A/N:
Pagpasensyahan na at tinatamad mag-edit si author. XD
=====================================
Andrea's PoV
Habang papunta kami ni Eric sa parang counter, napansin kong natatawa siya at ngumingiti ngiti.
"Hoy impakto anong nginingiti mo jan?" Tanong ko.
"Hahahaha. Kasii.. Haha. Nakakatuwa ka kanina. Ganun ka pala magselos?" Tawa nya.
"H-Hindi ako nagseselos noh!" I frowned.
"Kaya pala may pakapit-kapit pa sa braso ko sabay sabing 'he's my boyfriend' chaka 'his ONE and ONLY.' " Ginaya pa niya yung intonation ko.
"E-Eh kasi.. Hindi ka na nila tatantanan kaya gumawa na lang ako ng paraan! Wag ka ngang feelingero jan!"
"Sus. Hahahaha. Umamin ka na kasi lhaaabss! Ang lakas mo pala mangtaray pag nagseselos eh! Hahahaha! Wag ka magalala. Ikaw lang lhabs ko." He gave me a big grin.
"Selos your face!" Inis kong sabi at lumapit dun sa parang counter at kinausap yung babae.
"Ate, andito kami kasi participant kami ng competition na to. Eto yung napili namin." Sabi ko dun sa babaeng nasa counter na unang sumalubong samin at nagtawag ng gulo kanina.
"Hi Eric.." Nakangiti pa ang pucha. Kalandi nga netong babaeng to.
"Hoy impokritang tagasalubong ng tao. Gawin mo yung trabaho mo dito ah. May sinabi ako diba? Ano ka nabibingi-bingihan? O sadyang bingi lang talaga? Umayos ka jan. Kundi ifa-flying kick kita papuntang pluto!" Inis kong sabi sa kanya.
"Miss, kung ako sayo, sumunod ka na kay lhabs ko. Baka maospital ka nang di oras." Eric chuckled. Tss.. Buti naman alam niya na bubugbugin ko talaga nang bonggang-bongga to pag di pa umayos.
"Tsk.. Eto, pakilista na lang yung names. Tapos kanan po kayo at pumunta sa likod nung cafe." Si Eric na naglista. Aba. Chaka netong tagasalubong ng taong toh ah. Siya pa may ganang mayamot? Ihulog ko siya sa imburnal eh. Naka damit pa naman siya ng Alice in Wonderland. Bagay na bagay. Wapak na wapak.
Pumunta na kami sa likod ng cafe at may sumalubong nanaman na babae pero this time, adult na.
"Welcome. Please choose your own costume." Ipinresent niya samin yung isang buong room ng mga costumes.
![](https://img.wattpad.com/cover/4756130-288-k208727.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...