Chapter 58: The Hangover

424 11 2
                                    

A/N:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Sorry kung mag-uulit ako ng scene. :/

==========================================



Daniel's PoV



TOOT TOOT
TOOT TOOT
TOOT TOOT
TOOT TOOT
TOOT ---


Pinatay ko yung alarm clock ko at bumalik sa pagkakahiga ko na nakatulala sa kisame. Alas otso na, pero pinilipit ko pa ring makatulog mula kagabi. I sighed. Walang mangyayari. Hindi na talaga ako makakatulog.


Bumangon ako nagtimpla na lang ng kape. Hinahalo-halo ko ito. Buong gabi.. Buong gabi ko iniisip lahat ng nangyari nung JS. Oo nagseselos ako.. Naiinis ako na nagtapat si Eric kay Andy.. Sa harapan ng lahat.. Sa harapan ko.. at masakit. Pero hindi naman talaga yun yung masakit eh.. Hindi yun yung bumabagabag sa isip ko.. Ang talagang masakit.. ay yung reaction ni Andy.


As Eric sang, I saw her face light up at unti-unting nangingiti. She's not even aware she's smiling! The way she smiled at him... para bang sobrang saya niya.. na kinikilig.. to the point na hindi niya mapigilang ngumiti.. Worse is that, she forgot that I was standing next to her. Yun yung talagang sobrang sakit. At sa dahil sa maraming rason, I really feel threatened. Masyadong mabigat ang karibal ko. Nakakabingi man pakinggan... Nakakabobo man isipin.. But I think... he has the upper hand in this fight. At nararamdaman ko rin na...






unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Andy sa kanya.


Their closeness is remarkable. Yung simpleng pagbabantay at pag-aalaga pa lang niya kay Eric sa ospital araw-araw eh.. Napakalaking ebidensya. She would even choose him over me at times. Pero kahit na ganun, parang ayoko pa ring maniwala. Ayokong maniwala hanggang hindi ko naririnig mismo mula sa bibig ni Andy ang katotohanan.


Sa totoo lang, napapagod na rin ako. Oo, mahal ko si Andy. Pero naman! Kung pakiramdam mo paulit-ulit na binabalewala ang nararamdaman mo, sinong hindi mapapagod? Sinong hindi mawawalan ng pag-asa? Lalo na pag nakikita mo na may ibang taong nagpapasaya nang husto sa kanya. At mas lalo na kung hindi mo siya mapasaya nang tulad ng taong ito.


Kahit talagang alam ko na ang sagot, kahit na alam kong masasaktan lang ako sa mga salitang maaaring marinig ko galing kay Andy, nagdesisyon akong puntahan siya at personal na itanong sa kanya.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon