chat sa akin at gusto pang mag video call kami kaya lang ay cancel ko lang ito at nag reply na lang dito na nasa business conference ako kaya mamaya na lang siya tumawag o di naman kaya ay e chat na lang niya ang gusto niyang sabihin sa akin.

Napangiti at medyo kinilig lang ako ng slight ng sabihin nito na miss na miss na daw kasi niya ako at gusto na nga daw niyang puntahan ako sa office ko at mag a absent na lang daw siya sa classes niya.

Kaya pinag sabihan ko na lang ito na ilang oras na rin lang at mag kikita na rin naman ulit kami e. Tiis lang kako dito. Pasensya siya at mas nauna akong ipinanganak sa kanya kaya kailangan na tapusin na Muna niya ang kanyang pag aaral.

Although kahit di naman siya mag tapos ay kayang kaya ko naman siyang buhayin pero syempre iba pa rin yung may natapos siya no.

Tsaka para wala naman masabi sa akin ang parents niya na porket nag asawa na ito ay pinatigil ko na sa pag aaral. Ayaw ko na may masabi silang hindi maganda sa akin kahit na sobrang babait  pa naman ng mga ito ay ayaw kong abusuhin yun.

Mabuti na nga lang at napakiusapan ko ito na pumasok kaya wala naman naging problema. Isang taon na lang naman ay mag tatapos na rin siya kaya kunting tiis na rin lang talaga.

Kahit din naman ako ay sa totoo lang ay miss na miss ko na rin ito at sino ba naman ako para di naisin na makasama din siya pero kailangan na mag tiis lang talaga namin pareho nito.

Nang maka uwi na ako sa unit ko ay agad na akong sinalubong ng mainit na yakap at halik ni Alex na agad ko din naman ginantihan ng yakap at halik nito.

"Miss na miss na kita love. Kung pwede nga lang na hilahin na ang oras para maka sama kita kaagad ay gagawin ko." Bulong nito sa akin habang naka yakap pa rin ng mahigpit.

Hindi ko naman maitago ang pag ngiti ng malaki dahil doon. Syempre kilig much ang lola nyo no. "Miss na miss din naman kita e. Alam mo naman ang sitwasyon natin diba. Hmmm kaya tyaga lang tayo at pasa saan ba ay hindi na natin kailangan na mag hiwalay pa." Sagot ko naman sa kanya.

Maya lang ay humiwalay na rin ito ng yakap sa akin at agad na kinuha ang bag na dala ko at hinila na ako nito papunta sa kwarto.

"Napagod ba ang love ko?" Masuyo na tanong nito sa akin habang naka luhod na ito ngayon at inaalis ang suot kong sapatos.

"Medyo, alam mo naman na ang daming ginagawa sa office diba. Tapos ang dami pang kailangan na permahan lalo pa nga at mag e end ng buwan. Yung mga pasahod sa empleyado kailangan din ng aksyon ko yun. Di naman pwede na ma delay ang pasahod dahil di naman delay ang pag ta trabaho nila sa company natin. Kaya dapat na sila ang dapat alagaan kasi kung wala sila ay wala din ang company na yun." Sagot ko naman dito.

Nakita ko naman na pa tango tango ito na mukhang na gets naman ang ibig kong sabihin sa kanya.

"Hayaan mo kapag bakasyon ay sa samahan kita sa office mo at tutulungan kita doon ayaw ko na napapagud ka ng ganyan e. Hmm ang gusto ko pinapagod lang kita sa kama." Naka ngisi na sagot naman nito sa akin.

Agad naman namula ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Potek na yan napaka manyak talaga nito kahit kailan.

Mukhang kailangan ko na mag pills ata at baka pag di ko ginawa ang bagay na yun ay taon taon na manganak ako nito. Baka mag mukha na akong palahiang baboy nito.

Mabilis naman na hinampas ko ang braso nito sabay sabi. " Manyak mo talaga." Na ikina ngisi lang naman nito.

"Sayo lang naman ako manyak e." Sagot nito sa akin sabay kindat pa at pakagay labi ng potek.

Mas lalo ko naman nakita kong gaano ka pula ang lips nito dahil sa ginawa niya at na imagine na naman kung paano ako pinaligaya ng labi na yun. Hayst mukhang hindi lang si Alex ang na ma manyak ah pati na yata ako nahahawa na rin sa kanya.

"Okay lang naman love na taon taon ay manganak ka. Di ko naman kayo pababayaan ng mga anak natin e. Kayang kaya ko naman kayong buhayin ng mga bata e. Kahit nga di kana mag work ay walang problema. Mabuhay pa rin tayo ng masagana." Mayabang na sagot naman nito sa akin.

Hayst ito na naman po ang aking asawa nag yayabang na naman sa aking harapan. Alam ko naman na kulang na kulang nga sa kanya ang kanyang allowance kaya nga nag wo work pa diba siya sa coffee shop para lang may pang support sa kanyang sarili kasi nga ay masyado siyang magastos.

Pero di naman niya kailangan na mag trabaho kasi nga kahit na ako ang mag trabaho lang sa amin ay kayang kaya ko siyang buhayin at ibigay ang kanyang luho. Kasi nga di naman sa pag yayabang ay malaki na ang company ko at hindi yun basta basta at malaki din ang kita kaya kayang kaya kong ibigay ang kanyang luho.

"Hindi mo naman kailangan na mag trabaho kasi kaya naman kitang suportahan." Naka ngiti na sagot ko nalang sa kanya.

"Hmmm bahala na kung ano ang nandyan e di yun. Mag asawa naman tayo e. Kaya ang pag aari ng isa ay pag aari na rin niya." Sagot na lang nito sa akin at maya maya lang ay massage na nito ang aking paa.

Napapikit naman ako dahil sa sarap na ginagawa nito. Hindi ko alam na marunong din pala ito mag massage. Hayst ano na lang ba ang di mo kayang gawin ha Alex?? Natanong ko na lang sa aking isipan habang ni nanamnam ang sarap ng bawat hagod nito sa paa ko.

Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon