Eric's PoV
Hapon na nung makarating ako dito. Inilapag ko sa magkabilang gilid ng lapida ang dalawang babasagin na basong may laman na kandila at sinindihan ito. Inilagay ko rin yung isang bouquet ng bulaklak sa pagitan nung dalawang candle holder. After a short prayer, umupo ako sa tabi ng puntod at nagsimula na kong magsalita.
"Hi... Rea.." Sabi ko habang tinatanggal yung shades ko.
Tiningnan ko yung lapida niya kung san nakaukit yung pangalan niya.
"Kamusta ka na? Siguro masaya ka naman kung nasan ka ngayon no? Hah. Ako? Okay lang ako. Heto... pinagbubuti ang buhay at ang trabaho ko... tulad ng sinabi mo... at tulad ng pinangako ko..." I said then smiled.
"Sa totoo nga lang, may offer saking isang napakagandang opportunity sa U.S. at mamaya-maya lang kailangan ko nang pumunta sa airport. Ayoko sanang tanggapin para hindi ko na kailangan umalis sa Pilipinas, pero naalala ko yung promise ko sayo. Kaya tatanggapin ko... But that means... Hindi na kita madadalaw dito every month..." I took a deep breath then looked down.
"Rea, isang taon na ang nakalipas mula ng iwan mo ko... Pero alam mo? Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko pa rin matanggap na wala ka na..." I said as my voice started to crack and tremble. I shifted my gaze to different directions to prevent my tears from falling, pero bigo ako.
"It was very hard for me. Especially the first few months. I could hardly focus on my life. Pakiramdam ko dead end na ang buhay ko at wala na kong rason para mabuhay pa... It was like... Everything was dark, and everything has no value at all... Kahit sarili kong buhay parang wala nang kwenta para sakin..." I looked at her grave.
"Pero kahit na wala ka na... Ikaw pa rin ang nagbigay ng lakas sakin para ipagpatuloy ko ang buhay ko... Yung mga pangako ko sayo... Yun lang ang tanging pinanghahawakan ko kaya ko kinayang malagpasan ang lahat ng ito..." I said then sighed.
"Alam mo kung anong narealize ko? Ang hirap palang mabuhay nang wala ka... Lagi akong nakakaramdam na parang may kulang... Lagi akong nakakaramdam ng sakit sa dibdib ko na parang may nawawalang parte ng puso ko... Araw-araw, maya't-maya kitang iniisip at sa bawat oras na naiisip kita, hindi ko maiwasang maluha... Hindi ko talaga matanggap na wala ka na... Hindi ko talaga matanggap na ako mismo ang dahilan kung bakit ka nawala..." I sobbed for a while.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Novela Juvenil[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...