[1] "Never play with the feelings of others because you may win the game but the risk is that you will surely lose the person for a lifetime."
~ Shakespeare
Sadly, a campus heartthrob just can't understand this quote. He plays, he fools, he cheats...
Ngayong alam niyo na ang origins ng book at ng naging takbo ng story, pumunta naman tayo sa mga characters ;)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Siya ang ating lead character sa story --- the tomboyish nerdy girl that captured the campus playboy's heart. Since siya ang main character, mapapansin niyo na halos sa Point of View or PoV niya tumatakbo ang buong story. Iilan lang ang chapters na wala ang kanyang point of view.
CHARACTER CONCEPT
Madali lang naman ang concept sa kanya. The cliché beautiful but boyish appearance, and a pretty intelligent mind. Not a problem at all.
NAME
Originally, Andrea Fontanilla lang talaga ang dapat kong ipapangalan sa kanya kaso naiiklian ako sa pangalan niya pag pinakikinggan ko. So dinagdagan ko siya ng 'Mae' na second name ;)
Pinili ko yung first name na 'Andrea' kasi napaka-boyish ng nickname na 'Andy'. Ginawa ko na 'Mae' ang tawag sa kanya ng family niya dahil wala lang xD Nacucute-an ako pag naiisip ko na tatawagin siya ng Mae-Mae xD
APPEARANCE
Since tomboyish-nerd ang ating bida, obviously, very boyish ang appearance ni Andrea sa start ng story --- Short hair, boyish style outfit na walang bakas ng pagkababae, at walang make-up kaya madalas siyang napapagkamalan na lalaki. Not to mention na ang main transportation niya ay skateboard at big bike. xD
After a few chapters, ten to be precise, napagdesisyunan kong mag-transform si Andrea. From boyish to girly, sa tulong ni Mitch at Alice. Though hindi siya sanay nung una, madali lang niyang nakasanayan na gumamit ng mga girly clothes at ng mga beauty products at make-up. Not to mention na wala na siyang ibang choice dahil halos "nilinis" ni Mitch yung wardrobe niya a day before nila sapilitang i-shopping si Andrea.
PERSONALITY
Since siya ay nearly isang 'outcast' ng campus, makikita natin na sa simula ng story, mejo passive ang personality niya --- timid, shy, silent type, at hindi mahilig makigulo. Kung san may tao, dun siya wala xD
Pero nung naging 'babae' na siya, makikita natin na mas tumaas ang level ng confidence niya lalo na at akala mo chewing gum makadikit si Eric sa kanya. So makikita natin na dahil mas marami nang naga-approve at tumatanggap sa kanya sa school (means hindi na siya outcast), at dahil na rin sa warmness ng pagtanggap at suporta ng friends at family niya sa kanya, she felt more secure na siyang nagbuhat ng confidence level niya to the point na kaya na niyang magyabang at mang-hard without hesitations. xD
RELATIONSHIP WITH THE AUTHOR
Best friend niya rin ako.. Joke xD
But seriously speaking, inihalintulad ko siya sa akin --- the boyishness, playfulness, childishness, attitude, kamalditahan, etc. Actually, kung naaalala niyo ang chapter 1, she was actually pretty much talking for myself. Yes, it was a reflection of me, except the skateboard, at yung 'lumipat sa bahay yung dalawa kong pinsan' part.
Nung una talaga, inire-reflect ko ang sarili ko kay Andrea. But as the story progresses, unti-unti ko na rin siyang inihiwalay sakin at nag-iwan na lang ng ilang points kung san ako nagre-reflect sa kanya. Tulad nung family background niya na napatay sa barilan ang Tito niya. Although may separate story yun. It was like this... (I don't actually think you care about it, but I'll share. Desisyon niyo na lang kung gusto niyong alamin.)
Since single mother nga rin si mother dear ko, yung isa niyang kapatid sabi sakin pwede ko rin daw siyang tawaging 'papa' kasi wala rin naman daw siyang anak na babae at napapagkamalan ako minsan na anak niya. Kaso nga lang, pina-prarctice ko pa lang na tawagin siyang 'papa', kinuha na kagad siya ni God. What I regret about that is hindi niya pa naririnig na tawagin ko siyang 'papa' na tulad ng sinu-suggest niya.. </3
Isa pa pala, mahilig akong kumanta kaya obviously music lover siya xD And I was a frustrated guitarist. Hindi kasi ako marunong eh. Nung tinry ko kasi maggitara, nasugat yung daliri ko. Kasi yung best friend ko sadista sa pagtuturo sakin eh. Tinetake-for-granted ang friendship namin sa pagtuturo sakin. xD
Back to Andrea, another is hindi ko kasama ang mga pinsan ko dito katulad nung ginawa ko sa story. Although gusto ko silang makasama, hindi pwede eh. Totoong may magkapatid akong pinsan, pero hindi tulad ng inilagay ko sa story. I'm gonna discuss this pag dumating na ko sa characters nila Alex at Mitch ;)
Her picture on top! Ganyan siya sa bahay nung time na humaba na yung hair niya at nag-a-adjust pa sa mga bago niyang damit at style. :D
NOTE: Gagawa po ako ng character profiles sa aking website pero upcoming feature pa lang po iyon. It would contain everything about them. I plan it to be like a biodata na biography, basta ganun xD Wala pa kong nasisimulan at iniisip ko pa lang kung paano ang gagawin ko doon xD Mag-aannounce na lang ako sa MB ko kung available na ang character profiles nila ;)