[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isa siya sa mga main supporting characters ng story na ito. She is the best friend of the optimistic gymnast and the tomboyish nerd --- the happy-go-lucky cheerleader. She is one of the Powerpuff Trio (Wala akong alam jan. Si Alice ang nagsabi noon na si Andy si Buttercup, si Mitch si Bubbles, at siya si Blossom). Pero hindi lang siya best friend ni Andrea, she is also her cousin and Alex's younger sister. Alam kong alam niyo yan pero kailangan kong ilagay eh xD
CHARACTER CONCEPT
Ang concept ko kay Mitch ay isang baliw na babaeng sobrang ingay at hindi nauubusan ng kwento. She nags a lot and teases a lot. Siya yung pampasaya ng tropa o clown xD I wanted her to be an impulsive girl. Yung tipong kapag naisip niya na gusto niya bumilli ng ganito, gagawin niya. Tapos kung feel niya matulog kahit na exam na next day, gagawin rin niya. Yung ganun.
NAME
Bago ko bigyan ng pangalan si Mitch, una ko munang idinefine yung gusto kong maging characteristics niya. When I finally did, nag-isip ako ng pangalan na maganda ang dating. Yung tipong magandang iterno sa taong happy-go-lucky.
Ewan ko ba kung bakit nauwi ako sa pangalang 'Mitch'. Baka rin kasi siguro may auntie ako na 'Michelle' ang pangalan tapos 'Mitch' ang nickname. Kaya baka nga dun ko nakuha yun.
Yung apilyedo naman niyang 'Sarrosa', pinag-isipan ko talaga yan. Nag-isip kasi ako ng isang apilyedo na bagay sa pangalan nila ni Alex and the surname 'Sarrosa' was a nice fit. Hindi ako nanonood ng PBB at hindi ko rin pinapakealaman ang mga housemates nila kaya nung one time na nabuksan ng pinsan ko yung like page ni Myrtle. Nagulat na lang ako na 'Sarrosa' pala apilyedo niya. ( - . - )
APPEARANCE
Physically, si Mitch ay may magandang height, maputi, at maganda. Pero yung kagandahan ng mukha niyang yun ay may halo na mischievous flavor lalo na pag nginitian ka niya ng malaki at malawak. In short, mukha siyang maloko. Pero kung gaano kaloko ang mukha niya kapag nakangiti, ganun rin kamaldita ang mukha niya pag nainis o nanaray siya.
Mitch is the girly type. Maporma rin siya pero mas maporma pa rin si Alice. She's picky with her clothes. She always want to look good. May kaartehan rin siya sa buhay tulad ng mga make-up, lotion, accessories and so on tulad ng mga natural na babaeng beauty conscious.
PERSONALITY
Mitch is much like Alice. She has a bright personality --- loud, crazy, fun, maldita, supportive, caring, likes to joke, and open to everyone. Pero may pagkakaiba rin naman sila ni Alice at malaki yon. Unlike Alice, Mitch is more blunt with her words. Walang strict filtering ang dila niya. She is rarely afraid to speak her mind. When she says something, bahala ka sa buhay mo. Nagustuhan mo? Matuwa ka; Nainis ka? Edi mabwiset ka; Nasaktan ka? Eto panyo oh, iyak ka na. Moreover, mahilig rin si Mitch mang-hard. Be it a friend or an enemy.
She is a fighter. She is willing to fight for her friends and for her family, at para na rin sa sarili niya. Siya yung tipong hindi takot sa away. Siya yung tipong... Manunugod ka? Bring it on!; Sumusobra ka na sakin? May araw ka rin saking impakta ka. Obvious na obvious yun nung, kung naaalala niyo pa, muntikan niyang sugurin si Jillian dahil sa pakikipagcat-fight kay Andrea sa CR.
REALATIONSHIP WITH THE AUTHOR
She is also my best friend xD LOL
Katulad nila Alice at Andrea, reflection rin si Mitch ng sarili ko. Sa character ni Mitch ko inilabas yung side ng pagkamaarte, pagkamataray, pagkamaldita, pagkataklesa, at pagkaprangka ko. Mahilig rin ako manghard at hindi rin ako natatakot makipag-away lalo na kung personalan na at lalo na kung hindi ako ang naunang mang-away.
Hindi naman ako beauty conscious tulad ni Mitch. Lotion pa nga lang tinatamad na ko maglagay eh, magseremonyas pa kaya na pagkahaba-haba araw-araw? Syempre hindi! So parang add-ons ko na lang yun sa character niya. :)
A picture of her on top! Bago ko siya picturan, humirit muna siya. Sabi niya kunyari raw natatawa lang siya. xD