Chapter 59

2K 82 4
                                    

Alex


Hindi naman ako basta maka alis dito sa unit ni Agata at naliligo pa lang ito baka mamaya kapag sumaglit ako sa unit ko upang tignan si Mommy ay matapos na rin maligo si Agata. Walang mag aasikaso dito.

Mag e explain na lang ako sa kanya. Total naman ay alam naman nito na matagal ko ng nililigawan itong si Agata at matagal na rin silang nag tatanong sa akin kung kailan ko daw ba ipapakilala sa kanila ang kanilang magiging manugang.

Pero kasi naman medyo hindi maganda ang dating ng unang pagkikita nila Mom at Agata. Kasi naman itong selosa kong mahal ay napaka ano mag isip. Akalain mo ba naman isipin nito na sugar mommy ko si Mom. At nilait lait pa nito ng wagas.

Pasalamat na nga lang talaga ako na kahit paano ay hindi sinaktan ni Agata si Mom sa galit dito. Dahil pag nakataon ay hindi ko alam kung paano ang gagawin ko upang magustuhan lang ni Mom si Agata.

Maya lang ay nakita ko na lumabas na mula sa shower si Agata at ngayon nga ay paika ika itong mag lakad na akala mo ay bagong tuli lang ito.

Kaya naman mabilis na nilapitan ko ito upang buhatin na sana pero sinamaan lang ako nito ng tingin kaya naman inalalayan ko na lang siya sa pag lalakad.

"Careful" sabi ko pa dito.

"Careful mo mukha mo. Di kana talaga makakaulit pa sa akin Alex!" Galit na sabi nito sa akin.

" Baby naman. Gusto ko lang naman na ipa ramdam sa iyo ang pag mamahal ko e. Tsaka di ko na napigilan pa ang aking sarili ang hot mo kasi tapos mahal na mahal pa kita. Kaya wala na. Na blangko na ang utak ko at ang angkinin ka at iparamdam sayo ang pag mamahal ko ang tanging nagawa ko na lang. At kailanman ay hindi ako mag sisisi na ginawa ko ito sa iyo. Bakit ba kasi ang ganda mo at ang sarap pa?" Walang preno na sabi ko dito.

Maya lang ay di ko na naman napigilan pa ang aking sarili at kinayumos na naman ito ng halik.

Kanina pa kasi ako na te temp na halikan siya e. Mula ng magisingkami nito. Pero ngayon lang dahil hindi na nga ako nakapag pigil pa.

Agad din naman na gumanti ito ng halik sa akin at maya lang ay pinutol na nito iyon ng maramdaman niya siguro na iba na ang way ng pag halik at pisil ko sa kanya.

"Ohmmp, tama na muna yan Alex. Yan ka naman sa hindi mapigilan. May mga dapat pa tayong gawin at pag usapan. Kaya mamaya na yan or better yet saka na lang kapag maayos na ang lahat." Pigil naman nito sa akin. At sa kamay ko na hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng kanyang robe at ang pinupunterya na ngayon ay ang kanyang dibdib.

Napipilitan naman na lumayo na muna ako dito. Kasi naman bakit ganito ang katawan ko kapag malapit lang siya at ganitong naaamoy ko siya.

Yun na nga lang di pa siya bagong paligo ay ang bango bango na niya lalo pa ngayon na humahalimuyak ang kanyang kabanguhan. Kaya naman humahalimuyak din ang aking kamanyakan. Tangina.

"Nasa bed nga pala yung ni ready ko na bihisan mo. Okay kana ba dyan? Sa saglit lang sana muna ako sa unit ko at baka nandoon pa si Mommy." Paalam ko naman dito.

Mukha naman kasi na ayaw na muna nitong magpa hawak sa akin. Natakot ang gaga. Baka nga naman may mangyari na naman at hindi na ako nito mapigilan pa.

Biglang nangunot ang noo nito at sinamaan ako ng tingin. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang sinabi ko sa kanya.

"Hindi ka pwedeng umalis dito ka lang!! Ano yan ha balak mo pa talaga na balikan sa unit mo ang matanda na yun ha!!!? Ano nanghihinayang ka na mawawalan kana ng sugar mommy na bwisit ka!!! Bakit hindi pa ba sapat yung pera na binibigay ko sayo at kailangan mo pang magkaroon ng ganun!!!?" Galit na galit na sigaw nito sa akin.

Bigla na lang akong napatawa dahil sa sinabi nito. Kaya mas lalo lang akong sinamaan nito ng tingin.

"Huwag mo akong ma tawan tawanan lang dyan na bwisit ka!!!!" Galit pa rin na tungayaw nito.

Kaya naman mabilis na nilapitan ko ito at hinila sa akin paupo sa kandungan ko. Naka upo na kami nito ngayon sa kanyang kama habang naka kandong siya sa akin. Panay naman ang pag pupumiglas nito.

Akala ko ba ay masakit pa rin ang pagitan nito. E bakit kung maka wala siya ay ganun ganun na lang.

"Baby, makinig ka ha. Mag papaliwanag ako sai yo okay." Masuyo na sabi ko dito at mas lalo lang hinigpitan ang pag kakayakap ko dito.

Nang tumigil na ito sa kakapiglas ay doon pa lang ako nag salita.

"Yung babaeng sugar mommy na sinasabi mo ay Mommy ko yun, as in Ina ko. Nanay, mother at magiging future inlaws mo. Kaya wala kang dapat na ipag selos sa kanya ha. Wala naman akong babae e. Tanging ikaw lang. Kahit na paulit ulit mo na sinasaktan ako ay ikaw at ikaw pa rin ang itinitibok nito. Pero sana lang this time ay ipanalo mo naman na ako. Ako naman na ang piliin mo." Paliwanag ko dito.

Nakita ko na natigilan ito. Maya lang ay bigla na lang itong sumobsob sa aking dibdib at doon ay parang timang na panay ang mura nito.

"Shit Alex bakit Hindi mo kaagad sinabi sa akin? Kung ano ano pa ang nasabi kong hindi maganda kay Tita. Nakakainis ka talaga Alex!!! Ahhh!!! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya. My god Alex!!!" Hiyang hiya na sabi nito s akin

Kaya naman niyakap ko na lang ito at hinaplos haplos ang kanyang likod upang pakalmahin ito. Hindi ko din naman alam ang sa sabihin ko kasi kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang sa sabihin ko kay Mom.

Sure ko lang na may masasabi talaga ang aking Ina kay Agata. At hindi ko alam kung paano pag lalapitin ngayon ang dalawang importanteng babae sa buhay ko.

Pero syempre lahat ay gagawin ko magka ayos lang silang dalawa. Tsaka paano ko naman masasabi ko sa kanya na mommy ko yung inaaway niya e panay na ang busa niya. At basta na lang kasi siyang pumasok sa loob ng unit ko. At doon nag wawala.

"Magugustuhan ka din ni Mommy. Sa ngayon ay kakausapin ko na muna siya. Kaya pwede na sumaglit muna ako sa unit ko?" Tanong ko ulit dito. ..

Bahagya naman na tumango ito sa akin pero pulang pula pa rin ang mukha nito sa hiya.


Inlove with the MMA Fighter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon