"Small world nga naman at dito pa tayo nagkita-kita. Kayo naman, hindi naman kayo nagsabi na pupunta pala kayo ng Baguio, e di sana nakisabay na kami para isahan na lang 'yong pagbyahe natin." Usisa ni Arlene, ang ina ni Luis.
"Unplanned rin po kasi 'tong pagpunta namin dito, Ma. Napaluwas lang kami ng biglaan ni Hana kahapon, right love?" Sagot ni Luis saka hinimas ang bandang balikat ni Mahana kung saan siya nakaakbay.
Hindi makatingin ng diretso na tumango-tango si Mahana. "Yeah." Pilit pa itong ngumiti.
Sa kabilang dako, pinasadahan ni Arlene ng tingin ang kaniyang daughter in law na si Mahana habang abala si Luis na kinakamusta ang Lola Luisa nito na noon ay bagong pasok lang ng hotel. Napangisi siya ng bahagya saka napabuga ng hangin.
"Hi, hija. Long time no see." Usisa ni Lola Luisa, lumapit naman si Mahana upang makipagbeso rito at kapansin-pansin ang pilit na pilit nitong pagngiti na animoy hindi komportable sa presensya ng pamilya ni Luis. "How are you, hija? Ang tagal ka naming hindi nakita ah. Akala tuloy natin ay iniwan mo na 'tong apo ko."
Namuo ng tawanan ang pwesto nila bukod kay Mahana na pilit umaakto ng normal kahit sinasakal na siya ng hiya.
"Okay lang po ako. Nabusy lang po this past few weeks sa pag-aasikaso nong itatayo naming negosyo ni Luis." Sagot ni Mahana sa gumuhit ng ngiti sa kaniyang labi.
"Really?" Sarkastimong usal ni Arlene na ikinagulat ng lahat lalong-lalo na si Mahana. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito na mas lalong nagpakaba sa kaniya.
Sasagot sana si Mahana noong inunahan sya ni Luis dahil ramdam niyang kabado ito. "Actually, Ma, any time pwede na naming buksan 'yong negosyo namin. Sobrang galing niya kasi mag-isip ng mga concept na talagang makakatulong sa paglago ng business namin soon. She's ready and I'm really excited."
"I see. Akala ko kasi umiiwas siya sa amin kaya hindi siya nagpapakita this past few weeks." Nakatitig siya kay Mahana ng diretso na naging dahilan para mapaiwas ng tingin ang babae. "Anyway, nandito lang din naman tayo, why don't we celebrate here nalang ng mas early 'yong wedding anniversary natin, honey?" Napunta ang tingin nito sa kaniyang asawa na noon ay abalang kumukuha ng litrato sa paligid.
"That's a great idea, hon." Usal ng asawa nito. "For sure, sa darating na party, hindi na tayo makakapagsalo-salo sa iisang lamesa dahil sa dami ng magiging bisita natin. Magiging busy tayo sa pag-accomodate sa kanila kung tutuusin."
"Perfect timing nga 'to." Natutuwang usal ni Luis na ikinagulat ng lahat.
"Why apo?"
"Secret, Lola."
"Not so much on that. Magpahinga na muna tayo at ng magkaroon tayo ng lakas para makapasyal mamaya. Lets go to our room muna." Nauna ng naglakad si Arlene papasok sa elevator upang pumaroon na sa ipinareserve nilang kwarto para makapagpahinga saglit.
Wala namang nagawa si Mahana kundi ang magpatangay kay Luis na noon ay hindi maipinta ang ngiti sa labi nito.
"Love, why are you packing your things?" Napahinto si Luis sa paglalagay ng pabango sa kaniyang katawan nang mapansin na inaayos ni Mahana ang kaniyang mga gamit sa dala nitong maleta na noon ay nakalapag sa ibabaw ng kama.
"Uwi na tayo." Malamig na tugon nito.
"What? Why? Kararating lang natin dito kahapon, ni hindi pa nga natin nalilibot lahat ng magagandang lugar na nasa bucketlist mo, di ba?"
"May susunod pa naman e. Basta gusto ko ng umuwi." Patuloy pa rin ito sa pag-eempake sa kaniyang mga gamit.
"You're so weird, Mahana." Naupo si Luis sa dulo ng kama habang pinapanood ang pag-aayos ni Mahana sa mga gamit nito. "Kanina lang sobrang excited mo na lumabas tayo tapos ngayon magyayaya ka ng umuwi? Tsaka, my family is here, nakakahiya naman kung iiwan natin sila dito."
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Teen FictionIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...