Andrea's PoV
Wahahahahahaha! Ang saya-saya naman! Friday na ngayon! And to top it off, wala kaming pasok ngayon! Personnel Day daw. May gagawing achuchu yung mga staff ng university. Ewan ko bahala sila dun. Basta ako masayang sinusilit ang long weekend. Mahehehe. >:)
Dahil isa akong masipag na bata, tanghali na halos nang ako'y gumising. Pagbaba ko ng hagdan, nagluluto na si Kuya Alex at Mitch ng pananghalian. Syempre nakigulo rin ako.
"Kuyaaaa! Watcha doin'? Mmm! Bango ah!" Yumakap ako sa likod ni Kuya Alex.
"Pananghalian natin." He chuckled at ginulo yung buhok ko.
"Magugustuhan mo ba luto ni kuya?" He asked habang naggigisa-gisa ng ewan sa pan.
"Oo naman! Laging masarap ang luto mo kasi made with loooooove!" At hinigpitan ko pa yung yakap ko kay Kuya. He smiled wide.
"Mitchy Mitch! Ano naman yang ginagawa mo?" Usisa ko kay Mitch na may minimix sa bowl.
"Malamang kasama rin ng pananghalian natin." She casually said.
"A-Ah.. Naku! Siguradong masarap yan!" I smiled at her pero hindi niya ako nilingon. Ni hindi rin ako sinagot.
Hindi ko na lang masyadong pinansin si Mitch. After ng lunch, bored nanaman ako. Kinuha ko yung gitara ko at umupo sa sofa. Nag-iistrum na ko ng intro nang biglang may nagdoorbell.
"Ako na!" Sigaw ko. Lumapit na ko sa pinto at binuksan. Nagulat ako nang makita kung sino to.
"Eric?" Gulat na gulat kong tanong.
"Hi Rea." He smiled at me.
"Oh. Bakit ka napapunta? Yang binti mo? Ayos na ba yan? Baka mamaya sumusuway ka sa sinabi ng doktor ah!" Sunod-sunod kong sabi sa kanya. He chuckled.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Teen Fiction[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...