Alex's PoV
Lunch break ngayon pero hindi ako kakain ng kanin. I opened the 3-in-1 coffee and poured it in my mug. I went to the water dispenser to get hot water for it. Syempre tinimpla ko rin yung init, ayoko rin mapaso. Pagkatapos kong magtimpla, bumalik na ako sa upuan ko. I swiveled on my chair at saka uminom ng kape ko. Habang nagkakape ako, hinawakan ko yung mouse at iniscroll down ko yung document na ginagawa ko sa office computer ko. Gumagawa kasi ako ng report ng department namin at deadline na nito sa weekend kaya kailangan kong matapos ito nang maaga. Yup. Ayoko ng beating the red light, gusto ko may allowance pa ko para i-check yung gawa ko.
I took a sip, binuksan yung isang pack ng biscuit at kumagat ng isa, at saka inilapag ko yung mug ko sa table pagkatapos noon, tiningnan ko ulit yung report ko. Mukhang okay na naman itong report ko. Pero pwede pa atang pagandahin. Naibaling ko ang paningin ko sa mga picture ng mga taong mahal ko sa desk ko. Si Maxine, si Tita Irene, si Mitch, at si Mae. Napatingin din ako sa group picture naming magkakaibigan nung pinkahuling family dinner namin. Hindi ko maiwasang mangiti, such a wonderful memory.
I took another bite from my biscuit. Kukunin ko sana yung mug ko para uminom pero nung nahawakan ng isang daliri ko yung handle nung mug, biglang nagcrack yung buong mug ko, much to my surprise. At hindi lang basta crack. Huge cracks. Buti na nga lang hindi natapon yung kape. My eyes widened. Bakit nagcrack yung baso ko? Pano nangyari yun eh hindi naman mainit masyado yung kape ko. I don't like this feeling. I know that things like this are bad omens. Not to mention that I feel like some really bad is really going to happen.
Biglang bumalik sa realidad ang isip ko nang biglang nag-ring yung phone ko. Tiningnan ko yung phone ko. It's an unknown number. Sino kaya ito? Sinagot ko na lang ito kahit na hindi ko kilala kung sino yung tumatawag.
"Hello?" Sabi ko pagkasagot ng phone.
"Hello? Is this Alex Sarrosa, pinsan ni Ms. Andrea Fontanilla?" Sabi ng isang lalaki sa kabilang line. Nakakarinig ako ng wang-wang sa kabilang linya. And it sounds like ambulance. The mere sound of the ambulance makes me go restless. I tried to maintain my cool.
"Speaking." Sagot ko.
"Gusto ko po sana kayo iinform sa nangyari kay Ms. Andrea at sa kasama po niyang si Mr. Eric." Sagot niya.
"Go ahead. Anong nangyari?" Sagot ko. This guy is really making me worry!
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...