Chapter 2: The Campus Heartthrob

1.7K 50 48
                                    

Andrea's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andrea's PoV



Nakarating na rin ako ng school. Di pa naman ako late kaya petiks na lang akong naglakad papasok. Binuhat ko ang skateboard ko at pumasok na sa loob ng building namin. Welcome to Hillcrest International University! Dito na ako nag-kinder sa school na to at hanggang college pa ko dito. Dapat platinum medal na ang loyalty award ko nun noh?


Pagkapasok ko, parang pumasok ako sa perya. Ang gulo. Ay nako. Ganito talaga sa High School dito. Andaming mga makeup na tinubuan ng mukha. May mga naghaharutan na kala mo sobrang tagal na di nagkita eh two months lang naman nagbakasyon. May nagsisigawan na para bang may pagitan na dalawang building sila nung kausap niya but in reality dalawang tiles lang talaga ang pagitan nila. May nagliliparan na crumpled paper, board eraser, at may medyas pa kong nakitang tatama sa mukha ko. At dahil ninja ako, inilagan ko nang bongga. Eiw kaya! Sige nga! Sino gusto matamaan ng medyas sa mukha?


Maya-maya, nagsitilian sila.

"OH MY GOD! AYAN NA SIYA! AYAN NA SIYA!"


Dahil nasa gitna ako, dinaanan ako ng lahat ng mga babae. Yung mga boys, dumikit sa pader na parang wallpaper. Ay makabunggo? Bakit ba bigla nalang silang nagsitakbuhan? Ay! Baka si Coco Martin dumating sa school! O kaya si Daniel Padilla! John Lloyd? Jake Vargas? Gerald Anderson? Mario Maurer? O baka naman nasa Pilipinas ulit si Jeremy Renner? Lahat na ng gwapong naiisip niyo ngayon dumaan sa isip ko. Tumama kaya mga assumptions ko?


Curiosity kills the cat. Kaya naki-usi ako sa mga maiingay na palakang walang tigil sa pagkokak kahit di naman na-ulan.


Dahandahang bumukas ang pinto at agad nanahimik ang lahat. Mula sa pagiging isang perya, biglang naging kumbento ang lobby ng school. May lalaking mala-anghel ang magarang naglakad papasok. Hmm... Mala-artista nga. Pero sino ba tong singaw sa lupa na to? Bigla na lang sumulpot sa school namin.


Ang japorms ni kuya ah. Naka shades, naka black shirt with black and white opened vest, dark gray pants, at isang black na wrist watch. Sinamahan pa ito ng isang set ng black lace with stainless cross pendant necklace, and matching stainless cross earrings. Malakas ang dating. Very striking indeed. Ang ganda ng pagkakastyle ng kanyang buhok. Kahit na mejo galit ako sa lalaking mahahaba ang buhok dahil mukha silang gusgusin at madumi (in short kadiri), I'll consider him an exception. Yung buhok niya kasi kahit mahaba, hindi siya nagmumukhang kadiri kundi mas gumagwapo pa siya dahil bumabagay sa kanya. Ang kinis pa ng balat. Halatang alaga. Napatingin tuloy ako sa balat ko. Parang gusto kasing mahiya ng balat ko sa sobrang kinis ng kanya. I admit, he's very, very attractive. No wonder tinitilian nila siya. Pero.. Naningkit ang mga mata ko at tinitigan siyang mabuti. WAIT LANG. Bakit parang familiar ata siya sakin?

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon