[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Andrea's PoV
Pinunasan ko yung mga luhang pumapatak mula sa mata ko. I.... I just said what? Sumilip ako sa bintana namin sa sala. I saw Eric went out the gate and drove away in his car. Have I gone too far? Pero totoo naman eh. Hindi okay yung nangyari. Yes I admit, what he did was surprisingly romantic pero andun pa rin yung downsides nung ginawa niya. I never wanted to argue with my family. They were the most I treasure. I know na may part ako kung bakit kami nagkasamaan ng loob ni Kuya Alex pero.. It's all beacause of what Eric did! He could've done it here, in front of my balcony and not aired in the TV. I mean.. It's not even necessary!
Bigla kong naalala yung expression niya nung binitawan ko yung mga katagang 'leave me alone'. His expression was just... Plain broken. Alam kong hindi ko mapipigilan itong mga luha ko kaya naman isinarado ko kaagad yung pinto. I know I hurt him... much more... I'm sorry Eric.. I didn't mean that.. I was just so furious..
The next day, tahimik lang kaming nagbreakfast. It's awkward in every part of the house. Kaya naman nagkulong nanaman ulit ako sa kwarto ko at naglaptop at nagbasa. Wala na kong magawa after a few hours, sawa na ko sa pagla-laptop at pagbabasa, kaya kinuha ko na lang yung gitara ko, umupo sa kama, at nagsimula magpluck ng isang maikli pero masarap sa tenga na melody. Ilang sandali lang, may kumatok sa kwarto ko.
"Pasok.." Walang gana kong sabi. Pumasok sa kwarto ko si Alice at si Mitch.
"Oh... Bhes.." Bati ko kay Alice. She looked at me then to Mitch. Mitch slightly nodded to Alice then they both looked at me.
"I saw the news.." Sabi ni Alice.
"And also Eric's performance." She added.
"What about it?" Walang gana kong tanong. Alice sighed deeply.
"Okay. Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. I think it's time for you to forgive Eric." She said. Nilingon ko siya and gave her the 'what-are-you-talking-about?' look.
"Oo nga Mae, masyado nang matagal at intense yang suyuan niyo ni Eric. Ilang linggo na ang nakalipas oh. Malapit na nga matapos ang May eh." Sabat ni Mitch. Agad naman akong tumingin sa desk calendar ko. Oo nga no. Ika-28 na ngayon ng May, Thursday. Tatlong araw na lang, June na. Hindi ko na lang sila pinansin at kinalikot ko na lang yung ipod ko at naghanap ng magandang kanta. Pero kahit anung scroll ko, parang lahat ng kanta ang panget.