Chapter 4: The Crossroads

1.3K 45 29
                                    

A/N:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N:

Introducing Daniel Custodio ^_^

======================================



Eric's PoV



Pambihira talaga tong tomboy na to. Magreklamo ba naman sakin? Ako? Nirereklamuhan niya? SUS! Wala pang babaeng nagrereklamo sakin sa kahit ano noh. Siguro minsan. Pero hindi katulad nung paraan niya. Sobrang repulsive siya sakin ah. Di ko tuloy malaman kung ayaw talaga o pakipot lang. BASTA! Di ako papayag. Bibigay rin yan. Sooner or later. Ako pa. I'm so irresistable. >:)


Every lunch time, umuupo ako sa isang tulad ko na napakagwapong pwesto para magobserba. Di ata nila ako napansin. Nakakahalata na ko sa Daniel na to ah! Sa araw-araw na pagoobserba ko, araw-araw rin siyang sumasama sa kanila. Sino ba kasi siya? I've heard about him ata. MVP ng Soccer? Hah. Yun lang ba kaya niyang gawin? Sus. Walang kwenta. Wala pa ring mas gagaling sakin. Hindi naman siya gwapo eh. Mukha nga siyang babae eh. BAKLA! BEKI! PA-GIRL! BAKLUSH! BAYOT! JOKLA! BINABAE! BADAF! BADING-DING-DING-DING-DING!


Pero... Hmm.. Dapat ba kong mamroblema sa kanya? Makakasira kaya siya sa aking napakagwapo na tulad kong balak? Hmm...


Ilang linggo na ang nagdaan... Mukhang di ata gagana ang simpleng pangungulit. Hindi kaya ng lower dosage. Kailangan i-level up ang virus ko dahil malakas ang anti-virus niya.


Malapit na matapos ang break namin. Pero ako? Nandito ako sa paborito kong lugar sa school namin — Ang tower. Madali lang naman lusutan yung mga prof pag late eh. Konting lambing lang okay na. Sus. Kayang-kaya. Walang problema. Madali lang ang buhay para sa isang perpektong tulad ko. HAH!


Anyway, dito sa tower, wala masyadong pumupuntang tao dito kaya naman masarap dito magpalipas ng oras. Kahit ano pwede mong gawin. Kumain, magmunimuni, magwala, matulog at magcutting. Haha! Kahit anung gawin nila, hinding hindi ka nila mahahanap dito. Hindi kasi nila iniisip na may gugustong tumambay dito.


Tumingin ako sa baba at ipinatong ang mga braso ko sa railings. Huminga ako nang malalim. Iniisip ko pa lang kung paano ang gagawin ko kay Andrea, sumasakit na ulo ko. Iba kasi siya eh. Pakiramdam ko hindi gagana sa kanya yung mga ginagawa ko sa iba. I really can't explain why pero pagdating sa kanya parang hindi ko malaman kung pano ang gagawin ko para makuha ang supposed to be love niya. Pero alam naman nating lahat na expert ako pagdating don, so anong meron at wala akong maisip na planong feel ko effective sa kanya?


I sighed at napakamot pa sa napakalago at malambot kong buhok. Tiningnan ko yung orasan ko. Wala. May 202 minutes pa bago ang susunod na subject . Pero since bored na ko tumambay, umalis na lang ako. Maglalakad na lang ako nang mabagal papuntang room. Sigurado ubos yang 15 minutes na yan.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon