Chapter 10: The Day He and She Met

869 28 18
                                    

A/N:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Uy. Iba nanamang PoV. :D

Para kay nekogirl07. Salamat sa dedication ^-^ Eto po ganti ko ^-^

======================================



Alice's PoV



Grabe. Uver sa tagal ng PoV ko ah. Nine chapters na dumaan saka lang ako magkakaPoV? Hay anyways, thank you nga pala dahil may nagbabasa pa rin netong sinulat nitong author na to. Lalo na sa mga simula sa simula binasa tong Entangled Destinies. Kahit wala pa kaming natatanggap na feedback or anything. Feedback naman kayo. :'<


Salamat din sa echoserang author dahil naisipan niya rin ako bigyan ng PoV. Magwawala na sana ako eh. Kala ko wala pa rin. Oh well. Better late than later.


Nasa kusina kami nila Mitch nang biglang bumukas yung pinto.



"Si Andy na ata yun." I said. Mabilis pa sa alas doseng sumugod si Mitch sa sala. May hawak pa siyang sandok na tinutok niya kay Andy.


"HOY ECHOSERANG BABAE KA! BAKIT HINDI MO SINABI NA MAY BOYFRIEND KA PALA?! And in fairness si super gwapong hottie na binitbit mo pala dito nung isang araw ang boyfriend mo. PERO! TINAKASAN MO NA NGA AKO, HINDI MO PA SINABING BOYFRIEND MO SIYA! YOU'RE SO MEAN!" She shouted on the top of her voice.



"H-Ha? T-Teka. Mitch, single pa ko." Gulat na sabi ni Andy. Napaturo pa siya sa sarili niya.


"NO! No excuses! At dahil jan, akin na si papa Daniel! Hmmpf!" She shouted sabay balik ulit sa kusina. Humabol si Andy sa kanya.



"HOY. Hindi ako papa—-" Napatigil siya at tinitigan yung kusinero namin. Ehehe. Si Eric kasi yun ( ^ v ^ ) Napatakip siya ng bibig.


"Hi Lhaaaaabs~!" Eric waved at her.



"Oi! Tikman mo to." Lumapit siya kay Andy na may dalang isang piraso na lutong cookie. Pinatikim niya yun kay Andy.


"Sarap diba? Galing ko magbake noh? Hehe. Kain ka ha?" He went back in front of the oven at tinuloy na niya yung pagluluto. Si Mitch nagluluto ng hotdogs. Itinutusok niya ang mga lutong hotdog sa stick na may marshmallow sa magkabilang dulo. Yung tipong pamparty. Tapos ako, eto. Taga-kwento. De joke. Nag-aayos ako ng kakainan namin. Miryenda time na eh.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon