Chapter 59: Hard Feelings

402 12 4
                                    

Andrea's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andrea's PoV



"The subscriber cannot be reached. Please try again later."


TOOT


"The subscriber cannot be reached. Please try again later."


TOOT


"The subscriber cannot be reached. Please try again later."


TOOT


"Kuyaaa... Wala paring sagot. Naka-off ata yung phone niya.." I frowned.


"Naman yung babaeng yun oh! Halos twenty hours na siyang nawawala! Wala mang text o tawag o letter o pasabi man lang kung saan siya nagpunta! DAMN IT!" Padabog na umupo si Kuya Alex sa couch. Napakamot ulo ako.


Ilang oras nang nawawala si Mitch mula nung lumabas siya ng bahay. At mula pa gabi, nag-aalala na kami nang husto ni Kuya Alex dahil hindi namin siya macontact. Tinawagan namin si Alice, Lawrence, Ate Maxine, at Eric pero lahat sila walang idea kung nasan siya. Si Daniel naman, hindi rin macontact.


Ano ba yann... Naguiguilty ako... Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat..


Pero hindi naman mali yung ginawa ko diba? Sinabi ko lang naman kung anong tunay na nararamdaman ko. Alam kong masasaktan si Daniel, pero kung hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo, pareho lang kaming masasaktan. Isa pa, imposible ko rin namang maitago sa kanya yun. Pag iniwasan ko siyang saktan, ode para na kong two-timer neto. Ayoko naman nun. Hayy.... Ang hirap talaga maipit sa gitna.



"Hindi kaya magkasama yung dalawa?" Tanong ni Kuya Alex habang open-arms siyang nakasandal sa couch.


"S-Siguro.." Sagot ko.

"May idea ka ba kung saan sila pwede pumunta?"

"W-Wala eh.."



Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon