Alex
Nandito na ako sa condo ko at ang gusto ko na lang gawin maghapon ay ang matulog. Grabi gang ngayon ang sakit pa rin ng ulo ko sa totoo lang.
Sa susunod nga babawasan ko na ang pag inum ng sobra dahil ako din lang naman ang mag su suffer after ko malasing. Masakit na nga ang ulo ko. Mas lalo naman masakit ang puso ko ngayon.
Agad na naligo ako ng malamig na malamig na tubig. Gusto ko pa nga sana mag babad pa ay di ko na lang ginawa at ang gusto ko ay matulog na.
Iinum na lang ako ng gamot para naman kahit paano ay mabawasan na ang sakit ng ulo ko. Pero di ko alam kong anong gamot ba ang pwede sa sakit ng puso, sa mga broken na katulad ko.
Ano ba naman yan parang ang bitter ko naman na tao. Na broken lang naman ako at parang natapakan lang ng dinosaur ang puso ko kung maka emote ako ganun na lang.
Nag chat na nga rin pala sa akin si Kourtney na naka uwe na daw soya at ngayon nga ay nasa office na ito. Isa din ma tibay na tao yun. Akala ko kawawa sya dahil sa sakit ng ulo pero ako naman pala itong kawawa. Kasi parang wala lang sa kanya ang hangover e. ..
Nang matapos ako makapag cold shower ay nag patuyo na rin ako ng buhok at matutulog na kasi ako. ..
Pahiga na sana ako sa kama ko ng bigla may nag doorbell. Kaya naman inis na tumayo na ako sa kama.
Sino ba naman kasi ang isturbo na ito. Antok na ako e. Kaya naman naka simangot na lumabas na ako ng room ko at tinignan kung sino ang isturbo na ito.
Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa aking harapan ang aking mahal na Ina na ngayon ay mabilis na yumakap sa akin.
Kadarating lang yata ng mga ito kahapon galing sa business trip nila. Kaya naman Hindi halata na miss na miss na ako ni Mommy si Dad kaya kasama niya?
"Napadalaw po kayo?" Tanong ko kaagad dito habang mabilis na hinalikan ito sa kanyang pisngi at niyakap din siya ng mahigpit. Na miss ko din ang yakap ng aking Ina. Wala ng mas sa sarap pa sa yakap ng Nanay lalo na kung nasanay ka sa mga ganito.
"Miss na miss na kasi kita anak. Wala ka naman sa bahay pag uwe namin kagabi ng Daddy mo. Kaya pinuntahan na lang kita dito. Hindi din naman kita ma contact kagabi hanggang kanina kaya nag alala na rin ako. May dala nga pala akong pagkain dyan. Ipinag luto na kita. Alam ko naman na miss na miss mo na ang luto ko e." Diri diritso na sabi nito sa akin.
Kaya naman natuwa ako dahil doon. Oo nga pala hindi pa nga pala ako nakapag tanghalian kasi nawalan na ako ng gana na kumain pa at anong oras na rin kasi nung kumain ako ng breakfast.
Agad naman na hinila ko na papasok sa loob ng unit ko si Mommy. Baka kasi nandyan sa unit nito si Agata tapos makikita ko na naman siya. Wala pa ako sa mood na makita ito. Baka maiyak lang ako sa harapan ng nanay ko.
Nang makapasok kami sa loob ay dumiritso na kami sa may kusina banda. Agad na kinuha ko naman dito yung bag na hawak niya kung saan ay nakalagay doon yung pagkain na sinasabi nito.
Inayos ko na muna iyon sa table bago kumuha na rin ako ng plato namin ni Mom. Gusto ko kasi na saluhan niya ako sa pagkain ngayon.
Syempre gusto ko din naman na kahit paano ay maka sabay ko siya sa pagkain. Ang dalang na nga lang na makasabay ko ang mga ito e. Dajil kahit na nasa bahay ako ay hindi din halos nag sa sabay kami na kumain kasi nga kung anong oras na nakaka uwe ang mga ito. Ang dami kasi nilang mga ginagawa sa office.
Both pa naman na nag wo work sila. Ay hindi lang si Dad. Kaya nga mas pinili ko na lang na mag stay dito sa condo ko. Kasi parang wala din naman akong kasama pag sa bahay e. At least kung nandito ako sa unit ko at kahit paano hindi ko naiisip sila Dad.
Magana naman na kumakain kami ni Mom. Halos panay naman ang kwentuhan namin nito ng kung ano ano. Kaya naman halos nawaglit pansamantala sa isip ko si Agata.
Na kwento din sa akin ni Mom na balak na nga daw mag tayo ng other branch ng company nila sa may Japan. Kaya yun daw ang inasikaso nila din nung pumunta sila doon.
Napa buntong hininga na lang ako kasi mas lalo lang silang magiging busy nun dahil madaragdagan na naman ang kanilang trabaho.
Ewan ko ba sa mga ito. Ako may business din naman at sa totoo lang mas malaki pa nga ang business ko kaysa sa kanila pero nakakaya ko naman ang dami ko pa nga time na gumawa pa ng kung ano ano e. Tapos nag aaral pa ako. Hayst
Kapag ka graduate ko talaga ay ako na rin lang ang mag papa takbo ng business namin. Kasi naman naaawa na ako sa kanila sa totoo lang. Ang gusto ko din naman ay makapag pahinga sila. Mag bakasyon sila at yun bang ma enjoy naman nila ang buhay at ang pera nila. Hindi yung puro trabaho na lang ang nasa isip ng mga ito.
"Mas lalo na kayong magiging busy pala ni Dad nyan Mom?" Malungkot na sabi ko dito.
Nakita ko naman na natigilan ito sa sinabi ko.
"Para din naman sa iyo anak ang lahat ng ginagawa namin na ito e. Alam mo ba na nahihiya na nga kami ng Dad mo sa iyo. Kasi naman my god mas mayaman kapa kaysa sa amin. Mas successful kapa. Pero proud na proud kami ng Dad mo sa iyo. Alammo bang halos ng mga kakilala namin na mga ka business partner ay nabanggit ka. Kasi naman ang galing galing mo daw." Naka ngiti ng sabi nito sa akin.
"Hindi nyo naman po kailangan na mahiya sa akin at ang gusto ko na nga lang po ay mag pahinga kayo ni Dad. Hayaan nyo na ang mga ka business partner nyo sa negosyo na sila na ang mamahala sa business natin. Kailan pa kayo titigil kapag naubos na ang lakas nyo sa ganyan?" Pangaral ko naman sa mga ito.
Busy pa kami sa pag uusap ni Mom habang kumakain ng bigla na lang may nag salita sa likod namin.
"Anong ibig sabihin nito Alex? Pati ba naman sa matanda ay pumapatol kana rin ngayon??!!!" Galit na sigaw sa amin ni Agata.
Tangina paano nakapasok sa unit ko ang babaeng manluluko na ito at ano daw sinong matanda na pinag sa sabi nito ang pinatulan ko?
BINABASA MO ANG
Inlove with the MMA Fighter
Romancesi Alex ay isang maganda, mayaman at mabait na estudyante. Samantala si Agatha naman ay isang magandang MMA fighter. Sa una palang pagkikita nilang dalawa ay na love at first sight na kaagad si Alex kay Agatha. Mahalin din kaya siya ni Agatha kung...