Chapter 51: Top of the World

474 11 3
                                    

Andrea's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andrea's PoV


The next day, wala akong ginawa kundi magbukas ng mga regalo. May tig-iisang box kaming tatlo na padala ni mommy. Plus, yung dalawa pang malaking box na regalo sakin ng friends slash barkada ko and the rest, from some unidentified species. May nakuha akong mga bagong damit, accessories, at kung anu-ano pang mga gamit. In short, dumagdag nanaman ang mga kalat sa bahay. =_____= Buti nga walang nagregalo ng mug, picture frame at panyo eh.


Okay lang naman sakin bigyan ng regalo, pero sana naman napapakinabangan naman yung mga ibibgay nila sakin. Mas maaapreciate ko yun. Lalo na kung edible. xD


Ilang araw na ang lumipas at papanay na nang papanay ang putok ng mga paputok ng mga kapit-bahay namin. Lalo na ngayon, New Year na mamaya eh. Kaya ayun yung mga bata sa kalye, sagana sa piccolo. Bakit ba hindi sila natatakot maputulan ng daliri o kamay?


Nung isang beses nga bumili lang ako sa sari-sari store ni Aling Nena eh hinagisan ako nung mga bata ng piccolong may sindi. Aba'y letche. Tumakbo talaga ako pabalik ng bahay! Napakakinis ata ng balat ko para masabugan ng piccolo ah. Pag sila talaga naputukan, antawa ko lang.


Nagsisimula nang kumulimlim pero alas kwatro pa lang. Grabe. Ambilis naman. Parang kanina lang eh nasa candyland pa kami ni Eric at nagseserve. Tapos ngayon, magbabagong taon na. At ang masama pa dun, safety first lagi si Kuya Alex samin kaya naman boring ang bagong taon namin every year. Nakadungaw lang kami sa balcony at nanonood lang ng mga ginagawa nilang pagpapaputok. Pero speaking of bagong taon, meron kayang magbabago sa New Year's Eve ko this year?


Narinig kong may tumigil na kotse sa labas. May nagbukas ng gate at nagsusi ng pinto. Hay nako. Sino ba ang may ganyang style ng pagbisita sa bahay namin? Edi ang imakptitong Eric. =______=



"Nasaan si Lhabsi-doodles ko?!" Sigaw niya pagkapasok sa bahay kasabay ng kanyang ngiting abot tenga.


"Nasa kusina.. nagkakape." Labas sa ilong kong sabi.



"WRONG! Nasa puso ko kaya." Sabay harang ng mukha niya sa field of vision ko. Unconciously, napangiti ako. Takteng yan. Erase the smile! Nagseryoso ulit ako.


"What do you want now?" Tanong ko sa kanya sabay inom sa juice ko. Oo. Juice iniinom ko. Hindi kape. Sinabi ko lang kanina nagkakape pero juice talaga to. XD

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon