Chapter 45: Wrong Timing; Right Time

541 11 4
                                    

Alice's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alice's PoV



After ng Inter-School Sports Competition, back to school ulit kami. As usual. Boring lessons, annoying professors, irritating fans, admirers, and haters, at mga mind blowing assignment, seatwork, quiz, long test. At ang masaya pa dun, malapit na ang periodicals. Oh god! Tell me nga? Ano bang natutunan ko sa buong buhay ko na nasa school ako? Meron nga ba talaga? Wala akong maisip eh! Hay... =_____=



"Okay. Class, we will have our long test on Thursday. That's 2 days from now. Ang pag-aaralan ay mula sa Lesson 18 hanggang Lesson 26." Sabi ng Economics professor namin at lumayas na ng wala man lang good bye. Hay.. Libro. Buti na lang libro ang kailangan. Tamad kasi ako kumopya. Si Andy ang talagang nerdy samin. Mahilig na ngang magnotes, naghihighlight pa ng libro. Pag nag-aral yan, magkatabi ang libro at notebook. Eh ako? Libro lang swak na.


Kampante kong kinapa yung Economics book ko sa aking 'locker bag'. Sa locker bag, lahat ng nakalagay sa loob niyan eh lamang-locker. Kaya yung buong bag ang nilalagay ko sa locker at yung buong bag din ang hinuhugot ko from the locker every morning bago magklase.



"Hm.. Hm? Book.. Asan.. Asan na yung book ko?" Bigla akong naging aligaga sa pagkalikot sa bag ko. Dinouble check ko pa at inilabas lahat ng laman ng bag ko.


"Nawawala... nawawala yung book ko! Haluuuhh!" Sigaw ko habang naghahalungkat.



"Oi bhes. Okay ka lang?" Tanong sakin ni Andy.

"Bhes! Nawawala yung Eco book ko!" I yelled in terror.

"H-Ha? Baka namisplace mo lang." She answered.


"No! Imposible yun! Maygad bhes! Pano ako mag-aaral?! Pahiram book!" Tinangka kong kunin yung libro niya sa locker bag niya pero madali niyang niyakap to.



"Pano naman ako? Mag-aaral rin ako bhes!" She answered.


"Eh bhes! May notebook ka naman eh! Tingnan mo nga yung notebook ko, puro xerox copy ng notes mo! Wala naman akong naiintindihan kasi ikaw yung nagsulat! Kaya bhes, sige naaaaa.. Pahiram na ng booooook.." Sabi ko na halos lumuhod sa harapan ni Andy.

Destiny Series Book 1: Entangled DestiniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon