Andrea's PoV
"ANAK NG TEKLA! ASAN NA YUNG MGA MANGGA?! BAKIT DALAWA NA LANG YUNG NATIRA DITO?! ISANG BOX YUNG INUWI NATIN AH!" Napatigil ako sa pagcocomputer nang marinig ko ang sigaw ni Mitch mula sa kusina.
"Whoopsy.." Bulong ko. Then I giggled. Hindi ko maiwasang tumawa kasi ako yung may sala!
"Oh my god! Wala pang one-third nung box yung nakain ko ah!"
Mahehehe. Kasalanan ko bang mabagal siya? >:)
"Hoy! Ang ingay mo. Mangga lang yan." Sabi naman ni Kuya Alex na pababa ng hagdan.
"Kuya naman eh! Bat di mo ko tiniraaaaaan?!" She pouted at mukhang iiyak na. Ako naman na may sala, tahimik lang at nakikiramdam sa kanila.
"O-Oy, hindi naman marami kinain ko no!" Napalingon sakin si Kuya Alex. Uh-oh. I'm busted. xD
"SO IT'S YOUUU!" Sigaw ni Mitch sabay turo sakin.
"YEAH IT'S ME!" Sagot ko sa kanya with a bright smile. Eh wala eh. Bistado na eh. xD
"YOU'RE SO PG! OMG! KAASAR MUCH!" She gritted in anger.
"PSSST! Mabubulabog mo yung buong barangay!" Sita ni Kuya Alex.
"Eh Kuya! It s soo unfaiiiiir! Ang konti nung nakain koo! Ang sarap-sarap pa naman nuuun!" She pouted at nagdabog na parang batang inubusan ng candy. Tumayo ako at kinuha ko yung isang mangga mula sa mesa. I extended my hand and showed it to her.
"Alam mo, kung ako sayo, kainin mo na to. Kasi kung hindi, kakainin ko na to." I gave her my most evil smile. Biglang inagaw ni Mitch sakin yung mangga at umupo sa isang silya namin sa dining area.
BINABASA MO ANG
Destiny Series Book 1: Entangled Destinies
Novela Juvenil[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime." ~ Shakespeare Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...