Chapter 62: Realizations

409 12 0
                                    

Mitch's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mitch's PoV



Rough. The perfect word to describe my current life. Lalo na dito sa bahay. Iwasan kami ni Mae, awkward atmosphere naman kami ni Kuya Alex. Ewan ko. Simula nung sagutan namin ni Mae, naging awkward na para sakin ang makasama si kuya. Eh.. basta.. Anyways, hindi naman yun big deal. Since mas malapit na naman talaga siya kay Mae, malamang halos hindi niya napapansin na naiilang ako sa kanilang dalawa.


Kaya naman as much as possible, hindi ako nag-iistay sa bahay. Lagi akong gumigimik kasama ng mga friendships ko sa section ko. Kung saan-saan ako nagpapalipas ng oras basta hindi lang kagad ako makauwi sa bahay. Pati nga yung laptop ko lagi ko nang bitbit para sa labas na lang ako gagawa ng assignments o sa bahay ng friendships ko hanggang kaya. Mas mabuti nga yun eh! Nakakalimutan ko silang lahat nang sabay-sabay.


Tulad ngayon... Papasok na ko ng pintuan sa bahay. Wala na kong gagawin dito sa bahay kundi mag-shower, toothbrush, palit ng pantulog, at matulog. Eh ano naman kung mejo late ako umuwi? It's Friday night and tomorrow's Saturday. Tapos na ang mga assignments ko at kung anu-ano pang school needs, so there's nothing to worry about. Patay na lahat ng mga ilaw sa bahay. Mukhang tulog na sila.


Inilabas ko yung susi ko ng bahay at binuksan yung pinto. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat ng hagdan.


Nung half-way na ko sa hagdan, laking-gulat ko nang biglang bumukas ang ilaw sa living room.



"1:43 am.." Sabi ng boses ng lalaki galing sa isang side ng living room. Obviously, it's my beloved brother. I turned around and faced him. Nakita ko siyang nakataas ang kilay habang nakacross-arms at nakade-kwatro sa living chair.


"Where have you been?" Tanong niya sakin. In raised eyebrows.



"Y-You're still awake?" Tanong ko. Tumayo si Kuya at naglakad papalapit sa hagdan na kinatatayuan ko.


"Don't answer me with a question. Besides I asked you first." Ipinatong niya yung siko niya sa hagdanan.



"Saan. ka. nanggaling?" He asked with emphasis. I sighed.


"Nowhere. You know what kuya? I'm tired. At gabi na rin naman. Let's just sleep okay?" Tumuloy na ko sa pag-akyat pero hinablot ni kuya ang braso ko.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon