[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Andrea's PoV
Pumunta kami ni Daniel sa dating pwesto ng grupo namin sa soccer field. Sinalubong kami ni Alice.
"Oi teh! Bat late ka? Kelan pa nasama sa dictionary mo ang salitang 'late'? Namiss mo tuloy yung game ni Lawrence! My gosh! Alam mo ba? Ang galing-galing niya! Kaelibs as ever!" She held her cheeks.
"Ahh... Eh kasi.. binisita ko si Eric. Eh wala na pala siyang gamit at di pa kumakain kaya tinulungan ko muna siya." I turned to Lawrence.
"Lawrence. Sorry ah. di ko napanood yung game mo." I apologized to him.
"Okay lang." He slightly smiled and lowered his head.
"Umupo na kayo. Malapit na magstart yung game. Daniel, baka hinahanap ka na ng teammates mo." Sabi ni Mitch. She turned to the field as she sipped on her drink.
"Ahh.. Oo." Sagot ni Daniel. Pupunta na sana ako sa upuan ko nang biglang hinawakan ni Daniel yung braso ko.
"Andy."
"Mm?" I said in surprise.
"After ng game.. Pwede ka bang pumunta sa locker room namin?" He asked.
"H-Ha? Eh diba.. Puro lalaki kayo dun? Dun yung mga locker ng teammates mo diba?" Gulat kong tanong.
"Ahh.. Oo. Pero madali lang naman sila magbihis eh. Aalis kagad yung mga yun dahil gusto pa nila manood ng basketball." He looked at me.
"Pwede ka bang pumunta?" He asked me again.
"Ahh.. S-Sige." Di ko siguradong sagot.
"Salamat." He brightly smiled at me. Umupo na ako sa upuan ko na nag-iisip.