Andrea's PoV
Habang nag-aalmusal kami, heto ako ngayon, pa-check-check ng FB. Jusko. Bakit ba ever since mangyari yung school event na yun eh everyday tone-toneladang friend requests ang dine-decline ko at tambak lagi ang notif ko sa dami ng messages at comments and likes and so on and so forth. Seriously? Friends kami? Di ko alam yun ah.
Sa sobrang dami nila, inallow ko na lang ang followers feature ng Facebook. Pero syempre, pili pa rin ang mga posts ko na ipapublic. Pero ngayong araw na to, sobrang dami lang ah. Parang dumoble ang notifs ko kesa ordinary days. Anong meron? Di naman sila nagkakagulo pag walang event eh.
Pagscan ko ng timeline ko, may mga tumambad saking mga posts na may red roses (basta bulaklak), chocolates, messages na makeso pero corny ang dating sakin, etc. The fuck? Bakit? Valentine's na ba? Chineck ko yung date. The hell... Valentines na nga. Haish.. Kung fb ko pa lang eh ganito na, kamusta na kaya yung locker ko? Hay nako.. Sakit ng ulo. Ang hirap maging sikat! Pano ba nabubuhay sila Eric at Daniel sa ganitong buhay? ( _ _")7
LOCKER AREA
"Hayy juice colored..." I said as I roll my eyes heavenwards. Kasama na rin yung ulo ko.
"Teh. Di ka nag-iisa." Pinatong ni Alice yung siko niya sa balikat ko habang nakatitig sa locker niya.
"Enebeyen! Ayoko ng flowers! Di naman edible yan ihhhh!" Pastidya ni Mitch.
"Grabe.. Ano ngayong gagawin natin sa mga to? Jusko! Buhay pa ko ah. Makapagpadala sila ng naglalakihang bouquet, akala mo burol ko na! Kulang na lang yung tripod sa ilalim eh!" Napakamot ulo ako.
"At least bouquet ang pinadala nila hindi flower arrangements na nasa basket. Alam niyo yon? Yung tipong pang puntod?" Sabat ni Mitch.
"Onga. Plus.. Tingnan mo naman tong love letter na bigay sakin." Sabay pakita samin si Alice ng isang papel na may sulat.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...