Alex
Paalis na kami ni Agata papunta sa bahay namin. Hayst habang palapit kami sa bahay ay mas lalo lang akong kinakabahan. Paano naman kasi ay iniisip ko kung ano ang magiging reaction nila kapag nalaman ni Mom na kasama ko ngayon si Agata at magalit ito tapos kong ano ang mga sa sabihin nito kay Agata. Parang di ko yata gusto na ang mahal ko ay pag sasabihan ng ganun.
Hayst bahala na. Sana lang ay maging okay ang lahat. Sana lang ay mag patawaran na lang at ng hindi na maging complicated ang lahat. Lalo pa nga ngayon na unti unti ng naaayos ang mga bagay bagay sa amin ni Agata.
Ayaw ko na pati ang parents ko ay problemahin ko pa. Dahil kung papipiliin nila ako kung sino ang mas pipiliin ko sa kanila over Agata. Syempre yung asawa ko ang pipiliin ko no. Asawa ko na siya at alam ko na sa kanya lang ako sasaya at liligaya.
Alam ko din naman na sa una lang na magagalit ang mga magulang e. Kasi wala naman magulang na kayang tiisin ang kanilang anak lalo pa nga at kung sakali man ay mag ka anak na kami kaagad ni Agata na matagal na nilang gusto na mag ka apo na.
Para naman ang tanda ko na kung maka hingi sila sa akin ng apo e mag 20 palang kaya ako. Pero ngayon bi bigyan ko na talaga sila ng apo. Ngayon pa na may license na akong gawin yun kasi may asawa na ako e.
Nang balingan ko naman ng tingin ang babaeng mahal ko na nasa tabi ko lang ay wala man lang akong mabakas na kaba or takot sa kanyang mukha. Na para bang hindi lang ngayon niya makakaharap ang aking mga magulang at mabuti nga sana kung walang nangyaring kababalaghan sa kanilang dalawa ni Mommy.
Gusto ko makita dito kahit paano kung paano siya kabahan at pag pawisan ng malamig mamaya.
Nang nasa may gate na kami ng bahay ay agad na ipinag bukas naman kami ng gate ng guard ng makita ang kotse ko.
Agad naman na tumango ako sa mga ito ng bumati sila sa amin. Nag diri diritso naman ako sa may garahe at na park na doon.
Kung magiging maganda ang pag haharap ng parents ko at ni Agata ngayon ay baka dito na muna kami matulog ngayon.
Tama din lang yun upang mas makapag bonding naman sila ng parents ko.
Nang ma e park ko ang kotse ko ay mabilis na lumabas na ako sa kotse at umikot sa may banda ni Agata upang ipag bukas ito ng pinto.
Inalalayan ko din naman na bumaba ito at magka hawak kamay na pumasok na kami sa loob ng bahay.
Bakit pakiramdam ko ay ako ang mas kinakabahan kaysa dito kay Agata? Pansin ko lang ha. Mas ako kasi ang pinag papawisan ng mapamig kaysa dito e.
Hayst bahala ka nga dyan. Okay na rin naman yan para naman kahit paano ay makapag isip ito ng maayos kapag nag usap usap na mamaya.
Pag pasok namin sa loob ng bahay ay agad na sinalubong naman kami ng kasambahay namon dito at bumati din sa amin sabay sabi.
"Ma'am Alex, nasa may kusina pa po si Ma'am Andrea. Patapos na rin po siya mag luto. Kasi sabi niya siya na lang daw ang mag luluto kasi nga ay dito ka naman daw po kakain e." Sabi sa akin kaagad ni Manang.
"Sige po Manang, salamat po. Si Dad nga po pala?" Tanong ko dito kapag daka.
"Sumaglit lang po sa kwarto at may kukunin daw po doon. Pero kanina pa din po yun nandito at nag hi hintay nga po sa inyo." Matapos nito ay umalis na rin si Manang at dumiritso na sa may kusina. Mukhang tutulungan pa nito si Momna mag handa ah.
Pagkaalis ni Manang ay binalingan ko si Agata. "Okay ka lang ba love?" Masuyo na tanong ko dito.
Baka kasi nag papaka strong lang ito pero deep inside ay hindi pala at baka mamaya bigla na lang itong bumulagta sa tabi ko.
Naka ngiti naman na binalingan ako nito. "okay lang ako love. Huwag mo akong alalahanin dyan. Teka bat sobrang pinag papwisan ka? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin at mabilis na pinunasan nito ang noo ko na pawis na pawis.
"Mukhang ikaw yata ang kinakabahan dyan e. Relax ka lang ha. Hinga muna ng malalim. " Sabi pa nito
Ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya. Tama nga ito mas ako pa ang kinakabahan sa aming dalawa e.
Maya lang ay lumabas na sa kusina si Mommy at bigla na lang nangunot ang noo nito ng mapansin nito si Agata.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Hayst Ah basta bahala na. Di naman ako pwede mamili sa kanilang dalawa dahil pareho ko naman silang mahal. Si Mom bilang Ina ko at si Agata naman ay bilang magiging Ina ng magiging anak namin.
"Bakit kasama mo ang bruha na yan ha Alex??!" Galit na tanong kaagad sa akin ni Mom.
"Mom, Let me explain please." Sabi ko kaagad dito at mabilis na lumapit na dito.
Inikutan lang naman ako ng mata ng aking Ina dahil sa sinabi ko dito. "bakit ikaw ang kailangan mag explain. Ikaw ba ang nalait sa akin ha!!?" Galit pa rin na tungayaw nito.
Maya lang ay mabilis na lumapit ito kay Agata. Kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang galaw ko upang mailayo si Agata dito.
Pero mas mabilis si Mom kaya naabutan niya ito. Kaya lang ay nag taka ako kasi imbis na mag away yung dalawang babae na mahal ko ay yun nag beso pa at nag yakap pa ang mga ito na para bang matagal ng mag kakilala ang dalawa.
"Magandang gabi po Mommy Andrea" naka ngiti na bati dito ni Agata at nag yakap pa talaga sila matapos mag beso beso.
Naka tanga lang naman ako sa kanilang harapan ngayon at nahihiwagaan sa mga nangyayari.
Nag palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at nag tatanong na naka tingin sa kanila.
Sabay pa na nag tawanan ang mga ito sa naging reaction ko.
"Alex anak, okay na kami nitong asawa mo kasi nag usap na kami kanina dahil pinuntahan niya ako sa office at naiinitindihan ko naman siya kung bakit naging ganun ang reaction niya nung sa condo mo. Tsaka hindi ako magiging hadlang sa inyo anak ko. Nag iisa ka namin na anak at syempre kung ano ang mag papasiyasa iyo ay doon kami. Kaya wala kang dapat na ipag alala." Naka ngiti na sabi sa akin ni Mom kaya naman tuluyan na akong naka hinga ng maluwag dahil doon.
Akala ko ay mag kaka problema pa ako sa kanilang dalawa. Mabuti na nga lang at malawak din ang pag unawa nito sa mga ganyan na bagay.
Maya lang ay naka balik na rin si Dad at yun nakapag kwentuhan na rin kami at gaya ng pag tanggap ni Mom kay Agata ay ganun din si Dad kaya masasabi ko na wala na akong mahihiling pa kung hindi ang maging maayos na ang lahat.
Nag dinner na rin kami at masaya lang ang bawat isa. Dito na rin kami natulog ni Agata at nag request pa nga si Mom na kung pwede ay kahit pansamantala dumito muna kami ni Agata upang kahit paano naman daw ay maka bonding nito ang kanyang manugang na sinangayonan na lang din namin.
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...