[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A/N:
Yay! Magkakaron na rin ng ibang PoV bukod kay Andrea at Eric. Wohoo! :)))
Pagbigyan si Daniel. ^-^
==========================================
Daniel's PoV
Mula nung first day hanggang nung isang araw, mejo magaganda ang araw ko. Nakakatuwa kasi ang mga seatmate ko ngayon, lalo na si Andrea. Ang cute lang kasi niya talaga kahit na naka-ayos panglalaki. Naaalala ko pa yung unang time na kinibo ko siya. Matagal ko nang pinagmamasdan sila ni Alice. Lagi naman kasi silang nasa soccer field eh. Sa dinami sami ng mga babaeng tumatambay dun na madalas nagchecheer o nagpapapansin sakin, siya lang yung tahimik lang magbigay ng suporta. Except kay Alice. Maingay yun eh.
Sa totoo lang nung una ko silang makita, akala ko talaga lalaki siya. But somehow, I feel oddly attracted to him. Nagduda tuloy ako ng konti sa sarili ko. Hindi ko pa alam na babae pala siya kaya may iba akong nasesense. Lagi kasing malayuan ang tingin ko sa kanya at kung sa ganung layo mo siya titingnan, iisipin mo talagang isa siyang tisoy. Later on, nalaman kong babae siya... Well, nawala na rin yung pagdududa ko sa sarili ko. Nakakabaliw yun. Muntikan pa nga ako magpakonsulta sa psychiatrist eh. But still, parang gusto ko siya mapagmasdan maigi para talaga maconvince ako na babae siya. Her looks are pretty deceiving.
Pero nung araw na kinibo ko siya, ewan ko kung coincidence lang o sadya yun. Napagmasdan ko rin siya ng malapitan. Okay. Babae nga siya. Di naman pala totoo yung rumors na tomboy siya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip koat sinabihan ko siya ng cute at wag magpadala sa sinasabi ng iba. Siguro kasi may nakita akong disappointment sa mukha niya. Di ko alam kung nasaktan siya sa sinabi ko dahil yun yung mga false rumors about her na akala niya pinaniniwalaan ko rin.
Ngayong magkatabi kami, marami kaming napapagkuwentuhan kasama ni Alice. Ang weird nga lang kasi pag kaharap ko at kausap ko si Andy, halos hindi ko mapansin ang paligid. Hindi ko tuloy malaman kung i-cclassify ko itong weirdness na to as creepy or cool eh.
Nasabi niya sakin na kinasusuklaman daw niya si John Eric Mojica dahil sobrang playboy raw at masyadong malaki ang ulo dahil sa mga nagkakandarapang mga babae sa kanya. Kaya nga badtrip na badtrip siya dahil nakaupo si Eric sa likod niya. Haha! Lalo siyang nagiging cute pag naaasar. Ilang linggo na kaming magkakasama ni Alice at Andy. Sila na ata ang bago kong barkada.
Naaalala ko yung nakaktuwang moment nila kahapon bago biglang naglaho nang sabay si Andy at si Eric.