Andrea's PoV
TOK TOK TOK
CREEK
"Mae.. Lunch na.. Ready na yung pagkain.. Baba na tayo oh.."
"Hindi ako gutom kuya..." Sagot ko nang halos hindi gumagalaw. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot.
"Mae ano ba? Hindi ka pa nagbebreakfast. Tapos ngayon hindi ka pa kakain ng lunch?"
"Kuyaaa.. Favor please? Mamaya mo na lang ako bulabugin.." Sagot ko.
"Hay nako ikaw bata ka... Osige.. Just promise me you'll eat lunch later and won't skip dinner. Okay?"
"Hay.. Okay kuya... Thank you.. I love you." I answered.
"I love you too bunso."
Nakarinig ako ng pagsara ng pinto at mga yabag na palayo sa kwarto ko. Senyales na umalis na si Kuya Alex. Inalis ko yung kumot na nakatabon sa mukha ko. I sighed.
"Ang landi-landi mo! Sabi mo mahal mo si Daniel pero si Eric lagi ang kasama mo! Yang sinungaling mong bibig, pangalan ni Daniel ang sinasambit. Pero yang malandi at makati mong katawan, kay Eric kumakapit! You're such a bitch!"
Grabe. Bumaon talaga yang mga salitang yan sakin. Hanggang ngayon hindi pa rin natatanggal sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Mitch. Maybe not in detail but the the main thoughts... Talagang nagstay sa utak ko. Niyakap ko si Kitty nang mahigpit. Naguguilty talaga ako.
TOOT TOOT
TOOT TOOT
Tiningnan ko kung sino yung nagtext.
"From Eric ni Lhabs: LHAAAAABSSSS!!! I miss you naaa! Punta ako ah? Marami tayong gagawin ngayon! :) Hahaha! Excited na ko! :D! I love you Lhabs! P.S. : Walang halong loko yan. Muwah! :*!"
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Roman pour Adolescents[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...