[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Andrea's PoV
Habang nasa kotse kami ni Eric, hindi siya umiimik. Hindi ko rin naman tinangkang magsalita. Kung anu-ano ang mga naiisip ko. Bakit nagpakamatay ang papa niya? Bakit nabaliw ang nanay niya? Sino yung Bob na step-father niya? Ano ang ginagawa niya sa bahay nila Eric? Ilan lang yan sa mga tanong na umiikot sa utak ko. Isa pa, sobrang... Hindi ko kinaya yung bangayan nila kanina. Ngayon ko lang nakitang ganun kagalit si Eric. It was worse than what I saw before. Nung nasa candyland at nung sa music building? Walang-wala sa nakita ko ngayon. He was much scarier and terrifying a few moments ago.
Nagdidilim na pala ang langit kaya diniretso na ni Eric yung kotse sa resto-bar namin kahit maaga pa. Pumarada yung kotse niya sa parking lot ng restobar namin. Hindi siya nagsasalita at hindi rin naman siya bumababa. Tiningnan ko siya.
"E-Eric? O-Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry." Sabi niya habang diretso pa rin ang tingin niya sa unahan.
"Para san naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. He sighed.
"Baba na tayo." At bumaba na siya sa kotse.
"San ka pupunta?" Humabol ako sa kanya kasi mejo nauuna siya sakin.
"Hindi ko alam." Sagot niya nang hindi man lang ako nililingon.
Napunta kami sa bandang likod ng restobar. Wala masyadong tao ang pumupunta rito kaya tahimik. Umupo siya doon sa isang bench at tumalungko. Tinabihan ko siya.
"Eric.." Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko pero pakiramdam ko kailangan ko gumawa ng paraan para gumaan ang pakiramdam niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat na dinadala niya ngayon. Para bang nagraradiate sa katawan niya lahat ng sakit at bigat ng kalooban na nararamdaman niya. Kaya pag lumapit ka sa kanya, gustuhin mo man o hindi, bibigat ang pakiramdam mo.
Bumugtong hininga siya.
"Do you want to talk about it?" Dahan-dahan ko siyang iniharap sakin at hinawakan ko yung mga kamay niya.
"Hindi naman masamang magkuwento. Promise, makikinig lang ako sayo." I smiled at him. He shifted his gaze to me at ngumiti ng isang malungkot na ngiti at tumingin ulit sa langit. Hindi siya nagsalita o kahit ano.