Andrea's PoV
Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip sa mangyayari. Anong gagawin ni Eric? Pano niya maipapanalo ang laban nang di ginagamit yung binti niya? Alam naman natin pare-pareho na sa basketball hindi pwede ang hindi gamitin ang binti dahil yun ang pinaka 'main' na ginagamit sa larong ito.
Ayokong isipin na magkakakatotoo yung sinabi ng doktor. Pag nangyari yun, hindi ko talaga papatawarin ang sarili ko. Pagsisisihan ko na hindi ko siya pinigilan, kahit pa makaaway ko ang buong basketball league namin.
Pero sabi niya sakin, magtiwala ako. Oo, nagtitiwala ako sa kanya. Pero kahit ano pang sabihin niya, kahit anong tiwala ang gawin ko, kahit anong pilit ko, hindi ko talaga maalis na mag-alala para sa kanya.
"Huy.. Kanina ka pa paikot-ikot jan. Ni hindi mo pa ginagalaw yang breakfast mo oh." Sita sakin ni Kuya Alex.
"Ahh... E-Ehh... Kuya... T-Tingin mo ba.. M-Mananalo tayo sa Baypoint sa Basketball?" I started rubbing my fingers together. My bad habit of easing my rising tension.
"H-Hindi ko rin alam eh.. Pero at least, naging finalist tayo. That's already a big achievement, thinking that ten years tayong hindi nakakasampa sa championships." Kuya Alex sipped his coffee. Nagpaikot-ikot pa rin ako. Iinom sana ako ng kape kaso pinigilan ako ni Kuya Alex.
"Sa itsura mong yan, di naman obvious na kinakabahan ka diba? Tapos iinom ka ng kape?" He looked at me na parang sinasabi niya mentally na 'okay ka lang?'
"Tsk.. Edi ano namang iinumin kooo?" Ungot ko sa kanya.
"Juice." Matunog niyang inilapag yung isang baso ng juice sa side ng mesa na malapit sakin. I sighed.
"That's nice." At ininom ko to.
As usual nauna nanaman si Kuya dahil may susunduin siya. At ako nagdrive na papunta sa restaurant para bilhan ulit ng breakfast si Eric
TING
Bumukas yung elevator at nagpatuloy na ko ng paglakad sa hallway papunta sa kwarto ni Eric habang iniisip pa rin yung endless possibilities na pwedeng mangyari mamaya. Nung nasa pinto na niya ko, napatigil ako.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Fiksi Remaja[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...