Chapter 42: Passion and Determination

507 12 2
                                    

Andrea's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andrea's PoV



After lumayas nung mga hampaslupang teammates niya, kumain na si Eric. Pareho kaming walang imik. Nung wala na siyang kailangan, umiwi na ko. Nakakaimbyerna kasi yung mga teammates niya eh! Isipin mo yun? Pababalikin ka kahit na alam nila na hindi pwede dahil sa kundisyon ng paa mo? At ang nakakainis pa talaga dun eh sinabi nila sa kanya without second thoughts! Sige nga! Kung kayo nasa sitwasyon ko at ganun gagawin sa malapit mong kaibigan, hindi ka ba magaautomatic maldita mode? Ang init tuloy ng ulo ko bago matulog. Nyeta sila.


Pagkagising ko, at least di na mainit yung ulo ko. So daily routine again. Of course. Oh and dresses are back on my list! Hehe. Remember, gamit ko yung nagmamayabang na Audi A6 ni Eric diba? Hayy... I miss my motorbike.... and skateboard. :(


So, here na me. Paakyat sa kwarto niya dala-dala ang breakfast niya. Lam mo naman yun. Choosy, di naman yummy. Oh ano? May violent reactions jan? Ang tumutol, paslang. >:)


Since maaga pa naman. Tatambay muna ako dito. Oh ano? Jump to conclusions kayo kagad jan ah! Syempre dito ako tatambay kasi wala na kong ibang matambayan. Okay? Walang ibang dahilan. Kung ayaw niyo maniwala, ode wag! Hmpf! Basta ako, alam kong yung lang ang dahilan!


Mamaya na yung huling laban. Bukas, championships na. Napatigil ako sa paglalakad.


I sighed. Tiningnan ko yung hawak kong paper bag at naalala ko yung nangyari kagabi. Pero imbis na magalit, nakaramdam ako ng lungkot.


Alam kong mahalaga sa kanila ang basketball. Ako rin mismo, gusto ko silang manalo. Gusto ko ring makuha nila ang trophy. Pero sadyang hindi pwede sa sitwasyon ni Eric. Syempre mas priority ko ang safety niya kesa sa pride ng university na to. Ibang usapan na kung may nakasalalay na buhay. Alam kong hindi mamamatay si Eric pag sumali siya ulit pero pwedeng masira ang future niya pag nagpadalos-dalos siya ng desisyon. He has a lot of potential. At hindi pwedeng masayang ang mga potential na yun para sa isang trophy, title, at panandaliang kasikatan.


Tumuloy na ulit ako sa paglakad at pumasok na sa kwarto ni Eric.



"Oh kumain ka na." Inilapag ko sa bed tray yung almusal niya.


"Salamat." Sabi niya sa malungkot na tono at binuksan na yun pagkain. Hmm.. Bakit siya malungkot?


Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon