[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Eric's PoV
I ended the call. I stood frozen habang nag-iisip kung anong dapat kong gawin. Ramdam na ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Shit. Tototohanin na kaya talaga ni Jillian lahat ng threats niya sakin? Hah. Grabe. Ganun ba talaga siya kadesperada na makuha ako? To the point na manggugulo siya ng relasyon ng iba para lang makuha ang gusto niya? Nahimasmasan ako nung naramdaman ko ang pagpunas sakin nung baklang makeup artist na umaasikaso sakin dito sa photoshoot.
"Emgeeee! Hanuba namang pumasok sa isip ng ating superstarlalu!" Sabi niya habang pinupinasan yung binti kong natapunan ng tubig at inilalayo sakin yung mga bubog.
"HOY! Muchacha! Come to mommeh!" Sigaw niya.
"Y-Yes sir?" Sagot nung utusan.
"Paki-sweep sweep yung mga bubogskie at pa wipe ang waterlalu sa shining shimmering floor! NO STAINS~!" Utos niya at may pa wave-wave pa ng index finger niya. Agad namang umalis yung utusan. Di ko na sila pinansin at lumipad ulit ang utak ko sa problema ko.
Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? Should I stop her or Jillian? Or....... uh........ Damn! What should I do?
"Okay! We'll resume in a minute!" Sigaw nung photoshoot director.
SHIT. I've got no time! Kailangan ko nang kumilos. Kailangan kong mapigilan si Rea at umamin na mismo sa kanya bago pa ko maunahan ni Jillian. At least.. kung ako ang aamin.. Siguro.. mas maniniwala siya sakin... Na.. maaring ganun nga ang intentions ko nung una pero nagbago ang lahat at hindi ko na tinuloy yung plano ko...
Tama! Maniniwala siya nun!.. Sana.. Hay nako! Bahala na!
Tumakbo ako sa dressing room at agad na nagpalit ng pang itaas. Kinuha ko yung coat at backpack ko at dirediretchong lumabas ng pinto ng set.
"ERIC! Where are you going?! Hindi pa tayo tapos sa shoot!" Sigaw nung director. Nag-echo yung boses siya sa walang katao-taong hallway.
"Sorry po sir! May emergency po kasi! Hindi ko na po mahihintay matapos ang shoot! Re-schedule na lang po tayo!" At tumakbo ako sa pinakamabilis kong takbo papunta sa kotse ko. Agad akong sumakay sa loob at pinaharurot ito nang mabilis papunta sa school.