Andrea's PoV
"Hah... Hah..." I panted.
"Malayo pa ba?" Tanong ko sa tour guide namin.
"Malapit na ho!" He answered cheerfully.
"Manong, gano kalapait naman po yang 'malapit' niyo?" Tanong ko. Bakit ko natanong? Kaya ko natanong yan kasi dati bumisita kami nila Kuya Alex, Mitch, at mommy sa malayong relatives namin sa Bicol. At dahil shunga-shunga kami sa place at mejo hapo na sa 10 hours na byahe, nagtanong si mommy sa isang naglalakad sa kalye kung malapit na. Sabi naman niya, malapit na at nagturo pa ng directions. Konti lang naman yung sinabi niyang liku-liko. Pero nakanaman! Konti nga ang liku-liko, SING HABA NAMAN NG DALAWANG BUNDOK PER STREET! Kamoteng yan. Three hours bago namin narating yung place. Kaya yun. Nadala na ko sa salitang 'malapit'.
"Mga ilang minuto na lang ho makakarating na tayo!" Sabi niya at nagpatuloy na kami.
At last... Nakarating na kami..
"Waaa! Ayoko na! Water break! Twenty minutes!" Sigaw ni Mitch sabay upo sa isang malaking boulder sa gilid ng trail.
"Grabe! Ayoko na talaga! Feeling ko pang barako na tong binti ko sa layo at taas ng hiking trail na inakyat natin! OMG! Nooo! My long, white, flawlessly, sexy legs!" Litanya ni Alice habang minamasahe yung binti niyang hindi naman nagbago ang size. -_-
"Mga hija, okay lang yan. Sulit naman ang paglalakad niyo at naabot na natin ang dulo ng trail! Kaya ngayon!... Bababa na tayo." He grinned at us. Napatingin kaming lahat kay manong at nanlaki ang mata.
"ANOOOO???!!!" We shouted in unison.
"Eh bat niyo pa kami pinaakyat kung bababa rin naman pala?!" Reklamo ni Mitch.
"Manong masama ho magbiro nang ganyan!" Dadag ni Daniel.
"Manong, gusto niyo bang maging pang body builder tong katawan kong sexy kakaakyat-baba ng bundok?!" Reklamo ni Alice.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...