Andrea's PoV
Waaaaay! Grabe. Friday, Saturday, Sunday, Monday.. Grabe lang. Ilang araw na ang nagdaan pero para pa ring hindi ako makaget over sa malalim na usapan namin ni Eric. Para akong nakokonsensya na ewan. Pakiramdam ko may responsibilidad ako sa kanya. Na dapat siguraduhin ko na lagi siyang masaya.. Na hindi siya nasasaktan... Na asdfhjkl.
Ano ba tong mga naiisip ko? Parang tunog guradian angel o kung ano. ( > _ < )!"
May trainings sila ngayon. Alam niyo kasi, kahit na tapos na ang sports competition, nagtitraining pa rin sila para lagi daw in good shape. Sus. Echos. Palusot lang nila yun para maging forever alone ako dito. ( TT ^ TT )
At dahil wala nga sila, eto ako ngayon, slow-mo na naglalakad sa corridor papuntang locker ko. Binuksan ko yung pintuan ng locker ko at inilagay yung mga gamit ko. Napatingin ako sa paligid ko.
NGEEE. Ang spooky! Bakit ba ako lang ang tao dito? Malapit pa namang magdapit-hapon. Kumukulimlim na ng konti kahit 5pm pa lang kasi malapit na si December. Haluuuuuuh! Baka mamaya may mandamba bigla sakin na zombie jan o kung anung lamang-lupa eh. It's so creepyyyy.. ( O ^^^^^ O )
Ilang sandali lang ang dumaan, may tumawag saking boses ng isang babae.
"So, we meet again.."
"AY NANAY KO!" Ibinaling ko yung tingin ko kung saan nanggaling yung boses. Nandun siya sa madilim na part ng corridor at naglakad papunta sakin. Nag-sign of the cross ako at habang papalapit nang papalapit sakin yung babae, papalayo naman ako nang papalayo sa kanya.
"UWAAAAAA! Diyos ko! Bata pa po ako! Marami pa kong pangarap sa buhay! May future pa ko! Iligtas niyo po ako sa masamang espiritong ito na papalapit sakin ngayon!" I closed my eyes at sinambit lahat ng dasal na alam ko. Tinawag ko na rin lahat ng santong kilala ko.
"HOY! Sinong tinatawag mong masamang espirito jan?!" Sigaw sakin nung babae.
Dumilat ako at napagtanto kong tao pala siya. At... Kilala ko ba to?
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...