Chapter 41: Distracted

523 13 3
                                    

Daniel's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Daniel's PoV



"Okay! Alam niyo na ang strategy natin ngayon ah! Lagi niyo lang babantayan etong dalawang player na to ng Riverview." Remider samin ni coach bago magstart yung game.


Kinuha ko yung Gatorade sa bag ko at uminom. Siguradong tagaktak ang pawis namin neto. Ang init pa naman sa Pinas.


Pinunasan ko yung bibig ko para matanggal kung meron mang naiwan na residue ng gatorade at ibinalik to sa bag ko.


Pupunta kaya si Andy? I sighed. Mukhang malabo yun. 


Tumingin ako sa pwesto namin sa bleachers. Nakita ko silang naghihintay magsimula yung game. Mitch smiled at me and waved me her closed fists na parang sinasabi na "Kaya mo yan! Do your best! I'll support you! Aim for the win!" I grinned at her and slightly nodded my head na parang sinasabi kong "Thanks. I will."


Si Mitch... Why is she always there for me? Every time I'm up, she's there. Every time I'm down, she's still there. She almost never leaves my side. Lagi siyang nakasuporta at tumutulong in some ways sa lahat ng ginagawa ko.


Madalas, hindi nag-oopen up ang isang lalaki. Kinikimkim lang namin lagi ang mga nararamdaman namin at problema namin saming sarili. It is just very uncomfortable for boys to open up easily to others. Pero every time na kinakausap ako ni Mitch about sa mga problema ko, I feel so comfortable in her prescence. Parang hindi napakahirap sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko.


As if she's an angel that touches my heart.


Nakakapagopen up ako sa kanya. Lalo na pag tungkol kay Andy. Lagi siyang nakikinig at pinapagaan ang pakiramdam ko. Bakit ba sobrang bait niya sakin?


She became my best friend. Sa totoo lang, hindi ko akalaing magkakabest friend ako ng isang babaeng katulad niya... I feel so blessed.


Naalimpungatan ako sa pagdadaydream nang bigla akong nakaramdam ng tapik ga balikat ko.



"Daniel."

Liningon ko yung tumawag sakin. Pagkalingon ko, nakita ko yung coach namin na seryosong nakatingin sakin.


"Coach.." Sagot ko sa kanya.

"Are you alright? May bumabagabag ba sayo?" Tanong niya. I chuckled.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon