Maxine's PoV
"SHE'S WHAT?!" Umugong sa buong department and boses ni Alex na sumisigaw mula sa cubicle niya. Ganito kasi ang office namin. Each personal desks are divided by thin half-walls kaya kung titingnan niyo, mala-maze ang itsura nito sa top view. Walang sariling office si Alex dahil department head lang siya. Ang mga company directors lang tulad ni Tita Irene ang may sariling office.
Agad kaming napatingin sa kanya. I immediately walked to him kahit mejo nahihirapan ako maglakad. It's my 24th week, which means I'm in my sixth month of pregnancy, and my tummy is pretty big already.
"I'll be right over." Sagot ni Alex sa phone niya at ibiniaba ito. Kinuha niya yung bag at coat niya at naghandang umalis.
"Alex! Anung nangyayari?" I worriedly asked.
"I-It's Mae... S-She's.. being revived.." He answered na parang tuliro.
"Sasama ako." Sagot ko. Oh my God.. Andy.. what's happening! I have to be there!
"No Maxine. Stay here. Ayokong may mangyari sa anak natin. And besides, it's your 24th week! The baby's becoming more alert and could actually start hearing things and form memories tapos—-" Sagot niya sakin pero agad kong pinutol ang pagsasalita niya.
"No. Baby and I would be fine. So sasama ako whether you like it or not. She's my cousin-in-law and a close friend! Hindi ako papayag na wala ako sa mga ganitong oras na kailangan niya ng suporta!" I insisted. He stared at me for a few seconds na parang nagdadalawang-isip pa kung papayag siya o hindi. Napailing na lang si Alex.
"I hate it when you're being like this... Sige. Dalian mo na..." He reluctantly said. Agad kong kinuha yung bag ko at sumama kay Alex sa ospital. Dahil nagd-drive si Alex, ako na ang tumawag kela Alice, Daniel, at Lawrence para malaman nila kung anong nangyayari.
Nagmamadali kaming pumunta sa kwarto ni Andy at halos manlumo kami sa nakita namin. Kitang kita namin kung anong ginagawa sa kanya ng doctor. She's undergoing cardioversion. Magkayakap si Tita Irene at si Tita Rochelle. Mitch was crying as she was watching Andy's body jerk in response to the shocks. Yakap naman ng naluluhang si Lawrence si Alice na umiiyak nang husto sa balikat niya habang patagilid na pinapanood ang nangyayari. Daniel was standing still with tears flowing down his face at tutok na tutok sa bawat pangyayari habang nakahawak sa balikat ni Mitch. I sat on the sofa as my eyes started to build up tears.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...