Special Edition Chapter: Character Creation (8/8)

129 6 0
                                    

Isa siya sa mga supporting characters natin na love na love ni Alex --- the faithful college girl

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa siya sa mga supporting characters natin na love na love ni Alex --- the faithful college girl. Since she's kind of a passive person, hindi rin siya masyadong nagsasalita na tulad ni Lawrence. At tulad rin ni Lawrence, sobra pa ang daliri sa isang kamay para mabilang ang mga PoV's niya (although lamang ng konti ang bilang nung kay Maxine). Pero kahit konti lang ang PoV's niya, importanteng-importanteng part yun ng story. :)



CHARACTER CONCEPTION

Actually, hindi ko talaga pinlano na magkaroon ng isang Maxine Reyes. Kaso nga lang nahabag ako kay Alex kung wala siyang makakapartner kaya ginawa ko si Maxine. Ang conception ko kay Maxine ay mejo may pagka-opposite kela Alice, Andrea, at Mitch --- not loud, not crazy, and not talkative. Kung baga, female version siya ni Alex pero mejo mas extrovert ng konti. LOL xD



NAME

Nagandahan ako sa pangalang 'Maxine' eh. Wala lang. Parang mejo classy ang dating. :) Tapos nag-isip na lang ako ng random surname kaya nauwi sa over cliché na 'Reyes'.



APPEARANCE

Simple lang ang itsura ni Maxine. Simple but classy and sweet. Hindi rin siya masyado pala-make-up. Hindi siya galawgaw, in short, mahinhin siya at hindi rough kumilos. She has a mid-length brown hair. Minsan naka-braids, pero mas madalas na nakalugay at walang headdress. Ang mga distinctive characters ni Maxine ay ang pagiging maganda, maputi, makinis, may magandang height, matangos ang ilong at napaka-sweet na ngiti.



PERSONALITY

Tulad ng sinabi ko, female version siya ni Alex na mejo mas extrovert. She isn't talkative. She has a lot of friends at may pagka-popular rin sa campus even before the school event.


She is the mother of the group. Together with Alex, ginagawa niya rin ang makakaya niya para laging mamaintain ang peace, order, at ang relationships nilang magkakaibigan. She is kind and caring at madalas na inuuna ang iba kesa sa sarili niya. She knows the true value of love, family, friendship, and sacrifice. Masasabi nating may pusong-mamon si Maxine dahil madali siyang masaktan, maawa, lagi siyang nakikiramay sa mga kinakaharap ng mga tao sa paligid niya, sa kasiyahan man o sa kasawian. Best example ay nung tinulungan niyang bigyan ng pag-asa si Eric nung libing ni Andrea.



RELATIONSHIP WITH THE AUTHOR

She's my sister! xD JK.


Tulad ng karamihan sa characters ko, inireflect ko rin kay Maxine ang isang side ng pagkatao ko --- ang matured side ko. Yes, sabi nila childish daw ako pero pag seryosong usapan na, matured daw ako mag-isip. Galing no? Parang mejo malabong magsama ang ganung pag-iisip sa isang utak diba? xD


But back to the topic, dahil nga matured ako mag-isip kapag seryoso na ang usapan, madalas akong takbuhan ng mga taong may problema, and there I go, sitting and advising like I'm a freaking psychologist already. Hashtag feelingpro. xD


Tulad ni Maxine, ako rin yung tipong nag-aalaga sa mga kaibigan ko. Lagi akong namamagitan pag may nagkakainisan o nagkakatampuhan tapos gumagawa ako ng paraan para magkasundo sila. Pilit kong iintindihin yung sides nila para mahanap ko yung buhol niya at ma-untangle ko para maging maayos na sila. Yun. Dun ko hinugot ang pagkatao ni Maxine.


 A photo of her on top. Isn't her smile sweet? :3

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon